Chapter Three

10 2 0
                                    


Natapos ang klase at ganon parin ang itsura ng babaeng madaldal.. At dahil hindi sya dumaldal sa buong oras ng klase ay alam ko na na wala sya sa mood.

"what happened to her?" nagulat ako nang biglang nagtanong si Azel, kanina pa sya walang kibo. Nagaayos palang kami ng gamit at nauna si Cheryl sa pagaayos at umuna nadin sya sa paglabas ng room. Nilagay ko ang mga libro ko sa bag ko at saka isinukbit ito

" ewan ko, basta pag-alis mo nabad mood na sya.. Dahil yata kay Dianang maldita at sa mga alipores nya.. Pero masyado naman yata syang nabuwisit" sabi ko at lumabas ng room, sumunod naman sya sakin

"ikaw ba't hindi ka nagsasalita kanina? Natural naman na hindi ka talaga nagsasalita minsan pero nasobrahan ka yata"tanong ko sakanya habang pababa kami ng hagdan, narinig ko muna syang bumuntong hininga bago sumagot

" i heard the two of you.. When we are at De Laverde's" nanlaki ang mga mata ko kasabay ng paglunok ko, hindi ko kayang humarap sakanya hindi ko kayang makita ang magiging reaksyon nya.

"i know in the first place that you like Damon, kahit nung kami pa kahit nung hindi pa tayo magkakilala, i always saw you at the basketball court, cheering for him, obvious naman na may gusto ka sakanya gaya ng ibang babae, ang pinagkaiba mo lang sa ibang babae ay dahil kilala ka ni Dae at madalas ka niyang nababanggit sakin... Hindi ko lang alam kung pano ka nya nakilala ang sabi lang nya, because of his mother"nagulat ako dahil sa haba ng sinabi nya at dahil narin sa laman ng mga sinabi nya... Damon knows me since then?

Nagkakilala kami at naging magkaibigan ni Azel dahil kay Cheryl at siguro, dahil nadin kay Damon-yo, at nagulat ako nang malaman na kilala ako ni Damon dahil sa dinamidami ng babaeng nagkakagusto sakanya at sa dami ng estudyante at laki ng SIS ay nagulat talaga ako, hindi naman ako lumalapit sakanya at oo magkagrade level kami pero nasa ibang section sya... Siguro sa mama nya nga ako talaga nakilala dahil ng mga panahon na yon ay siguro magkakilala na ang ina nya at si papa.

"oh eh ano naman ngayon!?"

"anong ano naman ngayon!?! Nakita ko kayo! Nakita kita! Nakikipaglandian ka sakanya!" napatigil kaming dalawa ng may narinig kaming nagsisigawan at medyo na bosesan ko kung sino iyong mga iyon.

Napatingin ako kay Azel at wala parin syang ekspresyon sa mukha pero nakatingin sya sa likod ng building at mukhang doon nanggagaling ang sigawan


"si Cheryl" bulong nya saka naglakad papunta doon pero tumigil sya at mukhang wala syang balak magpakita at nakikinig lang sya, tumabi ako sakanya at sumandal din sa pader

"nakikipaglandian? Ate! San mo naman nakuha yang salitang iyan!?" sigaw ng isa pang babae at mukhang kilala ko na kung sino ito, si Cheska Aine Antonio  pangalawang kapatid ni Cheryl mas bata ito sakanya ng isang taon


"eh anong tawag mo doon sa nakita ko!? Nakikipag kaibigan!? Wag mo kong gawing tanga Cheska!" sigaw sakanya pabalik ni Cheryl, sino ba pinaguusapan nila?


"hindi ako nakikipaglandian! Nakikipagkaibigan lang yung tao, Ate! Huwag mo akong igaya sayo!"

"puwede ba tumigil na kayo! Baka may makarinig sainyo, mapagalitan pa tayo! Pinagaagawan niyo pa kasi yang Paolo Angeles na iyan hindi naman gwapo! Para kayong mga bata! Tumigil na kayo!" sigaw ng panibagong boses na hinuha ko ay si Chelsea.. Ang bunso nilang kapatid.. Teka, Paolo Angeles.. Hindi ba yun yung--

" first boyfriend Che na nililigawan ngayon si Cheska"biglang sabi ni Azel saka sya naglakad paalis, sumunod na ako sakanya dahil hindi maganda na nakikinig kami sa tatlo

UNWANTED(Un Trilogy#1) Where stories live. Discover now