ANG PAGSAGIP

2.5K 74 3
                                    

Nabalot ang buong building ng sigaw ni Alice.

Bakas naman ang panghihina ng katawan ni Janus dahil sa sinapit nito.

Tumutulo na ang dugo sa tagiliran nito dulot ng sugat mula sa patalim.

Janus... parang awa mo na... - patuloy na pakiusap ni Alice

Lumakad ng bahagya ang hindi pa rin nakikilalang tao at lumapit sa tila isang maliit na silid.

Sinundan ito ng tingin ni Alice.

Bumalot sa mukha ang gulat at awa  ni Alice sa kanyang nakita...

Si Shiela.

Shie... Shiela!? - nanginginig na tawag Alice.

Shiela! Shiela! - ulit pa nito

Lumapit ang hindi nakikikalang tao at nagmasid sa nakaratay na katawan ni Shiela.

Bakas sa katawan ni Shiela ang labis na hirap.

Ang mga pasa sa mukha at braso. At ang duguang damit.

Hayop ka! Pakawalan mo kami! - tila pagmamatapang ni Alice

Pakawalan mo kami! - ulit nito

Ngunit natahimik ito ng dumaplis sa pisngi ngito ang patalim na inihagis ng hindi nakikilalang tao.

Gumuhit ang dugo at dumaloy sa kanyang madungis na mukha.

Nagpatuloy sa pagiyak si Alice.

Parang awa mo na... nakikiusap ako. Pakawalan mo na kami... - nanghihinang pagmamaka-awa ni Alice

Lumapit ito sa kanyang likuran. Pinulot ang patalim. Hinatak ang buhok sa likuran.

Takot na takot si Alice habang nararamdaman ang hininga nito.

Nang biglang...

Isang ingay mula sa di kalayuan ang kanilang narinig at nakuha ang atensyon ng hindi nakikilalang tao.

Pinakawalan nito ang pagkakakapit sa buhok.

Tila nagkaroon ng pagasa ang bumalot sa mukha ni Alice.

Janus... Shiela... - bulong ni Alice

Pinagmasdan ni Alice habang humahakbang palayo ang hindi nakikilalang tao.

Nang makalayo na ito.

Pilit na inabot ni Alice ang patalim.

Gimuhit ang bahagyang ngiti sa mukha nito nang makuha ang patalim.

Agad nitong ikinaskas ang patalim sa kanyang pagkakatali.

Unti unti namang tumutulo ang dugong dulot ng sugat ng patalim sa kagustuhang makawala sa pagkakatali.

Nagpatuloy ito hanggang sa makarinig ng isang ingay.

Tila nabalot muli ito ng takot.

Nagmadali ito hanggang sa naputol ang pagkakatali.

Nagmadali itong nagtungo kay Janus at pinakawalan mula sa pagkakatali.

Alice... - nanghihinang wika ni Janus

We're going out of this... - tugon ni Alice

Nang matanggal ang pagkakatali, agad na nagtungo si Alice sa kinalalagyan ni Shiela.

Naluha ito sa labis na awa dahil sa kalagayan ni Shiela, lalo pat nakita nito ang telang nakatakip sa kaliwang mata nito.

Wala na ang kaliwang mata ni Shiela.

Shiela... - paggising ni Alice

Nang magising si Shiela...

Alice? - tanong at pagtataka ni Shiela

Lets go... kelangan na natin umalis.. - wika ni Alice

Hindi ko maintindihan... - pagtataka parin ni Shiela

Saka ko na ipapaliwanag... kailangan na nating umalis - sagot ni Alice

Napabaling ang tingin ni Shiela sa kinalalagyan ni Janus. At gumuhit sa mukha ang pagtataka...

Oo, si Janus - naiiyak na wika ni Alice

Bumaba mula sa mesa si Shiela at lumapit sila kay Janus.

Iniaangat ni Alice ang katawan nito at inilagay ang braso sa kanyang balikat.

Nagtataka parin si Shiela sa mga nangyayari.

Please, Shiela... kailangan na nating umalis... - pakiusap ni Alice

Lumapit si Shiela at tinulungan si Alice na maitayo si Janus..

Hindi nito namalayan na nasa kanilang likuran na pala ang hindi pa nakikilalang tao.

Napansin ni Alice ang tila kakaibang mukha ni Shiela na nakatingin sa kanyang likuran.

Nang bumaling ito sa kanyang likuran.

Isang malakas na sapak ang inabot nito.

Bumagsak ang katawan ni Alice na sahig at nabitiwan ang hawak na patalim.

Alice... - nagmamakaawang tawag ni Janus, habang kapit ni Shiela

Lumingon sa kanila ang tao... at ng maramdaman na gumagapang si Alice upang makuha ang patalim, nagmadali itong nagtungo sa kinalalagyan ni Alice.

Abot kamay na ni Alice ang patalim, ngunit bigo parin itong makuha nang apakan ang kamay nito ng hindi nakikilalang tao.

Sumigaw si Alice dahil sa labis na sakit.

Alice! - pagtawag ni Janus

Pinulot ng hindi nakikilalang tao ang patalim at puma-ibabaw kay Alice.

Nanlaban si Alice at pilit na hinarang ng mga kamay ang patalim.

Tumayo si Shiela at lumapit kina Alice...

Bago pa man makalapit si Shiela, tila wala ng lakas si Alice upang lumaban pa.

Iniangat ng hindi pa nakikilalang tao ang patalim at tangkang isaksak sa dibdib ni Alice.

At...

Tumalsik ang dugo sa kanilang paligid.

                                                                      *    *    *    *    *

Killer will be revealed on the next chapter.... Vote and share if you'd like my story :)

Your comments will be much appreciated :D

[ i-a-m-n-a-r-d-s ]

Dean's Lists (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon