Reflection 5

18.4K 425 280
                                    

“How can I remember to forget,

When my heart just won’t let me

Make myself unlove you,

Tell me that it’s not true.”

                                -How can I remember forget?.

Reflection V

 

-Jade-

                Regret?.

                Iyon na yata ang pinakamasakit na nasabi ni Ryan sa akin. For me our memories are the source of my strength. That’s why I keep on pushing him on and on, that’s why I can face him head on, that’s why I can still endure the pain…

                Pero ngayon na sinabi nya sa akin ng harapan na ‘pinag sisihan’ nya ang mga panahon na yun para akong  nabasag na salamin. Suddenly, the world crumbled on my feet, the sun stop shining at the east, and my favourite roasted turkey taste like a FEET to me!!. (Ok, so maybe walang koneksyon ang turkey meat sa pag guho ng aking daigdig.)

                But it does not mean na susuko na lang ako ng ganoong kabilis diba?. I can still fight on!. Sabihin na lang natin na nawala ang first and second layer ng ‘guts’ ko sa sinabi nyang: ‘Why did I fall inlove with you?’, ‘I’m regretting those times’ ‘Saan napunta ang mga panahon na yun?’ ‘Nag aksaya sa isang tulad mo’.

               I told you, mahina ako sa math eh bale – uhm ‘4 freaking jabs’ lang naman ang ibinigay sa akin ni Ryan. If we are in a boxing match siguradong naknocked out na ko sa lakas ng mga suntok nya. (What’s with the comparing Jade?).

                Wala naman, naisip ko lang na mas ok sana kung boxing match na lang ang nangyari eh. I mean, mas masakit pala kapag dumiretso sa puso ang mga suntok, na kahit anong tapang at tatag siguro ng isang tao bibigay at bibigay ka pa rin sa emosyon. I maybe accused as a ‘cattle wrestler’ in high school but guys I am still human.

                So anyway 4 days ko lang namang iniyakan yun, no big deal. Let’s forget about what he said – Pero shit lang ah! Paano ko iyong malilimutan kung pakiramdam ko para akong chinainsaw ni Ryan sa ibat ibang parte ng katawan? – buti na lang talaga at nandito si Baby ko to support me.

                I swear may naririnig talaga akong: ‘Cheer up Mommy’ sa aking tenga tuwing gabi. I know, I know!  It sounds really creepy and take note ‘in English’ pa nya sinabi, pero mas okay na yun diba?. Keysa naman ‘mura’ ang lumabas sa bibig nya dahil naku sinasabi ko sainyo pipiptikin ko sya ng rubber band sa bibig.

                Dahil okay na ko. pumunta ulit ako sa pinagtatrabuhan ni Ryan para well –manggulo at mangulit pero hindi pa man nakakatapak ni dulo ng prada shoes ko sa tiles ng restaurant aba hinarang na agad ako ng security guard.

                “Maam, sorry po nakabanned na po kayo rito.” bungad sakin nung guard.

Infatuation & ReflectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon