Morge

6.2K 76 0
                                    

Tulalang naabutan nila Chris, Jason at Janus si Mrs. Del Mundo sa morge ng ospital.

Hindi maka-usap. Malayo ang tingin habang burado na ang make-up dahil sa mga umagos na luha.

Ilang saglit pa ay dumating na rin sina Alice at Mr. San Carlos.

Dumiretso si Alice sa kwarto kung saan nakaratay ang walang buhay na si May. Samantalang, ibinuhos ni Mr. San Carlos ang simpatya sa nagdadalamhating inang nawalan ng anak.

Sumunod sina Janus, Chris at Jason sa lugar na pinuntahan ni Alice. Hindi pa man lubos na nakakapasok sa kabuuang kwarto ay hindi na nilang napigilan na maduwal dahil sa kalagayan ni May.

Lumingon si Alice sa lugar kung saan naroroon sina Janus.

Nang hindi na makayanan ni Jason ang nakikitang kalagayan ni May. Nagmadali itong nagtungo sa banyo habang pinipigilan na sumabog ang suka sa lobby ng ospital.

Mangilid-ngilid ang luha ni Alice habang  pinagmamasdan ang kalagayan ni May.

Nangilabot na lamang ito nang maramdaman na tila may malamig na hangin na umiikot sa paligid ng kwarto. Sinundan ng tingin ni Alice ang nararamdamang agos ng hangin.

Mula sa salaming bintana sa kwarto natanaw nito ang lobby. Si Mr. San Carlos, si Mrs. Del Mundo, ang inspector, Chris at Janus. Nakaramdam ulit ito ng pangingilabot nang may isang anino ng babae ang nakatingin sa kanila mula sa labas ng ospital.

Tumingin ito kay Mr. San Carlos. At nang linguning muli ang kinatatayuan ng babae ay nawala na ito ng parang bula.

Bakas sa mukha ni Alice ang pagtataka na may halong takot.

Ngunit sumilakbo pa lalo ang takot nito nang sa pagbalik ng kanyang tingin sa walang buhay na katawan ni May ay nakita nito na nakaupo na ito sa pinagkakahigaan.

Matalim ang titig ni May.

Panginginig ng katawan ang inabot ni Alice.

Hindi na naglakas ng loob si Alice na magtagal sa loob ng kwarto at nagmamadali ng lumabas.

Sinalubong ito ng inspektor.

“Ok ka lang…”, tanong ng inspektor.

“Oo, ok lang ako…”, nagtatapang-tapangang sagot ni Alice.

Habang naglalakad sa lobby sinubukang tanawin ni Alice ang kinalalagyan ni May mula sa salaming bintana.

Naroroon ang bangkay ni May. Walang buhay. Nakaratay.

Pinili na lamang nito na sumama sa grupo nila Janus.

Nang mapansin na wala si Jason.

“Si Jason?”, pagtatakang tanong ni Alice.

Dean's Lists (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon