CHAPTER 5

3.2K 100 9
                                    

It has been grueling and stressful but finally, midterms are over! Ibinalik narin sa amin ang karamihan sa mga plates namin at sobrang nanlulumo ako dahil sa bagsak na scores ko sa ilan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

It has been grueling and stressful but finally, midterms are over! Ibinalik narin sa amin ang karamihan sa mga plates namin at sobrang nanlulumo ako dahil sa bagsak na scores ko sa ilan.

Next week pa ang exam nina Sean kaya naman lately ay once or twice na kami nag-uusap sa text. Naiintindihan ko naman 'yun dahil kahit kain nga minsan ay nakakalimutan ko rin.

Maingat din ako para maiwasan ko si JD. Minsan kasi ay bigla niya akong tinatawag sa hallway, kinakawayan, o 'di kaya ay inaasar ng walang dahilan. Ang weird lang talaga. Alam kong may klase 'yun ngayon kaya malakas ang loob ko na pumunta ngayong break sa cafe ng Kuya niya.

Nag-order ako ng kape. Mukhang ito na rin ang dumadaloy sa ugat ko. Inilabas ko ang ilan sa mga vellum cartolina na dala ko at tiningnan ang komento ng intructors sa drawings ko.

"Malas mo naman at si Lopez pa ang instructor mo." Umupo si JD sa harapan ko.

"Huh? Wala ka bang pasok?" naiiritang tanong ko.

Kailangan ko na yatang maghanap ng iba pang tatambayan. Siguro'y hindi rin kasi ako sanay sa atensyon na ibinabato niya sa akin sa tuwing nagkikita kami. Pero basta, it makes me uncomfortable for some reason.

"Inaabangan mo ba ako?" nakangising sagot niya.

"Kuya naman, huwag masyadong nag-iilusyon," nasabi ko tuloy.

"Oy, bata, baka iniiisip mong dinidiskartehan kita? Oy,oy!" Tawa siya nang tawa.

"Bata?! Ugh, gurang!" Uminit agad ang ulo ko, epekto narin siguro ng mga nakakafrustrate na scores ko. Parang wala kasi akong improvement since prelims e.

"Kapag nakikita kita, lagi ka nalang mag-isa. Tuwing kumakain, sa library, hallway, name it. It's unlikely for Sean and Lexie to be friends with one. Now, I'm curious," sabi niya bigla.

Naningkit agad ang mata ko dahil sa sinabi niya. Anong gusto niyang palabasin?

"I'm not insulting you or anything. Anong ginagawa mo?" humilig siya para tingnan ang hawak kong plates. Automatic ko itong inilayo mula sakanya.

"Ah, I see. Ilabas mo ang mga gamit mo. Let's start with JD 101. May ituturo ako sa'yo," pautos na sabi niya.

"No, thanks!"

Itatanong ko sana kung ano ang ibig niyang sabihin sa komento niyang parang unusual na kagaya ko ang kaibigan nina Sean at Lexie pero nagsalita siya ulit.

"Kung gusto mong mag-improve 'yang 25 over 70 na score mo—"

"Shh! Bakit kailangang isigaw mo? Ugh!" Ginamit ko ang aking mga palad para itago ang mukha ko. Napatingin kasi ang ilan sa mga katabi naming tables.

"My bad. Akin na nga." Dinampot niya ang pouch ko at tsaka binaliktad ang isa sa mga vellum cartolina.

Nagsimula siyang gumuhit at magpaliwanag tungkol sa kung ano ang nakikita niyang mali sa mga renders ko. Seryoso siyang nagtuturo kaya't inilabas ko ang notebook ko para isulat ang sinasabi niya step by step. Nang mapansin nga lang niya na nagsusulat ako imbes na nakatuon ng husto sakanya ay hinablot niya ang notebook ko.

"Sigurado akong alam mo na 'tong mga pinagsasabi ko. Ang problema, hindi mo inaaply. Dapat balanse ang theory at application. Makinig at manood ka, mamaya, gawin mo, deal?" aniya. Tumango ako.

Amazingly, para siyang ibang tao habang nagtuturo.Sinundan ko ang mga itinuro niya at halos nakuha ko naman ang lahat. Nakita ko ang pagbabago mula sa technique na ginagamit ko at sa kakaturo niya lang.

"You just have to find your own process. Here's my number by the way," sabi niya. Isinulat niya ang number niya sa notebook ko.

May umakbay bigla sa akin. "Bravo! Magaling palang tutor si JD e!" pahayag ni Lexie.

"Yeah. So, coffee is on you," turo ni JD sa akin. Tumayo siya at pumasok sa cafe.

"Promise, kanina pa ako nandito pero parang may sariling mundo kayong dalawa." Umupo si Lexie sa tabi ko at tiningnan ang drawing ko. Parang nang-aasar kaunti ang tono niya. Ibinaliktad ko nalang ang vellum cartolina para ipakita ang score ko.

"Ah. Kailangan mo nga si JD," bumelat siya.

"Sa totoo lang, magaling siya. Nakalimutan ko na si 'JD  the loudmouth' siya," mahinang sabi ko.

"I told you. Sana nga hindi na siya mag-loko."

"Sayang ang talent at galing niya kung sakali," dagdag ko agad. Huminto kami nang makita naming parating si JD. Huh? Wala naman siyang dalang kape. Desidido pamandin akong ilibre siya.

"I'm off," paalam ni JD nang daanan niya kami. Sinundan ko siya ng tingin. Isang babae ang sumalubong at humalik sa pisngi niya.

"Aw, mukhang bagong girlfriend nanaman. Hindi na ako mag-aaksaya ng panahon sa pagmemorize sa mga pangalan nila. Siguradong wala na rin sila in a month or less," komento ni Lexie.

"Hindi ko rin naman tatanungin," sambit ko at tsaka iniba ang usapan. 'Yun nga lang ay napasulyap parin ako sa papalayong likuran ni JD. Just who is this guy exactly? And why am I so curious?

---

IMPONDERABLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon