Chapter Four

8 2 0
                                    

*Kriiiiiiiiinnnnggggg *

Nagising ako sa tunog ng alarm,pinatay ko ito at muling nagtalukbong.. Ayaw kong bumaba ayaw ko silang makita.. At kung may kapangyarihan lang ako magteleport mula sa kwarto ko papunta sa room ay kanina ko pa ginawa, hindi ko alam kung pano ko sila haharapin ng walang nangyayaring sagutan... Muli na sana akong makakatulog nang magvibrate ang cellphone ko sa bedside table, tamad kong inabot ito at tinignan kung sino ang tumatawag, nang mabasa ko ito ay napairap nalang ako saka iyon pinatay. Wala ako sa mood makipag usap sa kahit na sinong tao sa mundo. Nagtalukbong uli ako at muli nanamang nagring ang cellphone ko.. Inis na kinuha ko ito at sinagot.


"ano ba!?ang aga-aga nangbubwisit kayo! Patulugin niyo naman yung tao kahit isang araw lang, aabsent ako mga leche kayo! Magpapahinga ako ayaw kong pumasok at ayaw kong lumabas ng kwarto dahil kumpleto na ang pamilya demonyo!" tuloy-tuloy na sabi ko at halos mawalan ako ng hininga sa sinabi ko, pero pagkatapos kong sabihin iyon ay wala namang sumasagot, tinignan ko ang caller at nanlaki ang mga maya ko nang makitang unregistered ito.

[" demonyo?, what the fuck is that? "] mas lalong nanlaki yung mata ko nang magsalita ang nasa kabilang linya. Agad tumibok ng mabilis ang puso ko nang makilala ko ito.Hindi ako nakapagsalita ng matagal pero kusa nalang may binigkas ang mga labi ko.

"D-damon?" kinakabahang tanong ko. At bumuntong hininga naman ang nasa kabilang linya.

["get up, you bitch and come down here.. Wala ka bang balak pumasok? And who the hell are the demons?" ] mas lalo akong kinabahan sa tanong nya.

"a-ano.. Wala yun.. Ano lang... Ano--"pinutol nya ang pagsasalita ko

[" hurry up! Ang bagal mo.. Andami mo pang sinasabi! Bumaba ka na riyan, o gusto mong pumasok ako riyan at hilahin kita pababa? "] magsasalita pa sana uli ako pero namatay na ang tawag


At dahil kilala ko si Damon-yo na kapag sinabi nya ay gagawin nya ay mabilis pa sa the flash ang naging kilos ko(me ganun ba?)


Mabilis din akong bumaba ng hagdan at halos matapitapilok pa ako dahil may konting heels ang sapatos ko. At dahil ako ang pinaka swerteng babae sa mundo, agad naman itong nagkatotoo, natapilok ako napaupo at dahil semento ang hagdan ayun.. Dumiretso ako pababa pagulong gulong and worst, una ulo.

Nahinto ako sa paggulong at halos habulin ko ang hininga ko, damang dama ko din ang kirot ng likod at pwet ko pati na ang noo ko na mukha na ngang landingan ng eroplano napatag pa lalo.

Hindi ako agad nakakilos dahil sa sakit ng katawan ko at namumuo narin ang tubig sa mga mata ko.

"what the fuck are you doing?" agad akong napatayo sa gulat nang may nagsalita sa likod ko.

"Ay Palaka!!" napahawak pa ako sa dibdib ko sa sobrang gulat, ni hindi ko narinig ang mga yabag ng paa nya... Tinignan naman nya ako ng masama na parang nagsasabing ' I am not a fucking frog' at kung palaka man sya ay sya na ang pinaka gwapong palaka, suplado nga lang at demonyo.

"anong ginagawa mo?" ulit na tanong nya pagkatapos bumuntong hininga. Nakita nya?

Malamang Alessa, galing ka sa pagkakasadlak diba? Edi nakita nya!

"a-ano... Ano...praktis..ng.." isip isp isip! Paganahin mo ang walang kwenta mong utak Alessa!


"acrobats! Praktis ng acrobats! Ayun! Oo nagpapraktis a-ako" saka ako ngumiti.gusto ko nalang tampalin ang sarili ko sa dahilan ko.. Very good Alessa, very good.


Mukha naman syang hindi naniniwala sa walang kwentang dahilan ko .pero yum hininga nalang sya saka bumalik ang dati nyang mukha.. Blanko.


"then...wag ka magpraktice dito, baka makasira ka wala ka namang perang pambayad." saka sya tumalikod saakin.


"hurry up, ill be waiting outside.. Dalian mong lumamon and at exact ten minutes you have to be there or kakaladkarin kita papuntang school" saka sya nagtuloy sa paglalakad pero natigil rin dahil nagtanong ako.

"sabay tayo?" wala sa sariling naitanong ko. Humarap naman sya sakin na ang mukha nya ay parang nagsasabi na ang tanga tanga ko.

"hindi.. Maiiwan ka, kaya nga kita hihintayin diba?"nakataas ang isang kilay na sabi nya

" p-pero bakit?.. Diba ayaw mong kasabay ako? "nagsasabay kasi kami noon sa pagpasok at paguwi ng school gawa ng iyon ang gusto ng hari ng mga demonyo.

" kahit naman ngayon ayaw parin kitang kasabay, kung hindi lang kukuhanin ang kotse ko kapag hindi kita isinabay.. I would love to leave you here, so hurry up idiot"saka sya tuluyang tumalikod sakin, at dahil wala talaga akong gana at nadagdagan pa ay uminom nlang ako ng tubig at nagbaon ng sandwich saka ako madaling lumabas at naabutan ko naman si Damon-yo na nakasandal sa kotse nya,lakas na sana makagwapo kung ang ugali lang ay hindi mala-demonyo.

Pumunta sya sa driver's seat at dumiretso naman ako sa backseat at pagkaupo ko ay nagseatbelt agad ako at nang napansin kong hindi pa umaandar ang sasakyan ay tumingin ako sakanya na halatang walang balak na paandarin ang kotse nya.


"ba't hindi pa tayo umaalis?" tanong ko at kunot noo naman syang lumingon sakin.

"anong akala mo sakin, driver mo? At diyaan ka pa talaga naupo sa backseat.. Dito ka maupo sa harap kung gusto mo pang makalabas ng hindi tumatanda dito" sabi nya kaya naman padabog akong lumabas at padabog din na naupo sa shotgun seat

Agad naman nyang pinaandar ang sasakyan at parang ang bagal ng takbo namin pero sakto lang naman, tinignan ko sya at wala syang reaksyon habang nakatingin sa kalsada. Kung katulad lang ako ng ibang babae sa school na magisip ay iisipin ko na ako ang pinaka maswerteng babae hindi lang sa Verde pati narin sa mundo. Pero dahil ako si Alessa, ang mapride na babae ay hindi iyon ang nasa isip ko, pakiramdam ko ako  ang pinakamalas na babae sa mundo, dahil malapit lang sakin ang isang demonyo.

Parang may isang oras rin ang tinagal namin sa sasakyan at nang makapagpark sya ay agad akong bumaba ng sasakyan at dumiretso sa room, pero bago pa man ako makapasok sa room ay nagulat ako sa balitang natanggap ko.

Shit.

UNWANTED(Un Trilogy#1) Where stories live. Discover now