Chapter One

27 4 0
                                    

"hayup kang bata ka! Mamatay ka na!"

"MICHAEL!!!"

Agad akong napabalikwas ng bangon at agad inunum ang tubig na nasa table na malapit sakin at hinabol ang aking hininga at pinunasan ang malamig na pawis na namumuo sa noo ko, naulit nanaman.. Kailan ba talaga ito titigil?

Bumangon ako at naligo at gumayak ng aking uniporme, lunes ngayon kailangan kong maagang pumunta, tinignan ko ang orasan at nakitang ilang minuto nalang ay malelate na ako kaya nagmadali akong kumilos at agad na bumaba, wala na akong balak kumain dahil malelate na ako at ayaw ko ding makakita ng magkakapatid na demonyo though makikita ko parin sila sa school. Ayaw ko lang na mukha nila agad ang unang makita ko.

Bumaba ako at dumiretso sa pinto pero bago pa ako makalabas ay biglang may nagsalita sa likod ko.

"going already?" napabuntong hininga nalang ako nang malaman ko na ang prinsepe ng mga demonyo pala ang nagsalita.Humarap ako sakanya ng nakataas ang isang kilay at pinagkrus ang braso sa dibdib.. Meet the prince of demons, Damon Andrix Elizalde

"thats none of your business, besides yun naman ang gusto niyo diba? Ang umalis ako dito, hinihintay ko na ngalang dumating ang araw na paguwi ko dito ay nasa labas na lahat ng gamit ko at pinapalayas niyo na ako sa sariling pamamahay ko" may diing sabi ko at hindi nakatakas sa paningin ko ang paglunok nya.

"but thats not gonna happen, thats a no-no to me...Ako lang ang may karapatang magpalayas dito, pasalamat na ngalang kayo at pinayagan ko pa kayong manirahan dito sa bahay ko" dagdag ko pa at lalo namang nagdilim ang mga mata nya

"i only said two words, but then you talk too much... Tsh crazy" binulong nya pa ang huling salita pero narinig ko parin iyon pero bago pa ako makapag salita ay tumalikod na sya at pumasok sa kusina, napabuntong hininga uli ako at sa kamlasan ko nakita ko naman ang bunsong demonyo... Dominique Elijah Sanchez

"kapal din naman ng mukha mo para sabihin iyan no? Hindi purkit sa nanay mong malande nakapangalan ang bahay at lote nato eh sakanya na ito... Kay Papa kaya ang perang pinambili nya dito" saka sya umalis sa harapan ko, mabuti naman dahil kung hindi baka dumudugo na ilong nya ngayon dahil sa M word nya.

Tumalikod na ako at humarap sa pintuan, handa ng umalis, pero dahil sadyang maswerte ako ngayong araw kaharap ko naman ang pangalawang anak ng reyna at hari ng mga demonyo.. Diana Andrea Sanchez

"ang kapal talaga ng mukha mo ano? Angkinin mo ba naman ang pamamahay na pagaari ni daddy? Manang-mana ka talaga sa ina mong pokp*k" agad kumulo ang dugo ko dahil sa sinabi ng demonyitang ito.. Kung makapagsalita sya parang hindi ganon ang nanay nya.

"F. Y. I, si Mama ang may ari ng bahay at lupa na ito at sakin na ngayon nakapangalan ito at isa pa.. Hindi si mama ang pokp*k kundi ang nanay nyo... saan ba  sila nagkakilala ni papa? Sa club diba? Kung saan sumasayaw ang nanay mo ng hubo't-hubad sa harap ng madla.. Kaya hindi ang nanay ko ang pokp*k dito kundi nanay mo" idiniin ko pa ang huling salita at kita ko kung panong napalitan ang mapangasar nyang itsura sa pagiging galit.

Bago pa sya may masabi o magawa na sigurado akong hindi ko magugustuhan ay tumalikod na ako at lumabas ng impyernong iyon. Ang impyerno kung saan minsan ko ding itinuring na langit dahil nandoon ang mga alaala ng ang aking ina na kahit kailan ay imposibleng hindi mabubura pero nang dahil sakanila mukhang posible na.

Napabuntong hininga nalang ako nang maisip ang kalagayan ko.. Wala na si mama may isang taon na syang namatay dahil sa isang aksidente at nasa ibang bansa sya nang maganap iyon.. Umuwi sya dito ng nasa loob ng malaking kahon hindi humihinga, maputla, walang bakas ng pagkabuhay o sa madaling salita patay na...

