Three

65 10 0
                                    

Fayre's POV
      Tumingin ako sa aking relos, it's already 3:00 pm. Bakit pa kasi ako nangako kay Blythe na susubukan kong samahan siya? Sigurado akong nag-uumpisa na yon at nandito parin ako sa room tinatapos ang mga kokopyahin kaya tinext ko nalang siya.

To: Blythe
Kapit foam, malelate ata ako mga 20 minutes.

Agad nagbeeped ang phone ko.

From: Blythe

Hangal ka Fayre! Tawagan mo'ko pag nandito ka na sa Basketball Court ha?

Agad akong pumunta sa B Court pagkatapos ko agad kopyahin ang mga kailangang i-take down. Ni hindi nga ako nakapagpalit ng damit eh! Kapit perfume lang par! Perfume is layp! Nang makarating ako doon agad ko siyang hinanap at dahil isa siyang dakilang pader, madali ko siyang nahanap.

"Oh, asan na yung textmate mo" tanong ko sa kanya kasi di naman lalaki ang katabi niya eh kundi babae.

"Uy, kapit foam tomboy ka?" Pagbibiro ko

Agad niya akong binatukan.

"Aray naman Blythe!"

"Gagi ka kasi! Di ako tomboy! Di pa kami nagkikita ng textmate ko kasi naglalaro siya ngayon ng basketball Fayre!" Tili niya

" So, nakajackpot ka na niyan?"

She faced me.

"Malay natin, chaka pala yong fes!" Natatawa niyang sabi.

"Aba tarantado ka! Di mo pa nakikita mukha niya?!"

" Hehehez, Sorna!" Sabi niya sabay peace sign.

Napailing nalang ako Haysst -_-. Tanga na ata to!

Third Person's POV
        Tagaktak ang pawis sa mukha ni Ryker habang dinidribble ang bola, pinasa niya iyon kay Kenzo. Si Kenzo naman ay ini-aim na maka-3-point shoot at ayon nagtagumpay!

Sa alam na kadahilanan ay kanina pa iniikot ni Ryker ang paningin na tila ba may hinahanap.

"Bro! Ano bang nangyayari sayo?!" Sigaw ni Azeil at agad na bumalik sa katinuan ang binata.

Naagaw kasi ng kabilang koponan ang bolang hawak niya kanina at nakapuntos iyon.

*Prrrt*

Huni ng pito, tumawag ng time-out ang kanila coach siguro ay napansin nila iyon na wala sa sariling naglalaro ang binata.

"Bro, okay ka lang ba?" Nag-aalalang tanong ni Kash sa kanya.

"Magfocus ka naman oh! Kanina ka pa wala sa sarili eh!" Singhal ni Azeil

Agad na napakamot si Ryker at humingi ng tawad.

"Kailangan nating manalo 'dre! May ime-meet ako mamaya eh!" Wika ni Kenzo

"Bagong chixx na naman ba yan?" Tanong ni Ryker

"Maybe baka" kibit balikat niyang sagot pagkatapos nun ay nagtawanan silang apat.

"Bro! Ryker!" Sigaw ng tatlo

"Oh?!"

"Bat kanina ka pa spaced-out diyan?" Tanong ni Azeil

"Wala lang" tanging sagot ni Ryker

"May problema ka ba sa chixx? Sabihin mo lang, andaming reserba si Kash niyan" natatawang sabi ni Kenzo

"Uy, bat ako?" Takang tanong ni Kash

Nilibot ulit ni Ryker ang kanyang paningin at nahagilap ng kanyang mata ang dalagang kanina niya pa hinahanap. Napangiti nalang siya ng wala sa oras.

"Bro! Magpokus ka naman! Last Quarter na to oh! Lamang na sila sa atin!" - sabi ni Azeil

"Mamaya mo na problemahin yang babae mo par! " pagbibiro ni Kash kaya agad siyang binato ni Ryker ng towel.

"Gago ka!" Singhal ng binata

Pumito na uli ang referee, hudyat na tapos na ang time-out at mag-uumpisa na ang laro.

Sa kabilang dako naman ay inip na inip na si Fayre sa kakapanood at namimilipit ang kanyang kamay sa tyan, kanina pa ito gutom na gutom dahil di na niya magawang kumain ng tanghalian kanina.

"Oh eto oh!" Sabi ni Blythe sabay abot ng yakult at burger sa kanya.

"Salamat!"

Nagtataka si Fayre kung bakit ganyan maglaro si Ryker noon eh di  naman siya naaagawan ng bola noon.

"Anong nangyayari kay Ryker mylabs?" Nag-aalalang tanong ng babae sa likod niya

"Di ko alam, maybe he's tired" sagot ng babaeng katabi ng babaeng nagtatanong.

Nakikinig lang si Fayre sa usapan ng mga babae habang enjoy na enjoy sa kakanguya ng pagkaing bigay ni Blythe.

Nakaramdam si Fayre na para bang may nakatingin sa kanya at nagulat nalang siya ng makita niyang nakatingin si Ryker saka at ngumiti pa ng napakatamis ang binata.

"Gosh! Si Oppa Ryker! Tiningnan ako!" Sabi ng mga babae habang kinikilig.

Tss! Hindi naman siguro ako yun! Sabi ni Fayre sa kanyan sarili.

Bumalik na sa paglalaro ang mga binata at ang lahat ng babae ay nagsisigawan na animo'y may nakita sila korean idol kapag nakakashoot si Ryker. Halos kulang nalang gumuhi ang Basketball Court sa sobrang kakahiyaw ng mga babae maging ang mga babae sa kabilang school ay nakikicheer narin at pati sina Blythe at Fayre ay nakiki-join narin.

100-108  ang score at lamang na ang Monterial Academy, koponan nila Ryker. Marami ang nagchi-cheer sa kanila lalo na sa kanilang apat na magkakaibigan dahil sa kagalingan nila sa paglalaro.

Yung mga babae halos mamaos na sa kakasigaw ng puro "Anakan mo'ko", "Palahi naman" na may kasabay pang pangalang ng apat na magkakaibigan. Dahil nga si Fayre ay napipilitan lang pumunta dito, umupo siya sa isang tabi at seryosi lang na nanonood maliban sa katabi niya na kanina pa kinikilig.

Idi-nribble na ni Kenzo ang bola, pinasa kay Azeil, i-shinoot ni Kash pero nakadaplis ito sa ring, Inagaw ni Ryker ang bola sa koponan saka mabilis tumakbo saka iyon dinunk!

Crossed RoadWhere stories live. Discover now