CHAPTER 14

2.5K 92 39
                                    

Dahil sa acquaintance party ay nakakasalamuha ko na ng husto ang mga classmates ko—purpose served, right? Pero si Charlene lang ang naipakilala ko na kay Lexie dahil nga batchmate rin pala namin siya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Dahil sa acquaintance party ay nakakasalamuha ko na ng husto ang mga classmates ko—purpose served, right? Pero si Charlene lang ang naipakilala ko na kay Lexie dahil nga batchmate rin pala namin siya. Isa pa, napaka-jolly at friendly niya. Minsan ay nanood pa kaming tatlo ng sine.

Inamin din nga sa akin ni Lexie na hindi rin niya maalala si Charlene, kahit na sa pangalan man lang.

"Uuwi ka na?" Sumabay si Charlene sa akin palabas ng campus.

"Dadaan sana sa bookstore. Ikaw?"

"Pupunta sa JK's cafe. Magpapaturo kasi sana ulit ako kay JD. Buti ka pa, naiintindihan mo ang mga lessons natin lately," aniya. Napahinto ako. JD? Ulit?

"Ah, hindi naman."

"Naalala mo 'yung time na hindi natuloy ang isang groupwork natin? Napatambay ako sa cafe tapos nandoon si Kuya JD. Lumapit ako at humingi ng advice dahil higher year naman siya. Tapos ayun, parang tutor ko na tuloy siya! Ang talino at hot niya, grabe! Oo nga pala, nasa labas na daw pala si Lexie. Wala raw kasi silang instructor para last subject nila," patuloy niya.

Huh? Hindi ako itinext ni Lexie.

"Ah." Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa nakita nga namin si Lexie. Agad siyang lumapit at umakbay sa aming dalawa.

"Nakita mo na ba 'yung bagong collection ng XStyle?" tanong ni Lexie kay Charlene. Tuloy-tuloy na silang nag-usap at nauuna sila sa paglalakad. Wala talaga akong ideya sa mga pinag-uusapan nila minsan. Maya-maya ay nilingon ako ni Lexie.

"Rache, ang bagal mo naman maglakad!" aniya.

"Mauna na kayo sa cafe, may naiwan ako sa locker ko," rason ko bigla. Sabay silang nag-Okay saka nagpatuloy at hindi na nagtanong pa. Napabuntong hininga ako habang pinapanood silang dalawa. Hindi ganyan ang usapan namin ni Lexie. Boring nga kasi ako. Ilang beses ko na ring gustong mag-open up kay Lexie pero hindi ko magawa. Matalik niyang kaibigan si Sean at pinsan naman niya si JD.

"Anong tinitingnan mo?" Sumulpot si Dean sa tabi ko.

"Mga dyosa," napangiwi ako. Gusto ko nang umuwi at matulog muna.

"Let's grab some fresh air." Pumara si Dean ng taxi at hinila ako pasakay sa loob. Nawalan ako agad ng oras para humindi!

"Ha? Saan tayo pupunta?" tanong ko.

"Some place you can vent," aniya saka natahimik na.

Ten minutes later, huminto ang taxi sa harap ng malaking parke. Pinaghintay niya ako sa isang bench. Bibili lang daw muna siya ng drinks. Habang mag-isa ako ay nagvibrate ang phone ko. Si JD ang tumatawag. Hinayaan ko lang ito pero tawag parin siya nang tawag. I just stared at my phone.

IMPONDERABLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon