Chapter Two

11 2 0
                                    

"kumusta naman ang mga demonyo mong kapatid?" agad napataas ang kilay ko nang marinig ko ang salitang kapatid, kailan pa kami naging magkapatid ng mga demonyong yun?

"kapatid?" may diing sabi ko at agad namang napatakip sa bibig ang pinakamadaldal na babae sa mundo.

"ayy, shoreyyy naman!ayaw mo talaga maging kapatid sila Damon? Ang gwapo kaya nun swerte mo nalang at naging stepbrother mo sya samantalang andaming babae ang naghahangad sakanya... O kaya naman isa ka sa mga babaeng yun ha? Ha? Ha!? Aruyyyy!!" at saka nya ako pinanggigilan at kinurotkurot sa kung saan-saan.. Sapakin ko kaya to?

" hindi ka titigil? At saka wala akong gusto sa Damon-yo na yun hano! At hindi ako ang swerte kundi sya! Araw-araw nyang nakikita ang kagandahan ko tapos ako pa yung swerte? No way" agad na reklamo ko

"deny pa more, halata naman sa mga mata mo tuwing titignan mo sya.. At saka gusto mo naman talaga sya diba? Nung hindi mo pa ngalang sya nagiging stepbrother"thats true... Dito din nagaaral ang tatlong demonyo at yung totoo noong hindi ko pa sya nagiging stepbrother ay super crush ko sya at hindi ko pa alam ang totoong ugali nya non ang alam ko lang ay isa siyang womanizer, manipulative beast, monster in bed, the most fucking handsome in SIS, and the only son of the Elizalde's

Pero nagbago ang nararamdaman ko nang magkaroon kami ng koneksyon na dalawa.. Isa syang demonyo na nagtatago sa katawan ng isang perpektong katawan at saksakan ng gwapo. Sobrang sama nya at ang dami nya saking ginawang masama at sinabing masama, isa pa sa kinaiinisan ko sakanya ay dahil sya ang nagdiverginize ng mga labi ko na inilaan ko sa lalaking papakasalan ko. Pero sinira nya iyon.

"you know why Che..you know why" halos bulong nalang na sabi ko pero hindi maitatago ang diin

"kasi nalaman mong ex nya si Azel at isa sya sa dahilan kung bakit ganon si Azel ngayon?" agad akong napalunok nang sabihin nya iyon at napatingin kay Azel na may nakasalpak na headset habang nagbabasa ng kung ano. Buti nalang at nakaheadset sya kung hindi, hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko, bakit ba kasi ang daldal ng babaeng to?

"a-ano namang kinalaman ni Azel ngayon dito?... Kung ano mang nararamdaman ko kay Damon-yo wala na si Azel doon at yung tungkol sa kanilang dalawa ay nakadagdag nalang sa galit ko sakanya" sabi ko sabay sipsip sa ice tea ko, andito kami ngayon sa restaurant ng mga Laverde..ang De Laverde's.. Sa hindi kalayuan ay nakita ko ang masungit na Laverde na mukhang hindi nasisiyahan dahil maraming tao dito sa loob ng restaurant nila.. Malapit lang ito sa school, halos katapat lang, kaya halos lahat ng customer ay tiga SIS

"sabi mo eh... Malapit na magtime, ano tara na?baka malate tayo at kapag nalate tayo eh papaputukan nanaman tayo ng  prof natin sa next subject at sigurado ako pagtatawanan nanaman tayo, mapapahiya nanaman tayo tapos si Azel wala nanamang paki! Iisipin lang nya yung magiging bawas nun sa grades nya tapos hindi nanaman nya tayo papansinin tapos maiirita ako sakanya tapos maiinis ka samin dalawa tapos pagbabatiin mo kami tapos--" agad na akong tumayo dahil nagsisimula na akong mainis at kapag hindi ako nakapagpigil ay baka makotongan ko ang babaeng to ng di oras.

Napatingin naman sakin ang dalawa at mukhang nakahalata na si Azel na aalis na kami kaya tumayo nadin sya at nagpauna na sa paglabas at parang napahiya naman ang babaeng madaldal at nagkunwari pang zinizip ang labi nya na parang armalight.

Lumabas na kami, nakabayad nadin naman kami kaya dumiretso na kami sa school at bago pa man kami umakyat patungong second floor ay may humarang na agad samin... Si Dianang diyosa ng kadiliman at ang mga alipores nyang parang coloring book sa dami ng makeup na nakalagay sa mga magagaspang na mukha nila

"where do you think youre going?" mataray na tanong ni Dianang demonyita. At bago pa man ako makasagot ay sumabat na agad ang babaeng madaldal.

"baka uuwi kami.. Kaya nga kami aakyat dyan diba?" puno ng sarkasmo ang boses nya at napabuntong hininga nalang ako at nakita ko naman si Azel na nilagpasan lang ang tatlo pero agad syang hinarang ng isang alipores ni Dianang prinsesa ng mga demonyo. Pero isang masamang tingin lang galing kay Azel ay agad na itong napaatras at bakas ang takot sa mukha nito, agad namang umakyat si Azel papauntang second floor at iniwan kami


"ugghh whatever Cheryl An-An, im not talking to you im talking to her" patungkol sakin ng demonya.

"oh, im not talking to you too im talking to that thing" may diing sabi ni Cheryl patungkol sa isang alipores ni Diana

"thing?" sabay na takang tanong ng dalawang alipores nya, pati narin ako nagtaka pero alam ko na nangiinsulto nanaman sya.

"oo.. Hindi kasi kayo mukhang tao mukha kayong manika.. Chakadal ngalang.. At kung tao man kayo, hindi kayo estudyante mukha kayong clown..... Halika na nga!" at saka nya ako hinila at dahil mukhang nagulat ang tatlo ay hindi na nila kami naharap. At bago pa man ako makaisang hakbang sa isang baitang ay agad syang uli humarap sa tatlo..

" paalala lang pala,matagal pa birthday ko.. And i dont need a clown like you! Kaylangan ko ng clown nakakatawa at hindi nakakatakot!" at hinila nanaman nya ako at hindi na uli nakabawi ang tatlo sa sobrang gulat.

Pagpasok namin ng room ay agad kaming pinagtinginan ng mga kaklase namin dahil sa itsura ng kasama ko at dahil narin padabog syang naupo at umupo naman ako sa tabi nya.. Tinignan ko si Azel at may sinusulat lang sya na kung ano.

"ms. Antonio?" napalingon ako sa nagsalita at agad napunta lahat ng dugo ko sa mukha ko dahil ngayon ko lang napansin na may teacher na pala sa harap

"ano!??" galit na sigaw nya kay mr. Salve, bata pa ang guro namin na ito sa math mga nasa 25 pababa at aaminin kong gwapo.. Ang alam ko nga ay meron itong nagugustuhang isang estudyante at ganon rin ito dito, nagulat na ngalang ako kung sino.. Si Fiona Falcon at nasa higher section ito, sya ang pinakamatalino sa buong grade 10 at dahil sikat sya ay agad kumalat ang issue na iyon na hindi naman nila itinanggi, ang alam pa namin ay si Fiona ang naghahabol dito ngunit ang balita ay ang sabi daw ni mr. Salve ay masyado pa raw syang bata kaya----teka bat ang daldal ko na? Nahawa na yata ako sa babaeng madaldal na ito.

Napabuntong hininga nalang si sir at napailing at nagpatuloy sa pagtuturo, buti nalang mabait sya at natitiis nya ang babaeng madaldal na ito kundi.. Lagot kami.


Napatingin ako kay Cheryl at nagtaka dahil masyado naman yata syang badtrip sa tatlong yun pero kapag nangyayari naman ang ganito hindi naman sya ganito kabadtrip kaya nagtataka ako.

Anong meron babaeng madaldal?









UNWANTED(Un Trilogy#1) Where stories live. Discover now