Thirty

42 4 0
                                    

Fayre's POV

Tumalikod ako kay Ryker ngunit narinig ko siyang nagsalita at napapagpahinto sa'kin ang mga sinabi niyang iyon.

"Bakit sa tuwing nakikita mo ko ika'y lumalayo? Ganun ba ang pagkadisguto mo sa presensya ko? Sabihin mo lang, kusa akong lalayo"

Sa kanyang mga sinabi ay napaharap ako sa kanya at kitang kita ko sa kanyang mata ang sakit.

"Hindi naman kasi sa Ganun Ryker eh, gusto ko lang mapag-isa, nakita kita dito so I assume na gusto mo ring mapag-isa kaya umalis ako"

"Ayokong mapag-isa gusto ko kasama ka"

"Ano ba kasing problema mo? Walk-out, walk out!" Natatawa kong tanong na ikinapikon niya.

"Pano ba kasi, mas may alam si Azeil sayo kesa sa'kin.  Mas nauna siyang nakilala ka bago ako. Mas nauna siyang mahalin ka at hanggang ngayon, mahal ka parin niya" makahulugang sabi niya sa'kin.

"Ano bang gusto kong malaman tungkol sa'kin?" Tanong ko sa kanya.

"Lahat-lahat!" Tugon niya.

"Kabilang na ba doon ang bra size at brands ng underwears ko?" Pagbibiro kong tanong sa kanya.

Pinandilatan ako ni Ryker na siya ikinatawa ko.

"Binibiro lang kita. Wag kong seryosohin"

"Di naman eh."

"Mabuti nang malinaw Ano!"

"Ano sasabihin mo na ba?" Nag-aantay niyang tanong sakin.

"Sigurado ka?" Tanong kong muli sa kanya.

"Handa akong makinig" ngiti niyang sabi.

Napabuntong hininga muna ako bago  nagsalita.

"I'm an illegitimate child" pauna ko

"What?!" Gulat niyang tanong

"It's true, anak ako sa labas Ryker, kabit lang ni Dad si Mom"

"Then?" Nag-aantay siya sa mga susunod kong sasabihin.

"Nalaman ko lang noong periodical exam, first grading. Problemado ako noon sa time na binuhusan ako ni Kalilah ng iced tea at nung nag-away kayo ni Azi. Umiyak ako sa field noon at si Azeil ang nagcomfort sa'kin. He help me ease the pain that I'm feeling inside"

"Bakit di mo man lang sinabi sa'kin? " dismayadong tanong niya.

"Kasi akala ko, wala ka namang interes sa buhay ko, remember? Dumidistansya ka di'ba?" Tanong ko sa kanya.

"Selos ako nun eh!" Pag-aamin niya.

"Bakit naman?"

"Kasi hinawakan niya ang kamay mo na dapat ako lang ang makahawak?" Patanong niyang paliwanag.

"Baliw ka na Ryker!"

"Baliw sayo Fayre"

"Che! Wag mo kong bwesitin Ryker!"

"Ipagpatuloy mo na yung kwento mo"

"Oo na! Nakademanding neto!
May tatlo akong kapatid, anak ni Dad sa totoong asawa niya. Yung bunso sa tatlo, kinaiinisan ako, ako yung sinisisi dahil sa nabuo ako, nabuwag ang pamilya nila dati ay kompleto"

"Eh ngayon? Tanggap ka na ng Ate mo? Di na siya galit sayo?" Sunod-sunod niyang tanong

"Complicated eh!" Tugon ko

"Someday, matatanggap ka na niya, tiwala lang!" Pagpapasigla sa'kin ni Ryker.

"Yeah. I hope so" pagsasang -ayon ko

Crossed RoadWhere stories live. Discover now