Twenty Two

39 3 0
                                    

Fayre's POV

Palabas na ako ng campus dahil lagpas 7:00 pm natapos ang program namin. Habang ako'y naglalakad, may nakita akong lalaki di kalayuan. He's wearing a khaki shorts then white polo. Unti- unti siyanf lumapit papunta sa direksyon ko.

"Hatid na kita " aya ni Azeil

"No! She's coming with me " sabi ni Ryker na kakarating lang.

"Bakit pa kayo nanditong dalawa?"

"Hinihinta ka" pagkokorus nilang sagot.

Then they glared at each other.

"Fayre, ako ang maghahatid sayo " - awtoridad na sabi ni Ryker sa'kin.

"Hindi Fayre! Sa'kin ka sumama, I have something to tell you" sabi naman ni Azeil.

Kapag kasi si Azi nagsabi na may sasabihin siya, may sasabihin talaga. Azi is a silent type of guy, pili yung mga kinakausap, seryoso minsan may topak, hahabulin nga ng mga babae pero wala man lang pakialam. At ako lang yung nag-iisang naging gf niya. They why Azeil handles relationship, masasabi mong seryoso talaga because he would give his time for you. Naalala ko nalang noon nung nagkasakit ako, umabsent talaga siya sa klase niya para mabantayan lang ako eh stomachache lang naman yun!

"Sige" matipid kong sabi.

Tinanggap ko ang nakalahad na kamay ni Azi. Napatingin ako kay Ryker, di siya makapaniwala na mas pinili ko si Azi. Dismayado, galit at lungkot ang nakasulat sa kanyang mga mata.

Lumakad na kami papalayo kay Ryker at kung maaari ay di ko siya lilingunin dahil may posibilidad na tumakbo ako papunta sa direksyon niya at sumama ng willing sa kanya.

Nang makapasok na kami ni Azeil sa kanyang sasakyan ay hinarap niya ako.

"Mahal mo ba siya?"

Napatingin ako sa kanya, when I looked at his eyes it says that he want to confirmed something.

Ryker's Pov

Damn! Ang sakit! Gusto kong magwala! Fayre! Ano bang meron kay Azeil na di mo makita sa'kin?! The way ba siyang magmahal? Damn! Mas mahihigitan ko pa yon!

Agad akong nagtext sa GC naming apat na magbabarkada.

• Mga p're, tara laklak tayo!•

•San p're?• -Kash

•Sa tambayan•

•Okay, I'll be there • - Kenzo

• Ako rin• - Kash

• Mala-late lang ako ng kaunti may pupuntahan lang ako • - Azi

Syempre mala-late ka dahil nag-eenjoy lang kasama siya.

•May chicc ka 'no?•  Kash

• Gague! Wala! May hinatid lang ako •  Azeil

• So di chicc kung di girlfriend! • Kenzo

•Pakilala mo naman Azi!•  Kash

•She's just my friend•  Azeil

• So, friends.....  with benefits? •  Kash

• Gague ka Kash! Wag mong turuan na gumagi si Azeil • Kenzo

Nagsend ng litrato si Azeil kung saan magkasama silang dalawa ni Fayre. Napayukom ako ng kamao ko dahil sa galit na di ko maintindihan.

• Uh - oh!• - Kash may kasamang emoji na gulat na gulat

• Uy Azeil! Kay Ryker yan di'ba? • - Kenzo

Crossed RoadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon