Eight

53 8 0
                                    

Fayre's POV

Gigil na gigil na talaga ako! Di ba talaga ako tatantanan niyang Ryker na'yan? Tas sumabay pa ang exams! Halerr! It is already August!

"Iniisip mo na naman ba'ko?" Tanong ni Ryker sa'kin.

"Wag mo kong guluhin!Busy ako" sabi ko sa kanya habang ang atensyon ay nasa libro. Nasa library kasi kami.

"Gusto mong tulungan kita?" Alok niya sakin

"No thanks. I can handle this" sagot ko sa kanya habang ang tingin ay sa libro parin

"Okay, Di na kita aabalahin" pagsuko niya at tumabi sa kinauupuan ko at saka nagbasa din ng libro.

Busy ako sa kakatake down notes na pag-aaralan ko dahil next week na ang exams. Di ko namalayang recess na pala namin. Lalabas na sana ako ng library subalit nakita ko si Ryker na may dalang pagkain. Hala? Kailan pa ito umalis? Di ko talaga namalayan eh.

"Dinalhan na kita para sigurado"

"Di ka magrerecess?"

"Kanina pa ako kumain, masyado ka kasing focus kaya di mo namalayang umalis ako" sabi niya na parang nagtatampo.

"Sorry naman! Salamat dito sa pagkain ha? I really appreciate the effort"

Then I smiled at him.

Tahimik lang akong kumakain at eto namang mkokong na'to nakatingin talaga sa akin.

"Ba-bakit? May dumi ba ako sa mukha?" Curious kong Tanong sa kanya at sabay kinuha ang bottled water.

Nakita kong napalaki ang mata niya.

"Ininuman mo yung tubig na Ininuman ko"

Agad na napatingin ako sa tubig! Gash! Naalala ko na coke in can pala yung binili niya. Dali-Dali kong ibinalik iyon.

"Indirect kiss" mahina niyang sambit.

"Ahh! Sorry na nga! Indirect kiss ka dyan? Grabe ka! Bat di mo ko sinabihan kasi?!" Pagwawala ko.

"Sssshhh" awat ng librian saka kami pandilatan.

Mahina ko siyang pinalo sa balikat habang tumatawa parin siya. Gumuho ang mundo ko nang Ininuman niya ang bottled water sa spot na Ininuman ko kanina.

"Tssk!"

I push him lightly dahilan para mapaubo siya at nanliliksi ang mata niyang tumingin sa'kin.

Pinandilatan ko siya.

"Bahala ka na nga dyan sa buhay mo! Wag mo'kong sundan baka gusto mong di kita pansinin" pagbabanta ko sa kanya at agad na kinuha ang libro na pinag-aralan ko kanina pati bag.

I looked at my watch, 3 hours na pala akong nandoon sa library lagpas 10:30 na eh may pasok pa ako 4th subject.

Ryker's POV

Ano bang nangyayari sakin?! Baliw na ba ko? I was supposed to break that girl's heart! Pero bakit parang baliktad ata? Well, nakaplano naman to. I posted the pictures of her while she's totally focus on studying Then my caption

'Seeing her from afar is enough to made my day'

Wala pang 20 minutes ang dami na agad na nagcomment at nagreact! Tas may nagshare pa! Binasa ko yung mga comments para malaman ko yung mga masasabi nila. Syempre, present ang tatlo.

[ Bro! Siya na ba? ] - Kash Fletcher

[Sister-in-law?] - Kenzo Reed

[Ayayayay ayayayay ang pag-ibig!HAHAHA] - Azeil Xi

Crossed RoadWhere stories live. Discover now