THE END

5.3K 82 5
                                    

HAPPY ENDING or NOT??



Hindi sa lahat ng kwento ay masaya.


May Happy Ending at may hindi.


At hindi ibig sabihin na kapag happy na, end na.

Sabi nga nila, hindi totoo ang fairytale kasi tayo mismo ang gumagawa ng sarili nating ending ma pa happy man o hindi.


Lahat ng nangyari sa akin sa loob ng Academy..


Lahat sinulat ko at pinasa sa isang publishing house.


HIndi ko akalain na magugustuhan nila.


Nakakatuwa kasi may nagbabasa.


Ang masasabi ko lang sa lahat ng mga nangyari..


Hindi na ako normal.


At simula ngayon hindi ka na din normal.


Simula ng pumasok ka sa mundo ko.


Hindi naman kita tinatakot kasi natapos mo na siya.


Ang mga estudyante dito ay may tinitingala sa lahat, ang GLITTERATI BOYS.


Sila ay Gwapo, sikat, mayaman at maangas.


Yan ang masasabi ko sa grupo ng lalaki sa academy.


Ako? Simple lang pero nagbago ako dahil sa isa sa kanila.


Dahil kay Achilles. Ang lalaking nagpagulo ng buhay ko.


Pero minahal ko siya. Mahal na mahal.


Na parang sasabog na ang damdamin ko.


Daig pa ang fireworks sa pagsabog nito.


Sabi nga nila, HIndi naman masama magmahal.


Ang masama ay ang magalit sa taong hindi mo naman lubusang kakilala.


Masama maghiganti.


Masama manggamit.


Pero kung ako ikaw, anong gagawin mo kung nahulog na ang damdamin mo sa taong pinaghihigantihan mo?


Lalo na at palpak lahat ng plano mo?


Katulad ko. Palpak lahat ayun nadapa ako.


Nahulog ako.


Nasugatan, nasaktan...

Inheritors AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon