5

74.7K 1.3K 67
                                    

5

 

-Sofia’s POV-

                He’s the worst guy!.

Wala pa rin syang pinagbago. He still has those hideous attitude!’. Napakayabang nya!. Pakiramdam nya pag aari nya ang buong mundo at kaya nyang paikutin ang lahat sa kaniyang mga palad. Bakit hindi na lang sya magtapal sa noo nya ng signage na ‘I am the King! Obey me!’ much better kung gagawin nya iyon with neon colours for good effect.

He’s making me sick!.

He think na he is so fucking great! Kaya malabo syang magkakamali.

ARGH! I HATE HIM SOOO DAMN MUCH!.

Pagkatapos ng eksena kanina which is the ‘Sampal scene’ sa backstage ako dumiretso. Nakita ko sa ibabaw ng make up table ang gin na iniinom ko kanina. I grabbed the bottle and drink from it.

“Sofia?”

“What?.” Singhal ko sa bagong dating.

Rica step back a little ng makitang wala ako sa mood. “whoa! Chill. Hindi ako ang kaaway.”

                “Sorry Rica – I just – damn!” uminom ulit ako mula sa bote. Hindi pa rin tumitigil sa panginginig ang aking katawan. “I am in a mess. Sorry kung nasigawan kita.”

                “Uh, may kinalaman ba ito doon sa cute guy na sinampal mo?”

                Tiningnan ko sya na parang tinubuan sya ng dalawa pang ulo sa leeg. “Nagpapatawa ka ba?”

                “Jeez, Sophie bulag ka ba?. Ang gwapo kaya nya. Nakita mo ba ang dimples nya sa kaliwang pisngi. Oh god! para akong natutunaw.” Napasapo pa sya sa magkabilang pisngi na parang babaeng nawala sa sarili.

Seriously Rica?. Pati ikaw nagawang maloko ng ungas na iyon. “Gwapo? Aanhin mo ang gwapo kung maitim naman ang budhi.”

Rica raised an eyebrow. “I think concern lang sya sayo?”

“Concern?. Narinig mo ba ang mga pinagsasasabi nya sa akin?. He insulted me!. Kulang na lang sabihin nyang pokpok ako – err sorry Rica it is not my intention to offend you.”

Nagkibit balikat lang ito. “Hindi naman maiiwasan na ganiyan ang isipin ng mga tao sa mga tulad namin. But anyway, enough with  me, bakla ka! hindi ko akalaing close pala kayo ng special guess natin. Ang dami tuloy nagrerequest sayo na ikuha mo sila ng autograph.”

“Rica, hindi kami close!. Si Jade yung twin sister nya ang bestfriend ko. Saka malabo kaming magkasundo. If i see him again hindi lang sampal ang makukuha nya sakin I will punch his stupid face!”

Infatuation & ReflectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon