MCM 666 pt 2

4.6K 71 39
                                    

Nagmadali nilang itinayo si Inspektor at inakay upang makalakad patungo sa likurang pintuan ng presinto.

Gumuguhit sa sahig ang dugo na tumutulo mula sa sugat ni Inspektor.

Ilang hakbang pa lamang ay tila namatay ang makina ng sasakyan. Nabalot muli ng katahimikan ang buong presinto, patay sindi ang mga ilaw na nagdudulot ng karagdagang takot kina Alice, Janus at Inspektor.

Hindi pa sila nakakalayo… isang kakaibang ingay muli ang bumalot sa paligid…

“Krrrrk….. krrrrrrrrrrrk…….. krrrrrrrrrrrrk…”, ingay mula sa kanilang likuran.

“Krrrrk….. krrrrrrrrrrrk…….. krrrrrrrrrrrr…”

“Krrrrk….. krrrrrrrrrrrk…….. krrrrrrrrrrrr…”

“Krrrrk….. krrrrrrrrrrrk…….. krrrrrrrrrrrr…”

Patuloy ang ingay na tila papalapit na sa kanilang kinaroroonan.

“Krrrrk….. krrrrrrrrrrrk…….. krrrrrrrrrrrr…”

Naglakas loob si Janus na lumingon sa kanilang likuran upang tanawin ang pinanggagalingan ng kakaibang ingay na ito.

Tila, sandaling tumigil ang oras nito dahil sa labis na pangingilabot sa kanyang nakita.

Isang naka-itim ang humahakbang patungo sa kanilang kina-roroonan.

At nang mapagawi ang tingin ni Janus sa ibabang bahagi nito, nakita nito ang kadena na kinakaladkad na nagdudulot ng kakaibang ingay.

“Krrrrk….. krrrrrrrrrrrk…….. krrrrrrrrrrrr…”

Bumabaks ang bawat daanan ng kadena, bunga ng dugo na tila nakabahid dito.

Ilang saglit…

“Krrk.. krrk.. krrk..”

Tila bumibilis ang kanilang naririnig.

Nang lumingon si Alice…

Nakita nito na bumibilis ang hakbang ng hindi makilalang naka-itim.

Nang natanaw na nila ng pintuan.

Ini-abot ni Inspektor ang mga susi kay Janus.

Agad itong inabot ni Janus at nauna na sa pintuan upang buksan ito.

Dean's Lists (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon