Chapter 19 COMFORT THE GOD OF WAR

4.4K 82 2
                                    

*Aram's Point of view*

Nagbasa-basa na lang ako ng libro.

Greek Mythology ni Edith hamilton ang nakuha kong libro kanina.

hay naku ang kwentong ito ay parang sa Percy jackson, kami ang demigod ang half blood camp ang academy.

O feeling ko lang iyon?

Nung bata pa kaming sampu...

*flash back*

"Takbo Achilles!"sigaw ni Leui.

Tumakbo kaming lima. Ako, si Achilles,Leui,Aaron at Ares.

Nasa loob na ng academy noon sina Xan,Gabriel,Tyson,Nathanael at Eros.

May mga armadong lalaki ang humahabol sa amin.

Sa tingin ko kailangan nila kami para makakuha sila ng pera.

Galit sila sa academy.

Galit sila sa mga katulad namin.

Sa mga mayayaman.

Biglang nadapa si Achilles.

Tinulungan namin siya tumayo.

"Dalian niyo, ako ng bahala dito. Takbo!"sigaw ni Ares.

"Sabay tayo pumasok,Ares!"sabi ni Achilles.

"Iwan niyo na ako."sigaw ni Ares.

Malapit na sa amin ang mga lalaki.

Kaya wala na kaming nagawa.

Bata pa kami kaya wala na kaming ibang maisip kundi tumakbo.

Naiwan namin si Ares.

Nang makalayo na kami ay tinignan namin si Ares.

Wala na siya sa kinatatayuan niya.

"Wala akong kwentang kaibigan."saad ni Achilles.

"Nasaan si Ares?"salubong sa amin ni sir Hector.

"Kinuha siya ng mga lalaking humabol sa amin."sagot ni Leui.

Hindi ko na alam ang nangyari nun.

Hanga ako sa kagitingan ni ARes.

Binigay niya ang buhay niya para sa amin.

Inheritors AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon