4

74.5K 1.4K 67
                                    

4

 

-Sofia’s POV-

Kailangan ko pang uminom ng isang shot ng Gin na inabot sa akin ni Rica kanina para ikalma ang sarili. Nasa backstage kami ngayon at nag reready. Sabi ni Rica Special Night daw ngayon dahil may bisita silang celebrities ngayon.

                “Are you sure kaya mo?” worried na sabi sa akin ni Rica.

                Tumango ako kahit nangangatog ang buong katawan ko. “I – I think I need another shot.” Inagaw ko ang gin sa kamay ni Rica at sa bibig na mismo ng bote uminom. Halos mahilo ako sa tapang ng amoy at sa init na pumapaso sa lalamunan ko.

                Exotic Dancing!

                Simple as that, Ganoon lang naman ang gagawin eh.  Natry ko ng kumain ng mga Exotic Foods but never in my wildest dream na itatry ko ang Exotic Dancing. Actually, ngayon ko lang narinig ang salitang yan eh.

                Iyon ang trabaho ni Rica na sinabi nya sa phone kanina. Buti na lang talaga at nagkulang sila ng Dancer ngayong gabi dahil kung hindi malabo nilang tanggapin ang isang babaeng katulad ko na wala namang experience sa mga ganitong bagay.

                Alam ko na ang step at routine. Mabilis naman akong mag memorize ng step eh kaya madali nila kong naturuan. Ang problem lang wala akong sapat na kapal ng mukha at tibay ng sikmura.

                Napaubo ako ng sunod sunod, It feels like the gin is burning my throat. Hinimas ni Rica ang likod ko. “Dahan dahan lang Sofia baka malasing ka nyan at hindi ka na makasayaw mamaya.”

                “I-I know.” I took a long deep breath. Please tumalab ka na! Pamanhidin mo na ang buong nerve cells ko. Yeah, I am totally looked like a lunatic right now. I cannot believe na magmamakaawa ako sa isang alak?.

Ang totoo nyan desente naman ang mga babaeng nag wowork dito. I mean hindi sila yung tipong nagpapalabas sa mga customer. Maliban na lang kung yung mismong babae ang pumayag na maitake out.

Infatuation & ReflectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon