Chapter Nine

13 3 0
                                    


Lumiko ako ng hagdan at may nakabunggo ako at gumulong gulong kami pababa ng hagdan, at sa sobrang malas ko ay sa pang huling baitang ay naunang bumagsak ang ulo ko kesa sa katawan kaya nawalan ako ng malay.

Pagkadilat ko ng mga mata ko ay nagulat ako nang makakita ako ng ulam-este tao sa harapan ko.. Gosh, topless in front of me.. Sa harap ko! Mismo! TOPLESS.. as in T-O-P-L-E-S-S!!!!!!

Napatingin ako mula sa dibdib ng lalaki hanggang sa six-pack abs nito. Nainggit ako sa mga butil ng pawis na tumutulo mula sa dibdib nito hanggang sa abs nya.. Nang mapatingin ako sa bukol nito sa gitnang hita ay napalunok ako.. Naglulumot na yata ang utak ko sa lalaking nasa harapan ko, bakit ba nasa harapan ko to? Hindi ba nila alam na inosente ako? (di katulad ni author).  Na bata pa ako?

"stop fcking staring, Alessa. Your stares are giving me creeps" napatigil ako sa pagiisip ng mahahalay na bagay nang magsalita ang ulam-kako nga, tao sa harapan ko. Napatingin ako sa mukha nya at laking gulat ko nang mapag-sino ito. Him!?

"I-ikaw?" nanlalaki ang mga matang tanong ko habang nakaturo pa sa kanya..

"Why? Expecting someone else? And you think I'll let that happen? Let someone else topless in front of you? And you'll think nasty thoughts about him? No Alessa, no... Your eyes are only mine" madiing sabi nito habang madilim ang awra, napalunok naman ako dahil dito. Kumuha sya ng t-shirt sa closet saka lumabas ng kwarto saka ko lang napansin na nasa isang kwarto ako.. Huh? Nasa school lang ako kanina ah?

Nilibot ko ang paningin ko sa kwarto at halos lahat ng gamit dito ay kulay itim at puti, meroong tatlong pinto ang nandito, isa sa cr, sa walk-in closet at sa veranda at pang apat naman ang daan palabas.

Sinubukan kong tumayo pero bigla nalang akong nahilo kaya napahawak ako sa ulo ko at nagulat ako nang may makapa ako ditong benda, sakto namang pagpasok ni Damon-yo sa kwarto, mukhang sakanya ang kwarto nato base sa mga gamit at sa awra ng kwarto nato sigurado akong sakanya ito

"Tss. Kasalanan mo yan, kakagaling mo lang ng hospital tapos lumalandi ka na?" sarkastikong sabi nya na ikanakunot ng noo ko.. Lumalandi? Sinong lumalandi!?

"Huh? Ano bang sinasabi mo?" takang tanong ko

"Hindi ba? Nakikipaghabulan ka dun sa tingting nayun.. Ano nga uli pangalan non? Sedi? Sesi?.. Ahhh Semi!.. Ayon, hindi ba nakikipaglandian ka doon?" sarkastikong tanong nya habang may nakakalokong ngisi sa labi. Napalunok naman ako dahil sa itsura nya. Kahit nakasimangot ot galit sya ay ang gwapo gwapo parin nya

" S-sya yung humahabol sakin? "takang tanong ko habang inaalala ang nangyari sa hallway. Kung sya yung humahabol sakin, bakit hindi nya nalang ako tinawag? Bakit kailangan nya pa akong habulin kung pwede nya naman ako tawagin? Nakakatakot tuloy.

" at sayang saya ka naman? Purkit sya lang ang humahabol sayo? How pathetic you are... Ano may gusto ka na doon? C'mon Alessa, look at yourself... Mas madumi ka pa sa putik, mas mababa ka pa sa talampakan, mas maliit ka pa sa langgam at mas mabaho ka pa sa isda at mas may kwenta pa sayo ang walang buhay.. So tell me, do you like him? Kasi ngayon sasabihin ko na.. Hindi kayo bagay, at walang babagay sayo Alessa.. Nabuhay kang mag-isa, mamamatay kang mag-isa "nagulat ako sa mahabang sinabi nya at kahit sanay na ako na halos araw araw ay sinasabihan nya ako ng masasakit na salita ay hindi ko parin mapigilang masaktan ng todo.

Siguro tama sya, tama sya, wala akong kwenta. Dahil kahit ilang pagsubok na ang dumaan saakin ay nananatili parin akong mahina at mas lalong humihina, minsan hindi ko na alam kung ano bang misyon ko dito sa mundo kung bakit nabubuhay pa ako, kung bakit kaylangan akong masaktan minu-minuto, kung bakit kailangan pa nila sakin ipamukha na nagiisa ako at ayaw sakin ng mundo.. Isang bagay na hindi ko naman kasalanan sakin binabato, isang pagkakamali lang halos patayin na nila ako, kaya para saan pa?.... Para saan pa't nabubuhay ako, kung wala naman akong kwenta sa mundo?

Biglang nagsi-tuluan ang mga luha ko na parang binuksan na gripo, hindi ko iyon pinunasan dahil para saan pa't kung mapapalitan din naman ng mga luhang punong-puno ng paghihinagpis at kalungkutan. Bigla kong naalala si mama, kung andito siguro sya ay masasbi ko na may kwenta pa ako, isa akong anak ng mahal kong ina.. Ina na kinuha ng diyos, ina na ipinagkait nila.. Ina na tanggap ko na kahit kailan ay hindi na babalik pa. Pero ansakit parin pala, iisipin mo palang na magisa mong hinaharap ang mapanglait at sakim na mundo habang wala kang sandalan at walang umaagapay sayo, wala kang takbuhan kapag hindi mo na kaya, wala kang sandalan kapag pagod ka na, wala kang huhugutan ng lakas kapag nanghihina ka na, wala kang mapagsabihan tuwing may problema ka.. Wala ka nang gana pang mabuhay pa.

Nakita ko syang natigilan nang makita ang mga luha ko na tuloy-tuloy sa pagbagsak at ang mga hikbing unti unting kumakawala sa labi ko, may dumaang emosyon sa kanyang mga mata na hindi ko mapangalanan pero agad din yung nawala at tumalikod sya sakin at lumabas ng kwarto.

Ganon naman talaga sila, kapag nakikita akong nanghihina ako ay tatalikuran lang nila ako at para bang wala silang pakialam sa ano mang nararamdaman ko.. Gusto kong masanay pero hindi ko pa kaya, gusto kong lumaban pero wala akong lakas, gusto kong maging masaya at matuwa sa sarili ko dahil kahit kalaban ko na halos ang buong mundo ay hindi parin ako sumusuko, pero sa mga oras na ito, gustong-gusto ko na... Pero sa tuwing naaalala ko ang aking ina ay para bang nabibigyan ako ng isa pang rason para mabuhay.. Nabubuhay ako dahil sakanyang walang hanggang pagmamahal at kahit ayaw sakin ng mga tao ay at least, alam kong andito lang ang nanay ko, ginagabayan ako.

Siguro nga, konti nalang, konting sakit pa.. Masasanay din ako, at sa oras na masanay ako ay ipapakita ko sa kanilang lahat na ang isang katulad ko ay may kayang gawin at abutin sa mundo.. Na hindi lang ako mas madumi sa putik, hindi mas mababa sa talampakan, mas maliit sa langgam, mas mabaho sa isda at mas may kwenta pa ang walang buhay kaysa saakin

"Sshh... I-im sorry, im sorry, im so sorry... Tahan na"

Saglit akong napatahimik at napatingin sa taong nakapalupot ang mga braso saakin, nakita ko ang mga mata nyang punong-puno ng sinseridad habang nakatingin sa luhaan kong mga mata

Hindi ko napigilang yumakap din at humagulgol. Sa ngayon ito lang ang kailangan ko, isang mainit na yakap sa panahong hinang-hina ako..






UNWANTED(Un Trilogy#1) Where stories live. Discover now