CHAPTER 11

2.7K 88 18
                                    

Final term na kaya naman ay puspusan talaga ang puyat

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Final term na kaya naman ay puspusan talaga ang puyat. Kaliwa't kanan ang requirements namin at kailangan ko talagang pataasin ang grades ko. Kaya naman, sa sumunod na dalawang linggo, sa library ako naglalagi sa tuwing break. Sa text ko na rin nakakausap si Lexie. Minsan, nagkakasabay kami tuwing lunch at bukod dito ay wala na.

I also wanted to think that Sean and I are okay. Napapadalang na ang usapan namin. Alam ko din naman na busy siya kaso lang nag-deactivate siya ng Facebook at halos 'di na nag-oonline sa Skype. Hindi ko na rin nakausap ng matagalan si JD pagkatapos ng gabing iyon sa apartment niya. Nagtatanguhan lang kami kapag nagkakasalubong kami sa kahit na saan—which is really working for me.

Ang dami kong iniisip pero dapat kong priority ang grades ko. Mabuti nalang at may kaunting break kami ngayon dahil sa acquaintance party bukas. Vintage pa ang theme kaya nandito ako sa mall para maghanap ng maisusuot.

Kakapasok ko lang sa isang shop nang may makita ko si JD na naka-upo sa may waiting area.

"No way," nasabi ko tuloy nang malakas. Nag-angat ng tingin si JD.

"Oy, Binibining Mallarde, anong ginagawa mo dito?" tanong at lapit niya sa akin.

"Naghahanap ng vintage outfit. Ikaw?" sagot ko. Tsk, sana nagpaalam nalang ako agad.

"May sinamahan lang." Kumindat pa siya. Mula sa isang changing room ay may lumabas na isang babae at diretso siya sa tabi ni JD.

"How about this? Don't you think it's a little bit too much?" direkta ng babae kay JD. I'm guessing her 'too much' is the equivalent of 'half of my boobs are showing'. Napangiwi ako nang 'di sinasadya.

"Everything you wear will really be too much because you're so beautiful. Kahit basahan pa 'yan!" sagot ni JD. Namula agad ang pisngi ng babae. Yuck! Napasinghap ako kaya naman napansin narin ako ng babae.

"Who's this?" the girl asked.

"Actually, kapatid ko. She came to get me. May emergency kasi sa bahay. Don't worry, bagay sa'yo lahat ng isuot mo," nagmamadaling sabi ni JD bago niya ako inakbayan at pinaghahatak palabas ng boutique.

"Hoy!" pigil ko kay JD pero talagang kinaladkad na niya ako.

"Save me, just this once," bulong niya sa akin.

"Mula sa isang babaeng maganda parin kahit magsuot pa ng basahan?" mapang-asar na sabi ko. Binitawan niya ako nang makasakay na kami sa escalator. Umakyat siya isang baiting mula sa akin para lang batukan ako.

"Ouch!" daing ko agad.

"Sira, natalo kasi ako sa isang pustahan. Buti sana kung pera ang penalty. Not this, a date with his sister na patay na patay sa akin." He smirked.

"Mukhang proud ka naman pala. Pero bakit mo tinakbuhan?"

"Mas gusto ko kapag ang date ay sa mga tago at madidilim na lugar. Hindi 'yung taga-hintay sa higit sampong shops," nakangising sabi niya.

IMPONDERABLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon