Chapter 31 ACHILLES' LIGAWAN STAGE PART II

3.8K 71 3
                                    

*Achilles' Point of view*

"#3: Gumawa ng Gimik.Gumawa ka ng gimik yung tipong kakaiba sa gimik ng ibang manliligaw kahit anong gimik na 

mapapansin ka niya. Tandaan mo lang na kung gagawa ka rin lang ng gimik, Gawin mo ito sa maraming tao, yung 

tipong maraming makakakita para parang sinabi mo na din sa buong mundo na mahal mo siya."

"Lalaki ka di ba?"tanong ko kay Ino.

Nasa office ko kami ngayon.

Tinago ko muna ang ibibigay ko kay Thalia.

"Ano ba sa tingin mo? -_-"sarkastikong sagot nito.

"Tsk! Anong magandang gimik?"tanong ko.

"Gimik? May kinalaman ba iyan sa dapat nating pagusapan?"tanong ni Ino.

"Oo naman!"sigaw ko.

Kaasar! bad trip.

"Oh Ino!"pasok ni Gabriel sa office.

Si Gabriel ang vice president ng Inheritors Academy Student Council (IASC).

Ang totoo niyan kaming Glitterati din ang may hawak ng IASC.

Ang ASC officials ay nagiging member kapag kasama sa TOP 10 intelligent and rich students ng buong academy.

Kung mahirap ka pero matalino ka, hindi ka pasok sa IASC.

Kung mayaman ka naman pero hindi ka matalino, hindi ka pa din pasok sa IASC.

Dapat matalinong mayaman.

"Gab!"sagot lang ni Ino.

Hmm.. bakit ba ako nasusuya sa pagmumukha nitong si Ino?

"Nice to see you, anong ginagawa mo dito?"tanong ni Gabriel.

"Ako ang pinadalang representative ng RASC,"sagot nito. "Royal Academy Student Council"

"This year ay sa Royal Academy gaganapin ang Academia Festival. Ang Inheritors Academy, Musical Academy, Witch 

Academy and Sorcerers Academy, Ramayana College of Arts, and Academy of Military ang magiging guest."sabi ko 

kay gariel.

"Oo nga pala, malapit na iyan. Anong maitutulong ng academy namin?"tanong ni Gabriel kay Ino.

Inheritors AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon