Reflection 11

9.2K 258 74
                                    

Reflection XI

-Ryan-

     "Breakfast is ready!" Malalanghap ang mabangong amoy ng mga pagkain mula sa kusina. As always niluto ko ang mga paboritong pagkain ni Jade and this time tiniyak kong less calories iyon at healthy for a pregnant woman.

     From my peripheral vision nakita kong nakatayo si Jade sa entrada ng kusina. She's wearing a big sport shirt na may nakasulat na 'New York Yankees'. Not that I hate it, pero mas bagay sa kanya ang mga Shirt ko ... well, for the main reason na mas nagiging attractive sya sa paningin ko?

     "Why are you here?" walang bahid ng emosyon ang tinig nya. Hindi galit pero hindi rin naman kalmado.

      "Uh, dahil naghanda ako ng breakfast?"

     "Ang gusto kong malaman ay kung paano ka nakapasok sa loob."

     "Kilala mo si Erica yung may ari ng katabi nating Unit? Pinakiusapan ko sya na kung pwedeng gamitin ang veranda nya para makatawid ako dito dahil alam ko na may habit ka na hindi naglo-lock ng bintana sa kwarto.  And yes nagpaka 'spiderman' ako kagabi thanks for your concerned."

    To tell you frankly, I FREAKED OUT!

     La-di-freaking-da! It almost caused my life!

     Isipin ko pa lang na tumutulay ako sa gilid ng pitong palapag na building ng walang suot na harness.... Shitty Shit, I almost wet my pants.

     "Ryan, wala ka ng babalikan pa dito. Nakuha mo na ang mga gamit mo."

     "Correction yung mga gamit ko at damit na 'sapilitan' mong itinapon sa labas kahapon? Prente na sila ngayong nakatupi at nakasalansan sa aparador ng kwarto."

     Pagbalik ko dito sa Unit kahapon after nya akong iwanan sa clinic. Nakita ko na lang na nakakalat sa labas ng pintuan ang mga damit at personal na gamit ko. At kahit anong katok at pagmamakaawa ang gawin ko na bigyan nya man lang ng masisilungan ang mga gamit ko hindi nya pinakinggan!

     Muntik pa kong ma-heart attack ng hindi sinasadyang matapakan ang kanang kamay ni Daimos na isa pa man din sa pinaka mamahalin kong action figure!

     What a cold hearted pregnant woman!

    "Come and eat" inalalayan ko sya at pinaupo sa kabisera. Siniguro ko din na komportable sya sa kinauupuan. Hindi ako tumabi sa kanya para sabayan syang kumain. I stand beside her like a butler na handang sundin kahit ano man ang ipag utos nya.

     Hindi pa rin nagbabago ang ekspresyon sa mukha ni Jade– which is a disappointment in my part. I am willing to give everything within my power just to see one single smile from her... just one smile.

     It hurt me seeing her like this and it kills me every damn second!

     Pinilit kong pasiyahin ang sarili "Look what we have here." Inilagay ko ang kanang kamay sa gilid ng tenga nya at pinitik ang mga daliri. Just like a professional magician bigla na lang may lumitaw na isang pulang rosas sa aking kamay.

      Who am I kidding? Kinuha ko lang naman iyon sa sandalan ng kinauupuan ni Jade na patago kong idinikit ng scotch tape.

     "A rose for my rose..." inabot ko sa kanya ang bulaklak na tahimik nyang kinuha.

     Matagal nyang pinagmasdan ang hawak na rosas bago "Y'know, you don't have to do this" hindi sya nag angat ng paningin. "I'd already forgiven you. Hindi mo na kailangan gawin pa ito para ipakitang nag-sosorry ka."

Infatuation & ReflectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon