MATA sa PATALIM

2.5K 55 7
                                    

Nakabibinging katahimikan ang bumamabalot sa isang madilim na silid sa isang abandonadong building.

Ilang saglit, isang naghahabol na hininga ang tila sumakop sa katahimikan.

Nagising na si Alice.

Bakas sa hininga nito ang labis na sakit at takot na nararamdaman.

Wala parin itong naaaninag dahil sa plastic na nakabalot sa kanyang ulo at madilim na silid.

Janus... - tawag ni Alice

Janus? - ulit pa ni Alice

Nang tumawag muli si Alice, tila gumalaw ang isang upuan sa loob ng silid.

Janus, ikaw ba yan? - tanong ni Alice

Isang liwanag ang bumalot sa loob ng silid nang sindihan ng hindi nakikilalang tao ang isang kandila.

Naaninag ni Alice ang bahagyang liwanag mula sa itim na plastic na nakabalot sa kanyang ulo.

Janus, ikaw ba yn? - muling tanong ni Alice.

Humakbang palapit kay Alice ang hindi nakikilalang tao at ito ay pinagmasdan.

Janus, please... help me get out of this. - pakiusap ni Alice

Isang malakas na sampal ang natanggap ni Alice.

Hindi napigilan ni Alice ang maluha sa labis na takot at sakit.

Kung sino ka man please... pakawalan mo na ko. - pakiusap ni Alice

Humakbang ito palayo kay Alice at lumapit sa isang mesa.

Pinulot nito ang isang matalim na kutsilyo at pinagmasdan.

Bakas ang labis na galit sa mata nito nang naaninag ito sa patalim.

Lumapit ito kay Alice at tumungo sa likuran nito.

Marahas na inalis ang pagkakabalot ng itim plastik sa ulo ni Alice.

Bumungad ang pagod at pasa pasang mukha ni Alice. Bakas din ang labis na takot at pangangamba.

Nagmasid si Alice sa buong silid. Umagos ang luha nito sa marungis na mukha nang hindi nito makita ang hinahahanap, si Janus.

Muling ibinaling ni Alice ang panangin sa buong silid.

Hindi nito naitago ang labis na takot nang makita ang isang hindi nakikilalang tao sa kanyang likuran.

Parang awa mo na... kung sino ka man, please... pakawalan mo na ko - pakiusap ni Alice

Ngunit hindi man lang bahagyang gumalaw ang hindi nakikilalang tao.

Ano bang kasalanan ko sayo? Bakit mo ginagawa sakin to? - nagmamakaawang tanong ni Alice

Humakbang palapit sa isang madilim na silid ang taong hindi pa nakikilala.

Parang awa mo na... please... - patuloy sa pagmamakaawa si Alice

Nang isang nakakabulag na liwanag ang bumalot sa paligid.

Nasilaw si Alice sa dulot ng liwanag.


Nang unti unti nitong maaninag ang isang bagay na nakasabit sa kanyang harapan.

Si Janus.

Nakatali ang dalawa nitong kamay.

Nababalot din ang mukha ng isang plastik.

Walang malay.

Janus! Janus! - nanginginig na tawag ni Alice

Janus.... - at hindi na napigilan nito ang luha.

Bumuhos ang tubig mula sa isang balde sa katawan ni Janus at nagkaroon ng ulirat.

Agad itong naghabol ng hininga.

Bakas dito ang takot dahil sa labis na panginginig.

Janus, Janus! - tila sabik na tawag ni Alice.

Alice! Ikaw ba yn? Alice... - tugon ni Janus

Isang malakas na sigaw ang pinakawalan ni Janus ng maramdaman ang malakas na boltahe ng kuryenteng dumaloy sa kanyang katawan.

Janus!... - nagmamakaawang tawag ni Alice

Hindi na makapagsalita si Janus dahil sa labis na sakit na sinapit.

A...li...ce... - nanghihinang pagtawag ni Janus.

Janus... parang awa mo na itigil mo na to, pakawalan mo na kami - pagmamakaawa ni Alice habang lumuluha.

Lumapit muli sa mesa ang hindi nakikilalang tao at pinulot ang patalim.

Nang makita ito ni Alice.

Nabalot ito ng takot.

Janus, Janus... Janus!

Nabalot ang buong building ng sigaw ni Alice.

Dean's Lists (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon