Seven

39 9 0
                                    

Fayre's POV

"Ang laki-laki na ng utang ko sayo" wika ko sabay kumawala ng bunting hininga.

Napalingon siya sa akin.

"Ano bang pinagsasabi mo Fayre?! Di'ba ako naman yung nag- insist na ako Ang magbabayad?!" Galit niyang sinabi.

Aba! Ikaw pa tong may ganang magalit?

"Ayon na nga eh! Nakokonsensya ako kasi wala akong karapatang galawin yang pera mo at wala kang karapatang gastusan ako!" Napipikon kong sabi saka kumuha ng limang libo sa wallet ko then I handed it to him.

"Ano ba Fayre? Nagmamaneho ako oh! Oo nga at wala ka pang kontrol sa pera ko, not now but soon"

Lumingon siya sa'kin then he winked at me saka niya binalik ang kanyang tingin sa daan.

Anong soon? Anong pinagsasabi netong mokong na'to?

Wala akong nagawa kundi ang ibalik ang 5k sa aking wallet at nagselpon.

*click* *click*

*click*

*click* *click*

"Hey!Cellphone ko yan!"

"Hala ka Ryker? Akin kaya to!"

Chineck ko yung phone, gosh!  Fayre! Nanghahablot ka lang kasi ng Cellphone na hindi sayo!

"Sabi ko nga ibabalik ko na"

Ilalagay ko na sana siya sa pinagkunan ko kaso naalala kong may kinuha pala akong pictures kanina.

"Passcode mo?"

"Address ng apartment mo?"

"Ba-bakit?" Nauutal ko tanong

"Ihahatid kita malamang"

"Ibaba mo nalang ako rito" bakas sa boses ko ang takot

"Isa"

"Nakakahiya na kasi sayo"

"Dalawa"

"Inaabala na kita Ryker"

"Tatlo"

"Eh kasi naman eh!"

"Sasabihin mo o hahalikan kita?"

Tinignan ko muna siya at bakas nga sa kanyang mukha ang kaseryosohan, nakakatakot.

"Fine!" Pagsuko ko at sinabi na ang address.

"Salamat sa paghatid"

"Saang palapag ka umuupa?" Tanong niya habang nakataas ang isang kilay.

"Ah eh!" napakamot ako ng ulo ko! Gosh! Anong ipapalusot ko? Tinignan ko siya, Well he's waiting for my answer.

"Sa third floor"

"Seryoso ka Fayre? Aanuhin mo sa kakabitbit yang mga pinamili mo?"

"Magpapatulong nalang ako kay Tove"

"The who? Is that a guy?"
Ramdam ko sa boses niya na galit na siya.

"Yes."

"No, you're not doing that Fayre!"

"Bat ka ba nagagalit?" Nakakabwesit na kasi!

"Room number?"

"Bakit na naman ba?" Habang ipinagkrus ko ang aking mga braso Habang nakatingin sa kanya.

"Isa"
" Ayan ka na naman"
"Pag-umabot to sa tatlo, di mo talaga magugustuhan ang gagawin ko"

"Pwede ba Ryker? You're not the boss of me! Fine. Ito na talaga ang huli. Room 31"

After that he went out of the car then kinuha sa back seat ang pinamili. Ako, Ayon! Sa likod niya, nakasunod! Di ko talaga maintidihan tong si Ryker. Ang gulo gulo niya!

Siya ang bumitbit ng mga binili ko hanggang sa makarating kami sa tapat ng apartment ko.

"Makakaalis ka na" pagtataboy ko.

"Wow ha? You're welcome" sarkastiko niyang sabi

"Ihh. Umalis ka na nga kasi. Masyado na kitang Inaabala!"

"Nauuhaw ako"

"Ha? Sandali, diyan ka lang. Kukuha lang ako ng tubig"

I didn't wait for his response dahil agad akong tumungi sa kusina at sinalinan siya ng tubig sa baso.

"Ang ganda naman naman ng apartment mo" sabi niya

"Ay tupang kasing ganda ko"
"Ano ba Ryker? Papatayin mo ba ako sa nerbyos? Sa susunod, gumawa ka naman ng tunog! Nakakatakot ka!" Mga salitang lumabas sa bunganga ko

"So natatakot ka?" Pang-aasar niya.

"Eh sabi kasi ng Mama ko, yung mga taong walang tunog yung mga yabag ay mapanganib"

"Natatakot ka nga!" He guessed it right.

"Did you know? Wala pang ibang nakapasok na lalaki sa loob ng apartment ko bukod sayo?" Pag-iiba ko

"So masuwerte pala ako?" Napangiti siya sa wala sa sarili. Luh! Muntanga!

"Umalis ka na nga rito! Shhooosh shoo" pagtataboy ko

"Oo na! Aalis na" pagkatapos niyang sabihin iyon ay naglakad na siya palabas ng pintuan.

"Fayre" mahinahon niyang tawag sa pangalan ko.

"Oh? Ano na naman?" Naiirita kong sabi.

"Wag na Wag kamg magpapasok ng ibang lalaki bukod sa'kin ha?" Awtoridad niyang sabi.

Geezzz. What's with him? Baliw na ata yun! Ihatid na natin sa mental. O baka nabaliw lang siya dahil sa kaganadahang taglay ko? HAHAHA.

Crossed RoadWhere stories live. Discover now