Six

47 8 0
                                    

Fayre's POV

"Anong gagawin ko dito?!" Inis kong tanong sa kanya habang hawak ang damit na pinili niya.

"Alangan naman na kainin mo yan. Syempre susuotin mo!"

Binalik ko ang mga napili niyang damit sa kinalalagyan niya then I faced him.

" I don't need those expensive dress"

"But, I insist!"

"No!"

"Susuotin mo ba o susuotin?" May pagbabanta sa tono na sabi Ryker.

"Don't worry, my treat" dagdag pa niya.

Pumasok na ako sa isang silid na pwedeng i-try ang damit. Chineck ko ang mga damit na pinili ni Ryker. In fairness my taste sita when it comes to fashion. Bale, tatlo yung pinili niya. Isang off shoulder na kulay royal blue tas fit na fit siya sa waist na makikita talaga yung curve at yung design ng off shoulder is wonderful. Yung dress na napili is floral, fit na fit siya sa waist at hanggang above the knee lang siya. Lastly, the dress that caught my attention. The black dress na manipis ang tela from shoulder to arm. Visible yung bare back ko kapag sinuot ko yung and the design was so fascinating and can caught women's eyes because of the bids.

Unti - unti kong hinubad ang mga saplot ko at kitang kita ko ang hubog ng aking katawan sa salamin at inumpisahan ko nang subukan ang piniling damit ni Ryker pero yung black dress talaga yung nagandahan ko so I choose it. After wearing the dress, I saw my body's reflection on the mirror.

Nang makapante na ako ay agad akong lumabas at nakita ko siyang nasa labas ng fitting room, nag-aantay.

"Oh? Bagay ba?" Tanong ko sa kanya pagkalabas ko agad.

He just looked at me with I can't explain emotions that drawns on his face.

"You look ravishing in that dress"

"Re-really?" I ask while my face is burning.

"Yeah, parang nagkamali tuloy ako napinili ko pa yang damit, ang dami na namang titingin sayo Haysst. Tara na sa cashier, babayaran ko na'yan"

After that , nauna siya sa cashier at pagkatapos namin bayaran ay lumabas na kami sa boutique.

"Uy! Thank you ha? I owe you this!" Sabi ko sa kanya saka pinakita tong binili niya.

He just nodded at me. Akmang aalis na sana ako pero hinawakan niya ang kamay ko papalapit sa kanya.

"Where do you think you're going?"
" Ah , hehehe" napakamot lang ako ng ulo ko

"San nga kasi?"
"Mauna ka na Ryker, sorry sa abala"
" Let me drive you home"

I just looked at him. Mukhang disido nga siyang ihatid ako pauwi.

"Eh mag-gogrocery pa'ko! I ran out of stocks in my apartment"

"So you live independently?" Curious niyang tanong

"Hmmm, Yes but my family gives me financial support"

"So, you're rich. No wonder"

"No, I'm not. Magsasaka lang ang Tatay ko" pagsisinungaling ko.

"Okay" tugon ni Ryker pero Mukhang di siya kumbinsido sa aking sinabi.

We go straight to buy some groceries, Si Ryker yung taga-tulak ng cart masyadong marami kasi yung bibilhin ko.

"Sa mga sabon muna tayo Ryker"

Tinignan ko siya, gosh! Why so... focc!

Third Person's POV

Tinitingnan lang ni Ryker si Fayre habang namimili ng mga sabon. Nacucurious Ang binata kung kailan natutong mag-isa si Fayre at napansin iyon ng dalaga.

"Nag-umpisa akong maging independent last year."

"Bat ka umalis sa puder ng mga magulang mo?'

Natigilan si Fayre sa pamimili at hinaharap niya si Ryker.

"Well, that's out of the line"

"Sorry"

Magsasalita pa sana si Fayre kaso may narinig sila ni Ryker....

"Di'ba si Ryker Oswaldo yun?" Wika ng babaeng kulot

"Yeah. Sino naman yang kasama niya?" Curious na tanong ng babaeng straight ang buhok.

"Well, I don't like that girl. Wala siyang kataste-taste at kahit na pang mayaman yang suot niyang dress. Di parin maitatago na mahirap siya" sabi ng babae may hawak ng purse.

"Siguro pati yung damit niya, si Ryker din yung bumili" - babaeng kulot

"She a gold digger to be exact!" Dagdag ng babaeng may purse.

Napayukom si Fayre sa sinabi ng babae may purse, susugurin na sana niya ito ngunit hinawakan siya ni Ryker sa baywang at hinigit ito papalapit sa kanya saka bumulong.

"Don't mind them, they're just insecure"

Pagkatapos sabi yon ni Ryker ay umalis na sila at pumunta sa ibang section.

Bumili ang dalaga ng mga pangangailangan niya sa loob ng isang linggo.

"Ayan tapos na tayong mag-groceries"

"Papapakin mo talaga yang mga karne na binili mo?" Hindi makapaniwalang tanong ni Ryker habang tinuturo ang dalawang kilo na karne ng baboy at manok na nasa cart.

"Loko ka! Yang karne ay good for two weeks na. Kala mo naman sa'kin patay gutom ano? Tarantado." Wika ni Fayre saka inirapan si Ryker.

Mahinang napatawa ang binata at sapat na 'yon para marinig ng dalaga.

"Naiinis na talaga ako! Konting-konti nalang, makakapatay na'ko" gigil na gigil na sabi ni Fayre habang nakapila sa counter.

"Bakit na naman?" Napipikon na tanong ni Ryker.

"Ayoko ko na talagang sumama sa'yo!"

Naguguluhan si Ryker sa sinabi ng dalaga at medyo nasaktan, magsasalita na sana siya pero....

"Yang mga fans mo, parang papatayin sa sobrang dilim ng tingin! Sayang naman kung mamatay ako, sayang ang lahi naming mga magaganda, maeendangered na"

Napailing nalang ng ulo si Ryker habang ngumingiti.

"Magkano lahat Miss?"

"Miss!"

"Ah eh! Sorry Ma'am!"

Bwesit na cashier to! Kanina pa ako nagtatanong kung magkano ang lahat, di man lang ako pinansin?! Eh pano ba kasi! Kay Ryker nakatingin!

"Pinapaiiral kasi ang kalandian eh!" Mahinang sabi ni Fayre pero sapat na iyon para marinig ng cashier.

"2500 pesos po ang lahat Ma'am"

Kumuha ng pera si Fayre sa kanyang wallet pero nagulat siya ng binigay ni Ryker ang credit card niya sa cashier.

"Anong ginagawa mo? Ako yung magbabayad ng pinamili ko!"

"I insist"

"Dyan ka na naman sa 'I insist' 'I insist' mo Ryker eh!"

Walang nagawa si Fayre kasi sinwipe na iyon ng cashier.

"Babayaran kita" sabi ni Fayre nang makalabas sila sa mall.

"So, pano ba yan? Magco-commute nalang ako" dagdag ni Fayre pero as usual, biglang pinasok ni Ryker ang mga pinamili niya sa backseat.

" Ryker ano ba?! You haven't have a spark of decency!" Pikon na sabi ni Fayre

"Sakay." Walang emosyon na sabi ni Ryker.

"Ayoko. Ayoko. Ayoko"

Napaatras so Fayre dahil lumalumapit si Ryker sa kanyang direksyon. Bnuhat  siya ng binata papasok.

Hayyy Ryker! Gagawin mo talaga ang lahat para makuha lang ang gusto mo! By hook or by crook!

Crossed RoadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon