1

6.6K 137 8
                                    

Elizabeth

Mausok, maingay, madaming tao, madaming sasakyan, lahat nagmamadali...

"aray, aray ko... kuya kalma lang naman may tao dito oh, tao to, tao hindi poste" sabi ko kay kuya nang halos mahalikan ko na ung pinto ng bus na sinasakyan ko papuntang QC dahil sa pang gitgit nya. Nakakaloka!!!

Ganito pala dito sa city haysus magkaka asthma ata ako ng wala sa oras dito "kaya mo to Eli! Para sa pangarap!" Ako nga pala si Mary Elizabeth Salvador mga kababayan 19years old, from Palawan pero para sa pangarap ko kaya andito ako sa Maynila na malayong malayo sa nakagisnan ko.

"oh Cubao na to, yung mga bababa ng Cubao pakibilisan ang kilos" nabalik ako sa realidad ng marinig ko ang sabi ng kundoktor dito na pala ako, "kuya weyt baba po ako!" sigaw ko kay manong "pakibilis neng" dali dali kong dinampot mga gamit ko pero di pa ako tuluyang nakakababa ay nagumpisa ng umandar yung bus kaya muntik na akong mahulog "nakaaaa naman kuya!!!!!" hayst nakakaloka.

"tawagan ko na nga si tita na nandito na ko," labas ng mumurahin kong cp, yep mumurahin lang yan kasi wala naman akong pambili ng bago noh... "hello tita!" nung sinagot na ni tita ung tawag "opo andito na po ako, saan po?" "sige po puntahan kopo, babye po" naglalakad na ko bitbit ang mabigat kong bag dahil sa kung ano ano nga ang mga pinadala nila lola.

Palinga linga ako habang naglalakad dahil talaga naman naa-amaze ako sa mga nakikita ko, pero talagang mabilis lang ang galaw ng mga tao. Nageenjoy pa ko ng bigla may bumangga sa akin at dahil nga medyo lampayatot ako ay napaupo pa ako sa semento.

"harrraayyy ko naman....." ung balakang ko ang shakeet...

"miss i'm so sorry. i am just in a hurry that's why, here let me help you."

di pa ako nakakarecover sa pagkakabagsak ko ng may umalalay na sakin patayo, shemay ang bango naman ni kyaah. huy Eli behave sabi ko sa malanding parte ng utak ko.

"miss i really am sorry, but i have to go. sorry ulit." sabi ni kuyang mabango na nakabangga sakin saka nagmamadaling umalis. Hahabulin ko sana pero nawala na sya sa karamihan ng tao. Sayang... Di ko nakita yung mukha, gwapo siguro un mabango eh. hihihi. Napatalon pa ko ng konti ng mag vibrate ung cp ko si tita pala tumatawag "hello oo, opo malapit na po." dali dali na akong naglakad at walang magandang maidudulot ang pag lalandi hehehe.

Nang makarating ako doon sa kung nasaan si tita ay niyakap nya agad ako "dalaga kana Eli pero payatot ka padin anak." sabi nya habang sinisipat sipat pa ako ng tingin. Si tita Mira kapatid sya ni nanay at sakanya ako titira dito habang nagaaral at nagtratabaho. "si tita, parang bago naman ng bago hehehe maganda naman ta kahit payat di ba?" sabay beautiful eyes kopa "hahaha oo nalang anak, oh halika na sa bahay para makapag pahinga kana at bukas ay ipapakilala na kita kung san ka magtratrabaho."

Di kalakihan itong apartment ni tita pero maaliwalas at relaxing ang dating nya magaling magayos si tita ng bahay. "oh dito ang magiging kwarto mo Eli, medyo maliit pero kasya ka naman dito hahah." tinulungan pa nya ako mag pasok ng mga gamit "heheh si tita talaga ako na po." "oh sya magayos ka ng konti at magpahinga, magluluto lang ako para makakain na. Feel at home anak." iniwan na ko ni tita at inayos ko na ang mga dala ko, "maliit daw mas malaki pa nga ito sa kwarto ko sa probinsya eh, si tita talaga."

Sa isang sikat na kumpanya sa Makati  nagtratrabaho si tita bilang Accounting Assistant matagal na sya dun kaya naipasok nya ako bilang part time encoder, part time lang dahil papasok naman ako sa school tuwing gabi. Nagmumuni muni pa ako ng kumatok si tita.

"anak, halika na kumain na.." "opo, lalabas na po" naghugis puso naman ang mata ng makita ko kung ano ang ulam "woww. sinigang na sugpo... paborito kopo ito tita." sabi ko na parang batang hinainan ng maraming candy. Natawa naman si tita "alam ko, kaya nga yan ang niluto ko, hala sige kain ka ng madami ng magkalaman ka naman." Di na ako nagpatumpik tumpik pa, mahihiya pa ba ako? Eh bukod sa paborito ko to talagang gutom na ako.

"burrppp... ay excuse me po hihihihi" napalakas pa ang dighay ko "nabusog ka ah?" "opo tita salamat po, ako na po magliligpit ng kinainan ta." pagkukusa ko dahil nakasanayan ko na din na sa bahay ako ang taga hugas at ligpit ng mga kinainan.

"naku ako na, alam kong pagod ka sa byahe. Sige na magpahinga kana." pero di ako pumayag. "ako na po ta, kokonti lang naman po ito tsaka para bumaba nadin po kinain ko." with matching ngiting wagas pa yan.

"ayy sya sige, maglolock na ko at magpapahinga na din, gising ka ng maaga bukas ah para maaga tayo matapos sa mga lalakarin bago kita dalhin sa opisina. Goodnight"

"opo, goodnight po ta." ng matapos ko ang mga hugasin ay nagpunta na din ako sa kwarto para magpahinga. Pero di pa ako inaantok, naeexcite at kinakabahan kasi ako para bukas. Ano kaya hitsura ng magiging school ko, sana may maging kaibigan ako agad. Bigla ko kasing naalala ang matalik kong kaibigan sa Palawan na si tricia.

"this is it Mary Elizabeth! Start na ng pagtupad mo sa mga pangarap mo bukas! Aja!"

<3

Fate - COMPLETEDWhere stories live. Discover now