Reflection 13

7.6K 283 94
                                    

"I know if I could find the words
To touch you deep inside
You'd give our dream just one more chance
Don't let this be our last good-bye. . ."

-Only Love



Reflection XIII



-Ryan-



            Itinabi ko ang kotse sa tabi ng daan. Dahil malakas ang ulan kahapon nagpalipas kami ng isang buong gabi ni Jade sa Hotel. Nakapag check out lang kami kinabukasan.



            "Nasaan tayo?" tanong ni Jade.



            Tiningnan ko sya ng mataman "You don't remember?" Bumaba ako ng kotse at pinagbuksan sya ng pinto. Inalalayan ko sya palabas.



               Jade thought that this place looks familiar. May nakita syang playground na malapit sa isang Nursery School kaya may ilang bata ang naglalaro doon. That's when it hit her. Ah yes, ito yung eksaktong lugar kung saan dati nagtapat sa kaniya si Ryan. Iyon din ang kauna unahang pagkakataon na nakilala nya ito.



              At first hindi nya matandaan dahil madami ng nagbago sa lugar. Almost five years na rin ang nakakaraan. Sinusundan nya si Chad at Sofia para makiepal sa date ng dalawa and she got lost. Naglalakad lang sya dito habang may kausap sa cellphone ng bigla syang tawagin ng isang patpating binatilyo.



"JADE DELA CRUZ!"



"Huh? Di kita kilala"



"Ryan Samuel, we're schoolmates"



"Anong kailangan mo sakin?"



"P-Please go out with me!" he blushed.



            "Nostalgic isn't it?" I asked Jade. Base sa nakikita ko sa mukha nya mukhang naalala na nya ang lugar na ito. "I asked you out here. You were so scary that time, kaya sobrang kinakabahan ako."



             She gave a faint smile, "Mmn, akala ko pa nga papanawan ka na ng ulirat."



             "Naalala mo pa ba ang sinagot mo sa akin?" I fake a laugh. "Tinanong mo sakin kung anong sized ng paa ko. I was really amazed by your demeanor. Actually, hanggang ngayon wala pa din akong idea kung bakit mo iyon tinanong."




              Nakatingin lang ito sa dalawang bata na naglalaro ng rock, paper, scissor malapit sa maliit na hagdanan ng Slide. Dahil one person at a time lang ang pwede magpa-dulas, ginagawa nila ito para malaman kung sino ang dapat na mauna.




             Witty kids...



             Sumandal ako sa hood ng kotse. "Jade, we are not young anymore. Isa pa magiging magulang na tayo in a few months. I'm also getting tired with our situation." Ngumiti ako ng mapakla. "You are right, paikot ikot na lang tayo. The truth is, nakikita ko na rin ang finish line at the tip of my toe." Nilingon ko sya. "Nakaramdam ako ng takot ....in just one step everything would be over."



            Tahimik pa rin ito.



           "But things are inevitable. We are both trapped  in those painful memories  and it holding us from moving forward." Pagpapatuloy ko. "Kahit na sinabi ko na hindi na tayo mga bata Jade, can we play one last game?"



Infatuation & ReflectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon