Chapter 23 ACHILLES-THALIA DATE

5.3K 90 5
                                    

*Thalia's POint of view*

"ANO?"nagulat na tanong ni Ariadne.

O.A. talaga ng best friend kong ito.

Kinuwento ko kasi sa kanya na naging mabait sa akin si Achilles.

"Mukha bang imposible? Pero totoo"sabi ko.

"O______O Baka..."

"Baka ano?"tanong ko.

Napaisip ito.

"Ahuh! Talo siya!"biglang sigaw ni Ariadne.

"Sinong talo? At saan talo?"biglang lapit ni Nathanael.

"Wala. Girls talk to!"saad ni Ariadne.

"Damot,"sabi ni nathanael saka lumayo ulit sa amin.

"So ano ibig mong sabihin sa talo?"tanong ko.

"Pagong ka pala eh, ang slow mo. Talo siya kasi gusto ka na niya. DI ba iyan naman ang plano mo. Ang mahulog siya sayo."saad ni Ariadne.

"Asa. Baka kasama lang yan sa plano niya na magpanggap na gusto niya ko. Alam naman na niya na lahat ng plano ko."sabi ko.

"Hmm may point ka."saad ni Ariadne.

"Kakain pa ba kayo o hindi? Lalamig na ang mga pagkain!"tawag ni Nathanael.

"Nandyan na!!!"sigaw ko.

Tumakbo na kami ni Ariadne tungo sa kusina.

Naabutan namin si Nathanael na naka apron pa.

"Ikaw nagluto?"tanong ko.

"Oo naman.Habang hindi niyo ko sinasali sa usapan niyo naisipan ko magluto."sabi ni Nathanael.

*Achilles' Point of view*

Kailangan ko ng balita.

Pumayag kaya si dad?

Pero ilang linggo o buwan o taon ang inaabot kapag ganung deal lang.

Ayaw pa naman ni dad ang ganun.

Kapag hindi pumayag si dad,aalis ng academy sina Nathanael at Thalia.

Hindi iyon pwede mangyari.

Kailangan ko agad makaisip ng paraan.

Inheritors AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon