Twenty Five

49 2 0
                                    

Fayre's POV

Nanatili parin akong nakatayo at namimilipit sa sakit dahil sa mga impaktang alipores ni Kalilah.

"Pinagtulungan nyo siya?" nakangising tanong ni Kash pero bakas sa kanyang boses ang galit.

"She deserves it right Kash! Wag ka nang sumawsaw sa gulo namin!" Singhal ni Kalilah

Napalagapak sa tawa si Kash. Tawang nakakatakot.

"Wag sumawsaw ?! It's too much Kalilah! May physical contact na to!" Sigaw ni Kash. Galit na galit na talaga.

"Eh ano naman sayo ngayon Kash? Gagantihan mo ko?" Pang-aasar ni Kalilah.

"Di kita gagantihan pero di ko alam kung papalampasin to ni Ryker" nakangising sabi ni Kash

"Ano namang gagawin ni Ryker sa'kin?  As if masasaktan niya ako"

"Masasaktan ka talaga kapag di mo pa tinitigil to! Sumusobra ka na! Nakakaturn off yung mga babaeng tulad mo!" Bulyaw ni Kash

"Pre! Bat ka ba naninigaw ng babae?" Pikon tanong ng lalaking kararating lang na may dalang bola ng pang soccer.

"Ajax, pagsabihan mo nga yang syota mo! Pinagtulungan tong sister-in - law ko"

Humarap yung lalaki kay Kalilah at tinignan ako mula ulo hanggang paa.

"Totoo ba Kalilah?" Tanong ng lalaki

"Ajax naman eh!" Pagrereklamo ni Kalilah.

Hinarap niya kami saka ngumiti nang nakakaloko.

"Bagay naman sa kanya ang masaktan eh! Gold digger naman yan eh! Sumasama lang yan sa inyo kasi may pera kayo Kash " Malademonyo niyang sabi.

Like syota like syota! Ang papangit ng ugali nanggigigil na'ko. Napayukom lang ako ng kamao ko sa sobrang galit.

*Splaaaasshh!* *Boggssh!* *Blaagg*

Bulagta sa sahig si  Ajax at putok ang kanyang labi.

"Sa susunod, kilalanin mo muna ang kinakalaban mo. You're barking at the wrong tree! Baka gusto kong mapatalsik dito sa school?" Boses ng lalaki na bariton at ang scent niya filled my nose. So manly!

"Ryker! What have you done?!" Sigaw ni Kalilah na nagpapanic na.

Ryker's POV

Nababadtrip ako! Kasi palagi nalang akong iniiwan sa ere ni Fayre! Pssssh! Ngayon iniwan niya ako dito sa cafeteria mag-isa. -_-

Di ko man lang maubos ubos tong inorder ko na kay dami pa naman sana! Nawalan na ako ng gana! Psssh!

May isang babae na hingal na hingal ng makarating dito sa loob at agad siyang nagsalita na tila nagpapanic.

"Guys! Pinagtulungan si Fayre nina Kalilah doon sa corridor!"

Walang pasabi sabi, umalis ako sa cafeteria at mabilis na tumakbo papuntang corridor na nakayukom ang mga kamao.

"Bagay naman sa kanya ang masaktan eh! Gold digger naman yan eh! Sumasama lang yan sa inyo kasi may pera kayo Kash " Malademonyo sabi ni Ajax

Aba! Lintek to ah! Gold Digger? Si Fayre pa talaga?! ˋ︿ˊ

Di ko napigilang ang sarili ko, sinugod ko siya at sinuntok ng malakas.

"Sa susunod, kilalanin mo muna ang kinakalaban mo. You're barking at the wrong tree! Baka gusto kong mapatalsik dito sa school?" Pagbabanta ko kay Ajax na bulagta na sa sahig.

Agad na pumanic si Kalilah! Di siya mapakali.

"Ryker, What have you done?" Sigaw ni Kalilah na nagpapanic sa harap ko.

Crossed RoadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon