Presinto

7K 90 0
                                    

“Cheers!”, sabayang sigaw na may halong paghalakhak.

“We’ve made it!”, pagmamalaking sigaw ni Shiela habang nakataas ang baso ng alak.

“Finally…”, dagdag ni May matapos ibangga ang baso nito sa baso ni Shiela.

“I told you guys, all you need to do is to trust and leave it to me. And everything will be under control.”, wika na ni Janus na may kasunod na pag-ngisi.

“Kampay.”, panguna ni Jason.

“Kampay……..”, at sabay na nilang itinaas ang baso.

Tatlumpung minuto ang lumipas, nakahilata na silang lahat sa damuhang may latag ng banig. Patay na rin ang bonfire na nagbibigay init sa malalim na gabi. Nakatumba na ang mga bote ng alak at tanging ang iphone na lamang ni Jason ang naririnig nila.

I know Im prayin’ for much too much. But could you send back the only man she loved. I know you don’t do it usually, but oh Lord she’s dyin’ to dance with my father aga.”, biglang naputol ang kanta.

In-off ni May ang iphone.

Ilang saglit ay nagmadali itong tumakbo palayo sa kinahihigaan.

Ilang hakbang pa lamang ay sumabog na ang suka nito.

Nahimasmasan si Jason at napangiti na lamang habang pinagmamasdan ang patuloy na pagsuka ni May.

“Hey are you ok out there, you freak?”, nakangising tanong ni Jason.

Nang maubos ang laman ng tiyan ni May at wala ng maisuka, agad itong tumayo. At bumalik sa pinagmulan.

Wala sa balanseng naglalakad si May patungo sa kinalalagyan ng mga kasama. Pinapahid ng mahabang manggas ang natitirang suka sa mga labi. Lumulurang lumalakad si May.

Nang makarating si May sa lugar, napansin nito na wala si Shiela at Janus.

“Shiela…. Janus….?”, tanong habang iniikot ang paningin sa paligid.

Inulit pa ni May ang pagtawag hanggang sa magising na ang ibang kasama.

“Janus…. Shiela… where are you?”, ulit ni May.

“Maybe their just having fun…”, malisyosong tugon ni Chris, habang ngumingiti ng pangisi.

Inulit pa ulit ni May ang pagtawag.

“Why, naiinggit ka ba sa kanila. We can have our owwwwwwwwwwwwwwwwn fuuuuuuuuuuuunnnnnnnnnnnn if you want…”, malisyosong sabi ni Chris habang nasa likuran ni May na may kasabay na paghawi sa buhok.

Dean's Lists (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon