Chapter 6 STORY BEHIND APHAEA

6.4K 127 5
                                    

*Achilles Point Of View*

Ang mga babae hindi ko maintindihan.

Bigla-bigla na lang silang umiiyak.

Bigla na lang tumatakbo.

Tsk! Ayoko ngang habulin, hindi naman ako aso.

Isa pa, ayoko talaga sa babaeng iyon.

Si Thalia Andromeda Walker.

Kapatid siya ng babaeng patay na patay sa akin, si Aphaea.

Si Aphaea ang babaeng kinaiinisan ko. Lagi siyang nakabuntot na animo'y anino ko.

Kung nasaan ako, nandoon din siya.

Isang araw noong nasa bakasyon kami nina Aaron ay sumunod siya sa amin sa Maldives.

***
Flash back...

"Sayang hindi tayo kumpleto.Wala si Gabriel,Nathanael,Ares  at Leui."saad ni Aaron.

"Nandito naman ako."biglang singit sa usapan namin si Aphaea.

"Anong ginagawa mo dito?"tanong ko.

"Sinusundan ka? Hindi ba halata?"nakangiting sagot nito.

Tinignan ko si Aaron.

"Iwan mo muna kami,Aaron."saad ko.

TUmango naman ito.

Pagkaalis nito saka ko hinarap si Aphaea.

"Ano bang kailangan mo? Pera? Katawan ko? Ano? Sabihin mo na para ibigay ko na sayo para tigilan mo na ako."saad ko.

Ayoko talaga sa babaeng ito.

Ayaw niya akong tigilan.

Minsan nga nagtataka na ako kung paano niya nalalaman kung nasaan na ako o anong ginagawa ko.

"Iyon ba ang tingin mo sa akin?"tanong nito.

HIndi ko alam kung nagmamakaawa ba ang mukha nito o ano?

''Hindi mo ba naintindihan ang sinabi ko sayo dati? Tigilan mo na ako dahil hindi kita gusto."saad ko.

"Alam ko naman iyon pero hindi kita susukuan. Habang wala ka pang nagugustuhan hindi ako susuko. Malay ko kung magustuhan mo ako bigla."sagot nito.

"May gusto na akong iba."saad ko.

Naisip kong sabihin ito para layuan na niya ako.

Ayoko sa babaeng makulit. Nakakairita.

"ANo naman? Hindi naman kayo. Pwede pa kitang agawin sa kanya."nakangiting saad nito.

HIndi ako umimik.

"Mahal kita,Achilles. Sa akin ka lang. Akin lang."saad nito.

"PWEDE BA TAMA NA! Ayoko sayo! Kahit mabuhay ako sa susunod na 1000 years, hindi ikaw ang babaeng magugustuhan ko makasama habang buhay."sagot ko.

Napawi sa labi nito ang ngitii at napaltan ng lungkot.
"Ayokong saktan ka kaya maaga palan sinabi ko nasayo na ayoko sayo. Kasi ayokong umasa ka sa wala."dagdag ko pa.

Umiling-iling ito.

"HIndi totoo iyan. Kahit isang beses ba hindi mo ako binigyan pansin bilang babae?"tanong nito.

"Mabait ka pero hindi ikaw ang babaeng gusto ko makasama. Hindi kita gusto."sagot ko.

"Bakit hindi pa ako Achilles? Bakit? Ako na lang! Ako na lang!"sigaw nito.

Halos magwala na ito sa harap ko na naging dahilan ng pagtitinginan ng mga tao sa paligid namin.

"Pwede ba? Kaya ayoko sayo masyado kang maingay, makulit, lahat sayo ayoko kaya tama na. Mapagod ka naman kakasunod sa akin."saad ko.

"HIndi. HIndi ako titigil. Mahal kita Achilles.Lahat gagawin ko para sayo huwag mo lang akong itaboy. Hayaan mo na lang na mahalin kita."saad nito.

"Layuan mo ako kung ayaw mong bumagsak ang kumpanya niyo."saad ko.

"Wala akong pakialam. mawala na lahat sa akin. Huwag lang ikaw."naiyak na sabi nito.

"Kahit kailan hindi ako naging sayo. Hindi naging tayo. Walang tayo."sabi ko.

Masyado ba akong hard?

Tama lang ito kaysa umasa siya ng mas matagal na panahon sa wala.

"HIndi ko kaya."

"Kayanin mo. Ayoko sayo. Hindi kita kayang mahalin."saad ko saka ko siya iniwan.

End of flash back.
***

"Achilles!"basag ni Aaron sa iniisip ko.

"Okay na? Nagusap na kayo?"tanong sa akin ni Nathanael.

"Okay na. Tara na!"saad ko.

Naglakad na kami papuntang Glitterati Hall.

Nandoon na ang ilan sa amin.

"Kailan ba ang dating nila talaga?"tanong ko.

"Sa sabado."sagot ni Ares.

"Sabado pa pala tapos naghahanda na tayo ngayon. Bakit hindi niyo na lang ipahanda sa iba iyan?"tanong ko.

"Dude, hindi ka talaga nagbabago. Mas maganda kung may effort."sagot ni Xan.

"Alam niyo na ba ang tungkol kay Aphaea?"tanong ko.

Lumingon sa akin ang lahat.

"OO nga noh. Ano ng nangyari sa kanya?"tanong ni Aaron.

"Matagal din nung huli natin siya nakasama."saad naman ni Ares.

"Ano na ba balita sa kanya?"tanong ni Tyson.

Kilala siya ng lahat sa amin.

"HIndi ka na niya ginugulo ah."saad naman ni Aram.

"Ayaw mo nun, ayaw mo sa kanya di ba?"saad ni Ares.

"Wala na siya."biglang saad ni Nathanael.

"Paano mo nalaman?"tanong ko.

Bakit niya alam?

"Nandoon ako sa burol at libing niya."saad nito.

"Kailan pa?"tanong ni Eros.

"Matagal na."sagot ni Nathanael.

"Iyon ba ang sasabihin mo sa amin, Achilles?"tanong sa akin ni Aaron.

"Iyon nga kaso inunahan naman ako ni Nathanael."sagot ko.

Nagtawanan ang lahat.

"Well, ano ba nangyari sa kanya?"tanong ni Aaron.

"Suicide. Sa tingin niyo ba ako ang dahilan kung bakit niya iyon ginawa?"tanong ko.

Natahimik ang lahat.

Alam kasi nilang lahat kung gaano ka adik ng babaeng iyon sa akin.

"You know what, pwedeng ikaw nga ang dahilan pero dude kalimutan mo na. Wala na siya. Give her some peace."saad ni Aram.

This is the lamest and gayest thing I did in all of my life. Iyon ay yung nasabihan ko si Aphaea ng masasakit na salita.

I mean, kung hindi ko siguro siya sinaktan hindi niya maiisipang magpakamatay.

I feel guilty.

Hay bakit ba ang seryoso ng kwentong ito?

"Sa ngayon huwag mo pakaisipin iyan. Marami pa tayong gagawin."saad ni Ares.

"Tama si Ares. Tumulong ka na lang kaya dito?"saad ni Aram.

"Ako sa lights!"sigaw ni Xan.

Tama nga sila.

Magpapakasaya na lang ako.

"May next class pa pala ako, see you later."paalam ko.

"Tignan mo iyon. Daming palusot."saad ni Aaron.

"Hindi ka na nasanay."rinig kong saad ni Ares.

Nagtungo na ako sa last class ko. Well, dalawa lang ngayon ang klase ko.

Isang sobrang agang klase at isang pahapon na klase.

Haba nga ng vacant.

-_______- Buwisit may klase. Buti naalala ko, hindi na ako maglilinis sa hall.

HAHAHAHAHAH ^_______^

Sa laboratory nga pala ako ngayon.

Ang drama talaga ng college.

"Hoy Thalia Andromeda! Nagdedaydream ka na naman."saad ko.

Namamaga pa din ang mga mata nito.

Seatmate ko din pala siya dito sa klase na ito.

"Pasalamat ka mabait ako. Hindi kita pinatalsik sa academy na ito."dagdag ko.

"Wala akong paki. Iyon nga ang gusto ko. Ang umalis dito, kung pwede lang sana."sagot nito. "Buti nga naisipan ko pa pumasok ng klase ngayon after ng nangyari kanina."

"Alis." bigla niya akong tinulak.

Tinignan ko siya ng masama.

Wala pang nakakatulak sa akin maliban sa mga kaibigan ko.

"Since kayong dalawa na lang ang walang partners sa class natin, kayo na lang ang magpartner." Nagtilian naman yung mga babae sa kaklase namin.

Buwisit! Kami pa ang ginawang partner.

"I'm so inggit."rinig kong sabi ng babae sa likuran ko.

"Shut up!" saad ni Thalia sa mga kaklase namin.

"Ayokong maging partner ka."sabi ko naman sa kanya.

"As if gusto kong maging partner ka!"sagot niya sa akin.

Sinimangutan lang ako.

Swerte na nga niya na isang Achilles Tymon Harris ang makakapareha niya. Tsk.

"Wala bang ibang reaksyon na lalabas sa mukha mo?!"tanong ko.

Makasimangot wagas.

Buong period kaming nagawa ng experiments.

"Hoy tumulong ka nga. HIndi iyong nakatunganga ka lang diyan."mataray na sabi ni Thalia.

"Kasalanan mo naman."

"Kasalanan ko pa? Kapal ng mukha mo!"

"Kasalanan mo."saad ko.

HInagisan niya ako ng isang liquid doon na nakalagay pa sa tube.

"Hey! Huwag ka ngang mambasa!"sigaw ko.

"Anong nangyayari dito Mr. Harris?"lapit sa amin ni MIss Potter.

"Siya kasi binasa ako gamit ang liquid na iyon!"sagot ko.

"Maam kasalanan naman niya. Ayaw niyang tumulong sa akin."saad naman ni Thalia.

"Both of you go to my office after this class."saad ni miss Potter.

"Kung hindi ko lang alam na may lahing Harry Potter itong si Miss Potter hindi ko siya susundin.

Buwisit!

Imbis na maaga makakauwi.

"Kasalanan mo."saad ko kay Thalia.

Psh.

After ng class ay dumeretso na ako sa office ni Miss Potter.

Nandoon na si Thalia.

May ninja moves ata ang babaeng ito.

Halos sabay naman kami lumabas ng laboratory.

Umupo na ako sa tapat ni Thalia.

"Pareho ko kayong paparusahan.Ayoko ng maingay sa klase ko."nakataas kilay nitong sabi.

Hindi ba nababa ang kilay nito?

Mukhang drawing lang.

"Pero miss."

"NO BUTS, miss Walker."

"Eh ano po ba ang gagawin namin?"

Paguusap ng dalawa.

Hindi na ako sasabat.

"I want you to clean the wash room in the gymnasium."saad ni miss Potter.

"WHAT? Miss iba na lang. Ang laki-laki ng wash room ng mga players. Hindi namin kayang dalawa iyon."sabat ko na.

No way!

Kung anong iniiwasan ko. Iyon ang napuntang parusa sa akin.

Kasalanan ng babaeng ito.

"Iyon ang pinagagawa ko at iyon ang gagawin niyo. NOW!"sigaw ni miss Potter.

"Ngayon?" O___O

"Ngayon."saad ni miss POtter.

Dinilaan ako ni Thalia.

Aish. Parang bata.

Tumayo na ako at pareho na kaming pumunta sa wash room sa may gym.

"Kasalanan mo. You jerk!"saad ni Thalia.

"Whatever,bitch."saad ko naman.

"I'm not a B--."saad nito.

"Oo. Hindi ka maliit na tuta."saad ko naman. -________-

Bitch is a female canine animal, especially a dog according to my dictionary.

Tsk!

Kinuha na namin ang mga panglinis.

Nakakainis. Kahit kailan hindi pa ako naglinis ng ganito.

May mga katulong naman. Bakit hindi sila ang maglinis nito?

"Paano tayo magsisimula?"tanong ko. ANg lawak lawak ng wash room na ito.

Nakakainis.

"No one likes cleaning the bathroom, but by keeping up with it, the job becomes much less painful."saad ni Thalia habang binabasa ang kung anumang nakasulat sa phone nito/

"Ano naman iyan?"tanong ko.

"Steps how to clean the bathroom. Hay nakakainis. Bakit kasi ikaw ang nakasama ko dito."angal nito.

"Basahin mo na lang iyan."utos ko.

"Psh. Step 1 Remove all the items that don't belong in your bathroom. Take out everything that doesn't belong."basa naman nito.

"Don't belong. Ikaw, you don't belong here!"saad ko.

Bigla naman itong nagalit at hinagis sa akin ang isang basang tuwalya na nakasabit.

Eww.

"Kanina ka pa nambabato ha. Paiyakin ulit kita eh."sabay bato ko pabalik.

Hindi na ito gumanti. Tama lang iyon.

Sinimulan na namin ilabas ang mga wala ng kwentang gamit tulad ng wasak na basahan mula sa wash room.

"Step 2 Pour some bleach or another disinfectant into the toilet bowl."saad ni Thalia.

Tinignan niya ako.

"WHAT?"saad ko.

"Ikaw maglagay ng disinfectant sa toilet bowl!"utos nito.

"Hindi kita boss!"sagot ko.

"HIndi din kita boss. Gawin mo na lang para matapos na ito."sigaw nito.

Nakakainis. Pasalamat siya gusto ko na ito matapos.

Kinuha ko ang disinfectant at binuhos sa toilet bowl.

Kadiri.

"Put the toilet brush inside the bowl, helping to sanitize the brush for cleaning."saad pa ni Thalia.

Alam ko na.

Tsk.

Pinunas punas ko ang dulo ng brush sa loob ng toilet bowl.

Hollah natanggal ang dumi.

Haay kailan ba ito matatapos?

"Make sure the floor is open and the fan is on to ensure proper ventilation." binuksan ni Thalia ang pintuan at maliliit na bintana ng wash room.

Natapos na ang ginagawa ko.

Madumi pa din tignan ang wash room.

"Clean cobwebs in the corners of the bathroom, and brush other dust and dirt directly onto the floor to sweep up later."saad ni Thalia.

Inabot niya sa akin ang phone niya at siya naman ang nagwalis ng dumi sa sahig.

Tinulungan ko na siyang kuskusin ang sahig pagkatapos niyang magwalis.

Pati walls ng wash room ay kinuskos namin.

Grabe nakakadiri. Nakakapagod.

"Argh! Ang dumi naman ng tubig."pansin ko sa isang timbang tubig.

Binuhat ko ito para itapon kaya lang nadulas ako.

Natapon ng di oras ang tubig kay Thalia na nasa harapan ko ngayon.

"So-HAHAHA nakakatawa kang tignan."imbis na magsorry ako ay natawa ako sa itsura niya.

"Ano bang ginagawa mo?"galit na tanong nito.

"Itatapon ko sana ito kaya lang di ko naman sinasadyang madulas."pinipigilan ko na ang tawa ko.

Inagaw niya ang baldeng hawak ko at hindi ko inaasahan ang sunod niyang ginawa.

"Bakit mo ako binasa?"tanong ko.

"Para fair!"

"Tsk."

"Kasalanan mo ito eh, ayan tuloy pupunasan pa natin ang sahig dahil sa kagagawan mo.Patapos na sana eh."mataray nitong sabi.

"Hindi ko nga kasi sinasadya."saad ko.

Kulit ng babaeng ito ah.

Mas basa ako sa kanya dahil binuhos niya sa akin lahat ng tubig na laman ng balde.

Lumapit ako sa kanya at niyakap siya.

"Kyaaaah mas binabasa mo ako! Pwede ba!Bitawan mo ako!"sigaw ni Thalia.

Nilayuan ko na siya at binigay ang winning smile ko.

"Para fair. Huwag ka ngang kiligin."natatawang sabi ko.

"Psh. Mukha mo, ako kikiligin. Ulol ka,"sagot nito.

Pinunasan na namin ang sahig.

Grabe, pagod na ako.

Natapos na namin linisin ang wash room.

Nakapagmop na kami.

Napunasan na ang salamin.

Last na ito. Hindi na ito mauulit.

Lumabas na kami.

"Tandaan mo nakakainis ka."saad ni Thalia saka naglakad palayo.

Kapal ng mukha ng babaeng iyon.

Nakakainis din naman siya.

Napatingin ako sa damit ko.

And dumi.

"Hoy sabay tayo maglakad!"sigaw ko.

Tumakbo ako palapit kay Thalia.

Sabay na kaming naglalakad.

Nakasalubong namin si Miss Potter.

Sa lahat naman ng makakasalubong siya pa.

"Mukhang natuwa kayo masyado sa pinagawa ko."saad nito.

Tumigil naman kami sa paglalakad.

"Tapos na po miss. Uuwi na po kami."saad ni Thalia.

"Sige na. ANg dumi-dumi niyo."natutuwang saad ni Miss Potter.

Naglakad na ulit kami.

Pinagtitinginan kami ng mga nakakasalubong namin.

"Ang HOT pa din ni Achilles kahit basang basa na siya!!"irit ng mga babae.

"I love you, Achilles!"

"I love you. I love you. neknek nila."rinig kong sabi ni Thalia.

"Nagseselos ka?"tanong ko.

Ngumiti ako ng nakakaloko.

Tinignan niya ako ng masama.

"Hindi. Ako magseselos dahil sayo? Nagpapatawa ka ba?"natatawang sagot ni Thalia.

Seriosly, she's getting in my nerves!

Inheritors AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon