CHAPTER 24

2K 74 13
                                    

Imbes na dumiretso sa kanilang honeymoon, sumama muna sina Ate Ria at Kuya Dendi sa aming family vacation sa Palawan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Imbes na dumiretso sa kanilang honeymoon, sumama muna sina Ate Ria at Kuya Dendi sa aming family vacation sa Palawan. Tatlong araw iyon and I enjoyed every minute of it. Well, not exactly. Sobrang miss ko na si JD. Excited na akong umuwi dahil magsasabay kami ni JD na mag-enroll para sa next sem, which is his last one...

Hindi nga lang kami nakarating ng maaga-aga ayon sa plano. Madaling araw na kami nakauwi kaya't late na akong nagising. Mabuti nalang at sinabihan ko siya na mauna nalang if ever hindi ako mag-reply ng morning.

Bandang after lunch na nang makaalis ako ng bahay. Dumiretso ako sa university para mag-enroll. Ang haba ng pila at nakakainip! Gusto ko nang makita si JD...

Ano ba 'tong ginawa ni JD sa akin? Puro nalang ako si JD! Kumakain ako kanina tapos ang iniisip ko, gusto ko nang makasabay kumain si JD.

I hope he's thinking about me all the time too...

Saktong palabas na ako ng admin office nang magtext si JD. Sa mall dapat kami magkikita para sana manood ng sine. A date. An official one. I smiled. I'm too excited!

From JD: Nandito ako sa cafe. Waiting for you ;)

Ngumisi ako. Halos tumakbo ako papunta doon. Nang matanaw ko na ang cafe ay nakita ko rin agad si JD. Sa labas siya nakaupo pero kasama niya ang ilan sa mga Arki fifth years. Nagtatawanan sila napansin ko ang isang babae na panay ang tampal sa braso ni JD.

Inilbas ko ang phone ko para i-text si JD.

To JD: And dami mong kasama. Nandito lang ako sa tapat ng computer shop.

Nakita ko nang ilabas at basahin ni JD ang message ko. Agad niyang ginala ng tingin ang paligid para hanapin ako. Nang magtama ang mata namin ay kumaway ako. My phone vibrated.

From JD: Five minutes, ok lang?

Magrereply na sana ako nang sumigaw ng pangalan ko.

"It's Tita Princess Rachel!" sigaw ni Mimi, na kakalabas lang mula sa cafe. Karga-karga siya ni Kuya JK.

Bumaba si Mimi at hinila ang damit ni JD. "Tita Princess is there!" sabi niya kay JD sabay turo sa akin. Napatingin sa akin ang mga kasama ni JD. Nawalan ako ng choice kundi lapitan sila.

"Hello, Kuya," bati ko kay Kuya JK. Nagpakarga naman agad sa akin si Mimi.

"Tita Princess, when will we watch movie again with Tito?" excited na sabi niya. Literal na nasa tabi lang namin ang table nina JD.

"Dude? What?" tanong ng isa sa mga kasama ni JD. Hindi parin nag-react si JD. Mukhang ayaw niya yatang malaman ng mga kasama niya na ako ang girlfriend niya.

Na-disappoint ako and I tried really hard to ignore their remark.

"Soon, Princess Mimi," sabi ko sa bata. Kinuha ni Kuya JK si Mimi.

IMPONDERABLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon