Chapter Seven

18 2 0
                                    

I slowly opened my eyes at bumungad sakin ang ilaw na nakakasilaw, sinubukan kong takpan ang mga mata ko pero hindi ko maitaas ang mga kamay ko kaya ipinikit ko nalang uli ang mga mata ko.

Makalipas ang ilang segundo ay binuksan ko na uli ito at agad iniwas ang tingin sa ilaw, inilibot ko ang tingin sa paligid, may couch malapit sa kamang hinihigaan ko, may dalawang pinto, pinto na sa tingin ko ay papuntang cr at pinto papalabas ng kwarto na ito, may table din sa gilid ko at may flowerbase doon at may lamesa naman na puno ng mga pagkain. Napatingin ako sa kaliwa ko nang may marinig akong tumunog... Hindi ko alam ang tawag ko dito pero ang alam ko ay dito nalalaman kung buhay pa ang isang tao, tumutunog iyon at kapag namatay na ang tao ay magiisang linya ang linyang bako-bako at tutunog ang nakakarinding tunog.

Naramdaman ko din na parang may nakakabit sa ilong ko at parang tinutulungan ako nitong huminga, oxygen..

Napabuntong-hininga nalang ako at pilit inalala ang nangyari, pinagtulungan nila ako, binato ng kung ano-ano,andun si Cheryl, sinako nila ako at... At pinasok sa trash can...at nawalan na ako ng malay.

Biglang pumasok sa utak ko ang pagtawa nila na parang mga demonyo, parang binubulong nila iyon saakin, sinubukan kong takpan amg tainga ko pero andun parin ang mga boses nila.

"Ready! Set!.....FIREEE!!!"

"parang kulang pa wait lang ha"

"bagay na bagay sa kanya! Basura!"

"goodbye Alessa-kalesa... See you soon, o kaya hindi na.. Pwede ka nang mabulok dyan kasama ang mga basurang kagaya mo"

"tanggapin mo iyan! Ampon! Basura! Sampid ka lang! Disgrasyada ka! Malandi!... SALOT! "

Lahat-lahat ng sinabi nila natatandaan ko pa at parang sirang-plaka na nagpapaulit-ulit sa utak ko...

Eto ba? Eto ba ang kabayaran ng pagkabuhay ko sa mundo? Ang walang katapusang pagpapasakit sakin ng mga tao? Eto ba? Eto ba ang isusukli nila? Si Diana, eto ba ang isusukli nya? Sa pakikisama ko sakanya sa loob ng iisang bubong? Eto ba?... Kasi kung eto nga, handa akong magbigay ng walang kapalit ng walang kabayaran kung eto man din lang, ang kahayupan ang kapalit ng lahat, ayoko..

Napatigil ako sa pag-iisip nang biglang bumukas ang pinto at bumungad ang isang nars.

"gising ka na pala...tatawag lang ako ng doctor ha? Wag ka munang umalis dyan" saka ito tumalikod at nagmamadaling tumawag ng doktor

Makalipas ang ilang segundo ay bumalik ito kasama ang isang babaeng may stethoscope sa leeg at naka white gown. May ginawa itong kung ano-ano pero wala doon ang isip ko dahil unti-unting pumasok ang tanong sinong nagdala sakin dito?  sa utak ko

"hi Alessa im Dra. Blaire Elizalde, youre already okay, pahinga ka nalang at pupwede ka nang makalabas sa ospital at hindi mo na kailangan pang magalala sa bills dahil may nagbayad na para sayo" biglang sabi nito at ngumiti, mas lalo naman akong nagtaka at hindi napigilang magtanong sakanya.

"sino ho nagbayad? At saka sino ho nagdala sakin dito? Pano ako napunta dito? Bakit nyo ho hinayaang may magbayad na iba ng bills ko? Sinong lumigtas sakin? Ilang araw na ho ako nandito? At---"

"hep... Calm down ms. Marquess, iisa lang ang kalaban.. And let me answer that, first i dont know kung sinong nagbayad dahil ayaw nitong ibigay ang pangalan, second all i know is my son brought you here with his friend, third maybe they ride a car to take you here, fourth hindi ko ho hawak kung sino ang pwedeng magbayad ng bills because im just a doctor here, fifth i dont know who saved you because hindi ko pa nakakausap si Raven, and lastly.... Youre already three weeks and 2 days asleep and today youre already awake" mahabang sabi ni Dra Blaire habang nakangiti..Naisip ko naman si Raven, kilala ko sya part sya ng isang banda na Mersey, Mouri, Eigan,Raven, Semi,Evven at Yvo ...

"I'll be going now madami pa akong pasyente, pag aalis ka na magsign ka nalang doon at puwede ka nang lumabas... And ms. Marquess huwag sana kita makita ulit dito na ganyan ang lagay mo... Well goodbye ms. Marquess" saka sya lumabas ng kwarto at iniwan akong magisa

Nagpahinga pa ako saglit at saka napagdisyunan na umalis na, tumayo ako at nagpalit ng damit saka ako nagsign at saka umuwi, pagdating ko sa bahay ay tumigil ang tibok ng puso ko nang makita ang mga sasakyan na nakaparada sa harap nito. Agad akong tumakbo sa loob ng mabilis at binitawan ang bag ko, yun lang naman ang dala ko.

".....it's fine to us, take whatever you want in this freaking house wala kaming pakialam" pagdating ko sa sala ay tama nga ang hinala ko.. Mga tiga banko na kinukuha ang mga bagay bagay sa loob ng bahay na ito. Matagal na nila kaming sinisingil o mas tamang sabihin na matagal na nila akong sinisingil dahil may binabayaran si mama sa banko pero dahil sa nangyari ay hindi naituloy ang pagbabayad nya kung kayat ang mga ari-arian nya ang kinukuha ng mga ito.

"s-sandali... A-anong ginagawa nyo dito?h-hindi ba at sa isang buwan pa ang s-singil nyo?" kinakabahang sabi ko at lumingon naman sila saakin

"ms. Marquess, pinapaalalahanan ka lang  namin na kailangan mo nang magbayad at nagbago na ang desisyon namin" sabi ng isa sa kanila na babae

"at, nagbago na ang desisyon ng bangko... In just six months kailangan mo nang makabayad, kung hindi ay hahatakin namin ang lahat ng pagaari ng nanay mo at puwede ka rin naming kasuhan" maikling sabi nito at walang sabing umalis, at dahil napatunganga ako sa sinabi nila ay hindi ko na sila nahabol pa... Six months? Saan ako kukuha ng pera? Pano kung makasuhan ako? Pano kung mapunta sa wala ang pinaghirapan ni mama?

Nanghihina akong napaupo at nagunahan ang mga luha ko sa pagbagsak, agad kong pinunasan ito nang maalala kong hindi lang ako ang nandito. Kinuha ko ang bag ko saka umakyat sa aking kuwarto, dito ko binuhos ang lahat, ang sakit, sama ng loob, lungkot at paghihirap... Nanghihina na ako, galing lang ako ng ospital at ngayon ay eto naman, ano pa ang susunod?

Bigla kong naalala si mama, kung pano nya ako tulungan sa mga problema, kung pano nya palakasin ang loob ko, kung pano nya ako sabihan ng mga matatamis na salita..kung pano nya sabihin na matapang ako, dahil walang Almejo ang marunong sumuko.

I'm sorry ma, im sorry.. Ang hina ng anak nyo.. Ma miss na miss na kita please bumalik ka na..

UNWANTED(Un Trilogy#1) Where stories live. Discover now