Wala pang isang taon ng pagkamatay nya ay may kapalit na agad sya sa pagiging asawa at iyon nga ang ina ng tatlong demonyo, Damia Sanchez.. Hindi ako payag  na maging isa din syang Marquess pati narin ang mga anak nya, pero ano nga ba ang magagawa ko? Ako lang naman si Alessa Miquel Almejo Marquess-ang walang kwentang anak ni Michael Elarde Marquess at ang palamunin na anak ni Alisha Veronica Almejo Marquess.. Hindi ko inaasahan na ang isang Almejo'ng katulad ko ay mababansagan na ganun.. Kilala ang mga Almejo sa magagandang bagay at nirerespeto sila dahil sa kayamanan at karunungan na meron sila.. Pero ang  isang Almejo na katulad ko ay itinuturing na salot sa lipunan. Kung tutuusin hindi ako bagay bilang isang Almejo at iyun siguro ang naging dahilan kaya hindi ako tinanggap ng pamilyang iyon pati narin ang nanay ko.

Sinumulan ko na maglakad sa paaralan na aking pinapasukan, SIS(Samiente International School), malapit lang naman kaya lagi ko na itong nilalakad dahil narin sa walang maghahatid sakin at kahit may sarili akong kotse hindi din naman ako marunong maaneho baka madisgrasya lang ako at magaya ako kay mama, sayang ganda ko,virgin pa man din ako.

Habang naglalakad ako nadaanan ko ang park at nakita ko nanaman ang dalawang babae na importante sa buhay ko.. Ang dalawang kaibigan ko,naglalaro na parang bata ang isa habang ang isa naman  ay nakaupo sa swing at nakatingin lang sa kawalan habang walang kahit anong reaksyon sa mukha..

Si Azel ang unang nakapansin sakin, ang babaeng tulala, at agad syang lumapit sakin ng hindi nagbabago ang itsura.

"Morning" bati nya at umuna sa paglalakad ni hindi manlang nya hinintay ang sagot ko, ano ba namang aasahan ko sa isang Azelda Lei De Alegre?

May biglang umakbay sakin at kilala ko na kung sino iyon... Cheryll Ann Antonio, ang pinakamadaldal na babaeng nakilala ko at kilala ko.

"bad morning! Break na kami.. Ako nakipagbreak nambabae eh" napabuntong hininga nalang ako sa sinabi nya, wala namang nagtatagal na lalaki sakanya at sanay na ako dun, pero yung halos araw-araw eh may iba sya yun ang malala.

"wala namang nagtagal sayo.. Pinakamatagal mo yatang relasyon ay isang linggo"

"grabe ka naman sa isang linggo... Hindi ba pwedeng eight days?ang sama mo sakin.. Samantalang--kuya Semi!" agad syang nagtatatakbo palayo samin at agad naman akong napahinto nang marinig ko nanaman ang pangalan na iyon, may kung ano sa dibdib ko na hindi maintindihan at parang may mga kulisap sa tiyan ko na hindi ko rin maintindihan.

Unti-unti akong lumingon at ganon nalang ang gulat ko nang makita ko syang mataman akong tinitignan, napalunok ako at sinubukang alisin sakanya ang tingin pero sadyang traydor ang mga mata ko

C'mon move! Move stupid eyes!

At ganon nalang ang gulat ko ng bahagya syang ngumiti, agad nanlaki ang mga mata ko at naginit ang buong mukha, nagiwas agad ako ng tingin at agad na hinabol si Azel na medyo malayo-layo na rin ang distansya sakin.

"nakita ko yon" sabi nya gamit ang isang malamig na tono ng makalapit ako saknya. Kinakabahan ko syang  tinignan

"a-ang alin?" kinakabahang tanong ko, bat ba ako kinakabahan? Wala naman akong gusto sakanya hindi ba? Diba? Diba!?

Nagkibit balikat lang sya at saka nagsalpak ng headset sa tainga, ganyan sya masyadong masekreto at hindi namin sya mapipilit dahil kahit lumuhod ka pa at umiyak ng dugo ay hindi ka parin nya papansinin..

Kahit nakita nya hindi dapat ako ganito kabahan, wala naman akong gusto sakanya.

UNWANTED(Un Trilogy#1) Where stories live. Discover now