CHAPTER 16

2.2K 82 29
                                    

Mula kagabi hanggang  ngayong araw ay nagkulong ako sa kuwarto ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Mula kagabi hanggang ngayong araw ay nagkulong ako sa kuwarto ko. Sa tuwing naalala ko ang nangyari sa faculty, ang pag-iwas ni Sean sa akin at ang mga sinabi ni JD ay naiiyak ako. Minsan nagsisisi ako na naging kami ni Sean.

Alam kong minadali ko ang lahat dahil baka makawala ang chance na iyon sa akin. Gusto ko ring sisihin si JD dahil ang bait niya sa akin noon pa man. Sigurado akong siya ang tinutukoy nila sa report na pinagpapagawhan ko ng reports ko.

I don't know how to fix this.

"Hindi ka ulit kakain?" sabi ni Ate Ria. Lumabas ako mula sa comforter ko at saka umiling.

"Hindi ba dapat tulog ka dahil may pasok ka mamaya?" tanong ko nalang.

"Aba, wala ka talaga sa sarili mo ano? Sinabi ko kaya kagabi na nagresign na ako. Nagluto ako ng spag kaya halika na." Hinatak niya ako patayo. Tinatamad akong sumunod sakanya. Pagdating sa kusina, siya na mismo ang kumuha ng pagkain ko.

"What's bothering you?" tawag pansin niya sa akin.

"Natatakot akong gumawa ng desisyon ngayon dahil baka mali ulit ang mapili ko," mahinang sagot ko.

"Kaya mas mabuting takbuhan mo nalang ang lahat?"

"No. I mean, delay it maybe."

"Rache, sa tingin ko ay may desisyon ka na. What you're really afraid of right now is rejection. Kapag pinatagal mo pa ito nang pinatagal, ikaw din lang ang masasaktan, don't you think?"

"I guess..so." Yumuko ako sa mesa. Nakaka-frustrate naman.

Nag-usap pa kami ni Ate at gumaan kaunti ang loob ko dahil naliliwanagan narin ako. Hindi ko na nga lang binanggit ang insidente sa faculty room.

Kailangan ko lang muna ng kaunting space para mag-isip. Masyado na kasing nagiging komplikado ang lahat at tama si Ate, ako ang sobrang nahihirapan.

Let's see:
A) I think Sean wants to break up with me but he's waiting for me to do it instead
B) Hindi ko alam kung ano nga ba ako kay JD
C) I'm in love with JD.

***

Kinahapunan ay lumabas ako para magpapirma ng clearance sa ilang instructors at sa guidance office. Nakasalubong ko pa si Elaine at sinabi niya sa akin na sa tingin niya'y may kinalaman si Charlene sa report tungkol sa akin. Nasira tuloy lalo ang araw ko. If it's Charlene, how will I prove it?

Mula sa school ay tumungo ako sa park para salubingin si Lexie. The moment na nakita ko siya ay nagsimula na akong magkuwento simula sa nang magtext bigla si Sean, ang booty call ni JD at ang posibleng ginawang pagrepot ni Charlene sa akin.

"With that, hindi na ako sumama sa outing," pagtatapos ko.

"Wait a minute. Bakit ka sasabihan ni JD ng ganoon e siya nga mismo ang pasimpleng nag-suggest sa akin na isama ka kahit na for family lang 'yun? Next, Sean's acting suspicious. Nakausap ko siya kagabi at ang sabi niya sa'kin, tatawagan ka niya sooner or later. Don't even get me started with Charlene! Paanong invited siya?!" react niya habang pinapaypayan ang kanyang mukha. Mukhang puputok na ang mga ugat niya o.

"Anong pinag-usapan ninyo ni Sean?" unang tanong ko.

"I guess he's giving you the talk, Rache. Dalawa lang 'yan. It's either he'll say he's sorry at na babawi siya o na gusto niya nang makipagbreak. Handa ka na ba sa dalawa? Kung mag-sosorry siya, tatanggapin mo ba at ipagpapatuloy ang relationship kahit na si JD na ang gusto mo? Hindi sa kinakampihan ko si JD dito pero nakita ko kung gaano nagbago 'yung pinsan ko dahil sa'yo. Minsan pasimple niya akong tinatanong kung bakit hindi ka dumaan sa cafe, kung kamusta ang grades mo o kung nasaan ka. Alam ko na nag-iiwasan kayong dalawa ni JD dahil kay Sean. I can't tell you the details pero mahalaga si Sean kay JD. There was this time na sobrang down si JD at si Sean lang ang nakatulong sakanya para mabuhayan ulit ng loob. Something like that. Sorry, it's not my story to tell," litanya niya.

Natahimik ako saglit para mag-isip.

"Okay, sasama ako sa outing para patunayan sa sarili ko na handa ko nang pakawalan si Sean para kay JD, even if that old guy rejects me."

"Don't think ahead. If he rejects you, ask him to explain. He clearly likes you. Mukhang kayong dalawa lang ang hindi pa nakakarealize niyan." Ngumiti si Lexie.

"Thanks, Lexie." Niyakap ko siya ng sobrang higpit. Ipinagpatuloy namin ang usapan patungkol kay Charlene. I won't let her off in case she really crossed the line.

Pagkauwi ko ay ipinaalam ko agad kay Mama ang overnight trip. Pumayag siya dahil kasama ko naman daw si Lexie at JD. Malaki narin talaga ang tiwala ni Mama at Ate kay JD. Hindi rin naman kasi sikreto sa kanila sa kung ilang beses na akong tinulungan ni JD.

Nakakatawa dahil dati, halos hindi ko pa lingunin si JD. Kumbaga noon, para sa akin ay isa lang siyang extra sa background. Pero ngayon, I want him to be the leading man. That he's going to be the prince to come sweep me off my feet.

---

IMPONDERABLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon