Reflection 15 (finale)

9.2K 228 70
                                    

Reflection XV (The Last Chapter)



-Ryan-



           "Ryan, what if may mangyari sa amin ng Baby ko? At maging 50/50 ang chances na isa lang sa amin ang mabubuhay. Anong gagawin mo?"



            Tiningnan ko sya ng matiim. "Anong klaseng tanong iyan?"



             "I'm just saying."



             Natahimik ako. Hindi ko alam ang dapat isagot. 50/50 CHANCES?! Kahit isipin ang tungkol sa bagay na iyon hindi sumagi sa isip ko. Napalunok ako. "B-Bakit ang morbid mo?"



             "Eh ikaw, bakit nautal ka?" Jade laughed. "What if lang naman ang sinabi ko diba?"



             Kinutusan ko sya ng mahina sa ulo. "Don't joke like that!"



           "Sagutin mo na kasi."



              "Not gonna happen!"  matigas kong sabi.



              If I remember it correctly, this conversation happened two weeks ago. At hindi ko inakala na ang kaswal na pag uusap namin tungkol sa bagay na ito ...ay posible palang magkatotoo.



                I think it's funny how I get in this situation or siguro I did fvcked up kaya pinaparusahan ako ng ganito.



               Maybe if only I didn't treat that conversation as a joke, siguro kahit papaano nahanda ko yung sarili ko. At least may lakas ako to face this crisis:



                Ang mamili sa pagitan ng dalawang taong sobrang mahal mo at timbangin ang halaga nila saiyo....



            Who will I save?



✂❤✂



               Mahigit walong buwan na ang tiyan ni Jade and this month makikita na nahihirapan na syang maglakad at yumuko. Madalas rin nyang pabirong  i-reklamo na hindi na nya nakikita ang paa nya kapag nakatayo at nabibigatan na sya sa 'baggage' na bitbit nya araw araw.



            Sabi ni Doc Jessie it's only natural dahil lumalaki na sa sinapupunan si Baby. Mas mabilis na kasi ang pag grow nito kada lingo.



                That day magkasama kaming nag grocery ni Jade at kahit anong pigil ko sa kaniya na mag stay na lang sa bahay at magpahinga she didn't listened.



                Her reason?



              "Why are you treating me like a kid? Wala pang 15 minutes ang drive from the grocery.  Di'ba nga sabi ni Doc Jessie kailangan ko ding mag exercise. Sawa na kong maburo sa bahay okay? Look at my face. See? See? Noon sing fresh ito ng ubas but now mukha na kong tuyot na pasas!"



                Anyway, wala namang makakapigil sa kaniya kapag ginusto nya ang isang bagay. Well, I'm happy that she's back to normal. Mas sanay kasi ako na ganito sya.



                "Ah! Ryan dali may buy one take one ng tissue!"



              Except for one thing. Masyado syang nahihilig ngayon sa promo and anything that would save up money.


Infatuation & ReflectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon