Reflection 10

9.4K 252 77
                                    

Reflection X


-Ryan-


"Let's check your BP"


Salubong nasalubong ang kilay ko habang nakatinginsa Doctor na nasa harapan ko ngayon. Kahit na nakangiti pa sya sa akin at mabait ang bukas ng mukha nya hindi ko pa rin maiwasang mabanas.


Siguro dahil hindi ko gusto ang mga tinging ibinibigay nya kay Jade na para bang sila ay 'Best Buddy'?


Or siguro hindi ko lang matanggap na mas gwapo ang Doctor na ito keysa sa akin porket may pagka mestizo?


Ang malala pa nito hanggang ngayon hindi ko pa rin maisip kung paanong ang pangalang 'Jessie Bautista' ay naging isang lalaking OB-GYN?!!


Kinailangan ko pang tumingin ulit sa labas ng pintuan at paulit ulit na basahin ang mga nakasabit na diploma na para bang kapag ginawa ko iyon malalaman ko ang totoong gender nya.


Hinawakan ko ang braso ni Jade ng akmang hahawakan iyon ng Doctor. "Ano sa tingin mo ang ginagawa mo? Bakit mo sya hinahawakan?" halata na iritado ang boses ko.


Taliwas sa inasahan ko kalmado pa rin ang Doctor. "Dahil i-checheck ko ang BP ni 'Jade'. Kung may alam ka pang ibang paraan para ma-check ang BP nya ng hindi sya hinahawakan please tell me."


WHOA! WHAT? 'JADE'? First name basis na sila ah! "Why in hell would you do that?"


"For the obvious reason na gusto kong malaman kung normal ba ang BP nya para maiwasan ang mga komplikasyon. Dahil natural na mataas ang Blood Pressure ng mga buntis pwede silang ma-eclamsia lalo na at eighteen years old pa lang si Jade. Kung sobrang baba naman -"


BLAH BLAH BLAH!...


"I dont care about that! Bakit lalaki ang OB dito?"


The Doctor smiles "Dahil 'lalaki' ako."


Sasagot pa sana ako ng hilahin ni Jade ang braso mula sa aking pagkakahawak. "Enough! kung ayaw mo sa OB ko pwede ka ng lumabas." Labag man sa loob ko tumahimik ako sa isang tabi.


Since then hindi na ko umimik kahit ng hawak hawakan nito si Jade sa braso, sa kamay, sa tiyan at pahigain sa bakanteng higaan at silipin ng putris na Doctor ang kaselanan nya – I DID NOT REACT! Hindi ko sila pinakelaman!


I am cool...


Pero kung lilingunin ako ng Doctor malalaman nya kung ilang mura na ang nasabi ko sa isip at kung ilang buni na ang hiniling kong tubuan sya. Kanina ko pa din sya tinitira ng imaginary shotgun para mabutas ang ulo nya.


By the time he finished inspecting 'her' thing. SEVEN FEET BELOW THE GROUND na ang nahuhukay kong paglilibingan nya. And I promised to myself na hinding hindi na ulit kami babalik sa clinic na ito.

Infatuation & ReflectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon