CHAPTER 15

2.6K 96 28
                                    

Isang subject nalang ang naiwan para sa final exams ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Isang subject nalang ang naiwan para sa final exams ko. Itinuon ko talaga muna ng husto ang atensyon ko sa mga requirements at pag-aaral ko at isinantabi nalang muna ang mga distractions.

So far, I've been doing fine. Iiwasan ko nalang muna ang lahat para narin sa ikakabuti ko. That's the only thing that I can do right now.

Gumising ako ng maaga ngayon, alas tres to be specific, para ipagpatuloy ang review ko. Nagulat ako nang makita ko ang missed call at message galing kay Sean.

'Last day of exams ninyo? Good luck, pumpkin. You can do this!' aniya. Nanlamig agad ang mga kamay ko. Ilang araw siyang hindi magpaparamdam tapos ngayon, magtetext siya na parang wala lang?

Itinabi ko ang phone ko at nagsimula na sa pagbabasa. Pagkaraan nga lang ilang sandali ay nagvibrate ang phone ko. Unregistered number naman ngayon ang nasa caller I.D.

"Hello?" alanganing sabi ko. No answer and I just heard someone breathing heavy on a noisy background. Parang tunog bar o club dahil sa music na naririnig ko.

"It's JD..."

It's been a while since I heard his voice.

"Oh? Bakit?" kabadong tanong ko.

"Rache..." malambing na sabi niya. Nagsitayuan ang mga balahibo ko. Mas lalo kong narealize ang epekto niya sa akin. It's different with Sean and this time, malayong mas lamang si JD.

Mukhang lumabas siya kaya't hindi ko na naririnig ang music sa background.

"Yup, it's me." Ang higpit ng pagkakahawak ko sa phone ko.

"I'm f*cking drunk. Is this really Rachel?" I heard him laugh for a bit.

"Oo nga. N-nagbago ka ng number?" tanong ko pero ibinaba na niya ang tawag.

Ah, lasing nga naman siya. Tapos na kasi ang exams ng higher years kahapon. Sinubukan kong bumalik sa pag-aaral pero napapatingin parin ako ng napapatingin sa phone ko.

Five minutes later, he was calling again, the number JD used.

Nagsalita agad siya nang tanggapin ko ang tawag.

"You irritate me, do you know that? I'm warning you, huwag kang sumama sa birthday ko. Mag-isip ka nalang ng irarason mo sakanila. Just don't go, you fucking irritate me," matigas na sabi ni JD.

Kamuntikan kong mabitawan ang aking phone. Ibinaba ko na agad ang tawag.

I'm stunned, to say the least.

But hey, that was easy. One distraction down, I guess. Pinilit kong ngumiti pero hindi ko namalayan ay umiiyak na pala ako. Hindi nga yata nakatulong ang pag-iwas ko sakanya. Kasi naman, parang mas nangulila pa ako.

IMPONDERABLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon