The Arrival

8.4K 104 9
                                    

Nasa kalagitnaan na sila ng biyahe patungo sa destinasyon ng outing ng bumalik ang malay ni Alice.

Tulog ang karamihan ng mga mag-aaral na pasahero ng bus.

Tumayo mula sa pagkakaupo si Alice. Dahan-dahang umalis sa kinauupuan upang hindi maabala si Grace si pagkakatulog at unti-unting pinagmasdan ang lahat ng pasahero sa bus na kanyang sinasakyan.

Ramdam parin ni Alice ang sakit ng ulo nang mawalan ito ng malay.

Habang naglalakad papunta sa may kina-uupuan ng driver si Alice,  unti-unting pumasok sa isip ni Alice ang mga imahe na nakita niya sa van. Mabilis ang pagpapalit-palit. Magulo. Hindi Malinaw.

Hawak na nito ang ulo dahil sa sakit na nararamdaman. Hanggang sa naging malinaw na ang imahe sa kanyang isipan.

Tila tumigil ang oras nito ng Makita ang mga imahe na nakita niya sa van ni Janus.

Takot ang naramdaman nito dahil, walang buhay at duguang katawan ang nakita niya sa van. Si Janus, May, Jason at Chris, lahat sila ay naliligo sa sarili nilang dugo, at ang nagkukumahog na katawan ni Shiela na tila humihingi sa kanya ng tulong at pilit inaabot ang kamay sa kanya. At ang nakapagdagdag ng kilabot sa kanya ay ang babae na nakita niya mula sa tanggapan ni Mr. San Carlos na siyang nakaupo sa driver seat ng van.

Ilang saglit ay isang nakakabinging busina ang narinig nito mula sa sinasakyang bus.

Nang subukang lingunin ni Alice ang kinatatayuan ng kanilang driver….

......

Laking gulat na lamang niya na isang malakas na apoy ang sumasalubong sa kanila.

Unti-unting kinakain ng mala-impyernong lagablab ang bus. Nakakapangilabot kung pano nakikita ni Alice ang mga pasahero na kinakain ng apoy.

Sinubukang tumakbo ni Alice patungo sa bandang likuran ng bus. Ngunit hindi nito nagawang umiwas sa malaking apoy at siya ay kinain nito kasama ng buong sasakyan at iba pang pasahero.

Biglang nagising si Alice sa pagkakahimbing.

Nakarating na sila sa lugar para sa kanilang overnight outing.

Pawisan si Alice, at tila hinahabol ang hininga.

Inabot ni Grace ang tubig na hawak nito.

Agad na ininom ni Alice ang distilled water na tila uhaw na uhaw sa tubig.

“Ok ka lang?”, nagmamalasakit na tanong ni Grace.

Hindi sumasagot si Alice hanggang sa maubos nito ang tubig na ibinigay ni Grace at binitawan ang bote hanggang sa bumagsak sa sahig ng bus.

Dean's Lists (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon