Chapter 34 LEFT BEHIND

3.1K 57 1
                                    

*Thalia's Point of view*

>___< Pati si Leui binitiwan din ako.

Pero okay na din.

Lumuwag na ang pakiramdam ng pulso ko.

Lumapit sa akin si Ariadne.

"Sino siya?"tanong niya sa akin.

"Ewan ko."sagot ko.

Hindi ko siya kilala.

Bakit ganun? Parang ang pakiramdam ko ngayon ay hindi maganda.

Para bang may hindi magandang mangyayari.

Pero sana wala.

Lumapit sa akin si Aram at inakbayan kami ni Ariadne.

"Siya si Hermione."sabi ni Aram.

"Rinig nga namin."sagot ni Ariadne.

"Kababata namin si Hermione.Isa nga dapat siya sa Glitterati kaya lang tumanggi siya dahil siya lang daw kasi 

ang babae."kwento ni Aram.

"Wow! Eh di kilalang kilala niya kayong lahat?"tanong ni Ariadne.

"Medyo. Matagal din siyang nawala at wala kaming kabali-balita sa kanya."sagot ni Aram.

"Siguro miss na miss niyo na siya?"tanong pa ni Ariadne.

Pinagmamasdan ko silang lahat.

"Oo naman."saad ni Aram saka kami iniwan at lumapit din kay Hermione.

Pinalilibutan na ng mga glitterati boys si Hermione.

Kami naman ni Ariadne nagkatinginan na lang then back to work.

Bahala sila.

Papakabusy ako. Psh! :P

*Achilles' Point of view*

"Anong ginagawa mo dito?"tanong ko kay Hermione.

"Fest,kaya naman nandito ako kasama ang academy namin dito. Na-miss kita Achilles."yakap sa akin ni Hermione.

Niyakap ko din siya.

"Namiss din kita, Hermione."sagot ko.

Inheritors AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon