Chapter 21 ACHILLES NEXT MOVE

4.1K 78 1
                                    

*Thalia's Point of view*

Beep, beep, beep. My alarm clock rang, I aimlessly tried to hit the snooze button.

Sakit ng ulo ko! >_____<

BUt failed to do so only to let myself fall out of bed on to the hard floor.

Napamulat tuloy ako.

Pagtingin ko sa kanan ko may nurse na nakatayo at biglang lumapit sa akin.

Inalalayan akong tumayo.

"Nasaan ako? Anong ginagawa ko dito?"tanong ko sa nurse ng makaupo ako sa kama ng ayos.

"Nasa Inheritors Hospital po kayo maam."sagot nito.

"Anong nangyari sa akin?"tanong ko.

"I saw you sa bodega. Walang malay kaya dinala kita dito."biglang pasok ni Achilles na may bitbit na mga 

prutas.

Lumabas naman ang nurse.

Kami na lang ni Achilles ang naiwan sa loob ng ospital room.

"Siguro pakana mo na naman ito noh? Masaya ka na? Bakit hindi mo na lang ako hinayaang mamatay doon?"tanong ko.

Hindi ito sumagot bagkus ay ipinatong ang mga prutas sa lamesa sa tabi ng kama.

"Lalabas ka pa daw bukas dahil hindi pa ayos ang paghinga mo kagabi."saad lang nito.

"Alam ba nina Nathanael na nandito ako?"tanong ko.

"Sinabi ko na. Mamaya pa daw sila pupunta dito para may bantay ka."sagot nito. "Aalis din ako dito mamaya kapag 

dumating na sila."

Umupo ito sa may sofa at nanood na lang.

Humiga na lang ako sa kama.

"Paano ka ba napunta doon?"biglang salita ni Achilles.

Hindi siya nakatingin sa akin bagkus ay naka-glue na ata ang mata nito sa TV.

"Alam mong alam mo."sagot ko.

"Paano ka ba nakapunta doon?"ulit nito.

Hindi ba niya narinig ang sinabi ko?

Paano nga ba?

"Sabi kasi ni Antheia na may nagpapapunta sa akin doon na may nagsabi lang daw sa kanya."sabi ko na lang.

Inheritors AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon