Chapter Eight

22 2 0
                                    


Pumasok ako sa eskwelahan ng namumugto ang mga mata, wala akong pakialam kung mayroon mang makakita o makapansin, wala naman silang pakialam sakin.

Pagpasok ko ng gate ay napansin kong halos kakaunti lamang ang estudyante na narito sa loob, nakita ko naman si Cheryl na naglalakad at parang wala sa sarili, agad ko syang nilapitan at tinanong kung bakit ganon ang itsura nya.

"si P-paulo... Sila na ni..Cheska" napataas ang kilay ko sa sinabi nya.

"eh ano ngayun?"

"gag* ka ba? Ex ko yun! Sinuka ko na.. Kinain nya pa!.. Saka ano to? Tutuhugin nya kaming dalawa? Magkapatid pa?!" inis na sabi nya saka bigla nalang nagwalkout.

Susundan ko sana sya nang may mahagip ang mga mata ko, lalaki, gulo-gulo ang buhok at gusot gusot na mga damit, para syang ginahasa ng sampung kabayo sa itsura nya, pero hindi maitatangging gwapo.

" kuya Semi!!!" nagulat ako nang bigla syang tinawag ni Cheryl, at nalipat ang paningin sakanya ni Semi mula sakin.

"hi, Che" maikli ngunit nakangiting bati nito. Hindi na ako lumapit sa kanila dahil pakiramdam ko ay lalabas na ang puso ko sa dibdib ko at hindi ko alam kung bakit... Nakikita ko naman sya, napapanood ko sya tuwing tutugtog sila, drummer sya at aaminin ko, noong una.. Nagka-crush ako sakanya, sino bang hindi eh ang gwapo nya? Yun nga lang may girlfriend na sya at dahil sa impokritang girlfriend nya ay madaming natuturn-off sakanya, isa na ako dun, madami kasing naiinis at nagtataka kung bakit nya niligawan ang isang impokritang tulad ni Sarina, maarte, bitch, malandi, mayabang, pilingera at masama ang ugali. At mas lalo pang madaming nainis sa love team nila dahil kapag makikita mo sila ay sobrang sweet nila sa isa't isa at si Sarina ay sobra kung makadikit na akala mo linta.

Pumunta ako sa room at nagulat na halos lahat ng upuan ay bakante at wala akong nakikitang ibang estudyante. Ang alam ko, sa mga oras na ito ay marami nang estudyante ang pumapasok at marami naring mga nambubully.

Pero iba ngayon, halos wala kong makitang estudyante kahit saan ko ilibot ang paningin ko, umupo nalang ako sa upuan ko at makalipas ang ilang minuto ay dumating na si Azel na naka-earphones at walang reaksyon sa mukha pero hindi non matatago ang pamumula ng mata nya.

Ang alam ko ay nailibing na ang kapatid nya at sa totoo lang, naawa ako ng sobra sakanya at sa pamilya nya. Ang bata pa ni Axel para mawala sa mundo nato, pero ito ang nakatadhana at hindi iyon mapipigilan. Pero mas naaawa ako kay Aliana, nasisi na sya, nawala pa sakanya ang matalik na kaibigan nya, para narin syang namatay sa loob loob nya pero nananatili syang buhay na parang pinaparusahan.

"Morning" maikling bati nya saka umupo sa katabing upuan ko saka tinanggal ang isang earphone na nakasalpak sa kaliwang tenga nya.

"How's you? Heard the news" wala mang kaemo-emosyon ang boses at mukha ay hindi naman maitatago ng mga mata nya ang pagaalala rito.

"Okay na ko... Nga pala, sorry hindi ako naka-attend sa lamay ng kapati--" bigla nyang itinaas ang kamay nya dahilan para mapatigil ako.

"Stop"

"And please, huwag mo munang banggitin ang nangyari... Just..let me understand everything first, masyadong mabilis ang nangyari.. At kung pwede lang, gusto ko muna yun kalimutan" at saka nya isinalpak uli ang earphone saka lumabas ng classroom.

Susundan ko sana sya nang biglang dumating si sir Lanerth,nanatili nalang akong nakaupo at hinintay na makapasok sya ng tuluyan.

"good morning ms. Marquess... How are you?" tanong nya

"uhh, okay na po ako..." nagaalangan na sagot ko dahil may gusto akong itanong sakanya pero hindi ko alam kung masasagot nya ba.

"mabuti naman... So lets start?" tanong nya pa pero imbis na sagutin ko ay nagtanong nalang ako.

"bakit parang ako lang po ang estudyante ngayon sir?" takang tanong ko at natawa naman sya, ngayon ay hindi ko masisisi si Fiona na nainlove sya sa teache nato, ang gwapo ba naman at ang lakas ng appeal.

"no actually, ang section mo lang at ang section nila ms. Sanchez ang walang estudyante halos.. Lahat kasi sila ay suspended. Except sa higher section" kinutuban naman ako sa sinabi nya pero hindi ko parin naiwasang magtanong

"bakit po?"

"because of what happened to you ms. Marquess, hindi papayag ang school na ganon nalang yon, those students need to learn they're lesson" saka na sya nagumpisang magturo pero lumulutang naman ang utak ko

Kung pinarusahan sila ng eskwelahan ay ibig sabihin lang nito ay mas lalo silang magagalit sakin at may posibilidad na mas malala pa ang gawin nila sakin sa susunod na mga araw, suspended lang naman sila.. Hindi sila kicked out.. Pano naman kasi nila ikikick out ang mga yun edi naubusan ng estudyante ang SU at may kasama pa doon na Alegre kaya talagang hindi nila sila ikikick out.

"dont worry Alessa, they promised that it will never happen again or makikick out na sila.. You dont have to worry anymore" napansin siguro ni sir na parang wala ako sa sarili kaya sinabi nya ito. Panong hindi ako magaalala? Saka kapag ba napatay na nila ako saka lang sila ikikick out? Kapag ba namatay ako saka lang dapat ako magalala? Eh kung patay na nga ako mababalik ba nun ang buhay ko?

"sir eh yung mga kaibigan ko po?" hindi ko napigilan na itanong din dahil hindi hinahanap ni sir ang dalawang bruha sa buhay ko.

"uhmm, nakita ko si Azel sa rooftop kanina mukhang hindi pa makamove on so i accepted it, inexcuse ko nalang sya... At si Cheryl well, alam ko naman na absent sya. Lagi naman" kaswal na sabi nya at medyo napangiti naman ako.

Natapos ang subject nya at break time na, naglalakad ako sa corridor papunta sa cafeteria nang may maramdaman akong pares ng mata na nakatitig sakin, lumingon ako sa likod ko pero wala naman akong nakita. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad at kinikilabutan na ako ng sobra,yung katapat ko pa naman na room na nilalakaran ay ang room ni Axel at wala pang tao kaya talagang kinililabutan ako. Nakaramdam ako ng malamig na hangin sa katawan ko at biglang nagsara ang pinto ng room nila Axel kaya napatakbo na ako ng mabilis.

"ahhh!!!" napatili ako habang tumatakbo ng makarinig ako ng mabilis na yabag na parang may sumusunod sakin,

Liliko na sana ako papunta sa hagdan ng may makabanggaan ako at gumulong kami pababa ng hagdan. Ramdam ko ang sakit sa bawat baitang na binabagsakan namin  at nang huling baitang na ay kamlasan pa na nauna ang ulo ko kaya nawalan ako ng malay at pagkagising ko ay....

HOLY SHIT!!!!!!!!!




UNWANTED(Un Trilogy#1) Where stories live. Discover now