Chapter Five

8 2 0
                                    


"god, anong nangyari!!?"

"si Aliana! Sya may kagagawan nito!"

"oo, kasalanan nya!"

"oh gosh, ang sama nya! Mamatay tao sya!"

"dapat sakanya kinukulong!"

"gaga, 14 palang sya.. DSWD lang aabutin nya!"

"sinabi ko bang sa jail?"

"oo nga! Sa mental hospital sya dapat kinukulong kasi baliw sya!"

"oo baliw sya! May saltik sya!"

Kaliwa't-kanan ang naririnig ko, yung iba sinasabi na kawawa naman si Aliana at napapagbintangan sya habang halos lahat ay isinisigaw na kaslanan nya.. Hindi ko mapigilang makaramdam ng sakit at awa, kahit papano naman ay isa parin akong Almejo at ang makarinig ng ganitong mga salita tungkol sa kamag-anak ko ay tunay na masakit..

Pagkapasok ko pa lamang ng gate ay bumungad na sakin ang nagkukumpulang mga estudyante at ang nakaabang sakin na sila Cheryl na agad ibinalita ang nangyari, nang marinig ko ang sinabi niya ay agad nahiwa ang puso ko.. Isang estudyante lang naman sa paaralang ito ang binawian ng buhay minuto lamang ang nakalilipas.

Hinila ako ni Cheryl, kaming dalawa lang dahil nasa ospital daw si Azel kasama ang pamilya nya dahil kapatid nya ang naaksidente, sa mismong lugar kung saan nangyari ang bagay na hindi inaasahan ng lahat..

Pagdating namin sa 3rd building kung saan ang building ng mga highschool ay bumungad samin ang semento na puro dugo at may kordon ng pulis na nagsasabing 'do not enter' ay agad tumibok ng mabilis ang puso ko at parang gusto ko maiyak, lalo na nang makita ko ang mga Almejo sa gilid kasama ang mga Samiente... At kumawala ang isang butil ng luha ko nang makita ko si Aliana, wala sya sa sarili at tulo ng tulo ang mga luha nya habang naglilikot ang mga mata nya pero nananatili ito sa sahig at pinapatahan naman sya ng tita nya pati narin ng tiyahin ng mga Samiente

Akmang tatakbo ako papalapit sakanila nang hilahin ako ni Cheryl pabalik, taka ko naman syang tinignan.

"ano? Lalapit ka sakanila? Para ano, para ipagtabuyan ka uli nila? Ipahiya nila? Ano Alessa!?" sigaw nya at dahil doon ay nakuha namin ang atensyon ng iba. God, how i hate this.

"Cheryl please, huwag ka namang maingay dito na parang tayo lang ang tao.." pakiusap ko

"huwag maingay? Eh anong paki ko sakanila? Kapag ba nanahimik ako magpapameryenda sila? Hindi naman diba? Kaya magsasalita ako kung gusto ko lalo na ngayon na umiiral nanaman iyang katigasan ng ulo mo!" sigaw nanaman nya, eto talaga ang pinakaayaw ko sakanya, palagi syang nakakahakot ng atensyon lalo na sa publikong lugar.

" Cheryl pwede ba!? Kapamilya ko parin sila hayaan mo na ako please! "naiiritang sigaw ko at sa unang pagkakataon hindi ko inisip ang sasabihin ng iba.

" kapamilya!? Bakit ikaw ba tinuring ka nilang kapamilya! Alam mo, masyado kang tanga na kahit ilang beses kana nilang saktan at ipahiya pinapairal mo parin yang katangahan mo! Alam mo, bahala ka na!" saka sya nagmamadaling nilagpasan ako at mukhang sinasadya nya pang banggain ang balikat ko.

Napatingin naman ako sa mga tao at halos lahat sila ay nakatingin sakin.. Hayy, buwisit na babae gumawa ng drama tapos iiwan ako dito na napaoahiyang mag-isa.

Susundan ko sana sya nang pagharap ko sa dinaanan nya ay napatigil ako nang makita ko ang mga pulis na parang inaaya si Aliana sa kung saan. Lumapit ako nang konti at narinig ko naman ang pinaguusapan nila.

UNWANTED(Un Trilogy#1) Where stories live. Discover now