Biyahe

8.8K 117 17
                                    

2:45 pm na ng hapon, labing-limang minuto na lamang ang nalalabi at handa na sila sa biyahe. Abala na ang lahat sa pagsasakay ng kanilang mga personal na gamit sa sasakyan na gagamitin para sa outing. Kanya-kanyang grupo sa pag-aayos ng mga pangunahing gamit para sa isang masaya ngunit magiging panimula ng misteryo at malagim na trahedya.

Sa di kalayuan, angat ang postura ng grupo nila Chris, Shiela, May, Jason ang mga top 5 sa deans list, pero nasaan si Janus, well, hindi na nakakapagtaka dahil sa pa-VIP nitong attitude.

Sabagay, hindi rin naman sila masisi ng ibang mag-aaral dahil may sinasabi naman ang mga pamilya nito sa antas ng pamumuhay.

Si Chris Santos, mula sa political clan, anak ng kasalukuyang mayor ng kanilang bayan. Medyo maangas, pero madali namang pakisamahan. Kahit na hindi ganoong kaganda ang naririnig mula sa taong bayan tungkol sa kanyang ama, na kesyo corrupt ito at nanalo sa pandaraya sa eleksyon.

Si May del Mundo, anak ng principal ng isang sikat na high school sa bayan. Kaya naman, pressure din ito na mag-aral para sa inaalagaang pangalan ng pamilya. Lahat kasi ng mga kapatid nito ay graduate ng magna at suma, maliban sa kanyang panganay na kapatid na napabalitang nagpakamatay dahil cum laude lamang ang nakuhang karangalan ng magtapos ito sa kolehiyo.

Shiela Lorenzo, super-model wannabe anak ng isang ex-beauty queen na hindi nagisnan ang ama, dahil sa namatay na umano ito noong nasa sinapupunan pa lamang ito ng kanyang ina. Pero, kalat ang balita na anak ito sa pagkadalaga at bunga ng isang pagkakamali.

At si Jason dela Cueva, anak ng retired army general na sumusunod lamang sa kung anong sabihin ng kanyang ama. Na sikat noong araw dahil sa mga napapabalitang pinapa-salvage na pusakal at kalaban ng batas. Matapang sa ibang tao si Jason, ngunit malaki ang takot sa ama.

Ilang saglit lang, mahabang pagbusina ang bumulalas sa main gate mula sa isang silver innova van. Agaw-pansin. Sabay ng paghinto ay ang nakakabinging katahimikan. Bumukas ang pintuan at isang Janus Custudio ang bumaba mula sa sasakyan.

Si Janus, ang prodigal businessman son. Siya ang pinakamayan sa lahat. Ang kanyang ina ay isang lawyer at ang ama ay isang bigtime negosyante na malaki ang impluwensya sa batas at pulitika. Ngayon alam na natin kung bakit pa-VIP ang ugali niya.

Lumakad papalapit si Janus sa grupo nila Chris.

Dean's Lists (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon