CHAPTER 10

2.8K 86 34
                                    

Sunod-sunod na yugyog sa aking balikat ang gumising sa akin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Sunod-sunod na yugyog sa aking balikat ang gumising sa akin. Nakatulog pala ako. Nakaupo si JD sa center table nang imulat ko ang aking mga mata.

"Anong oras na?" tanong ko.

"Seven. Ang hirap mong gisingin. Your mom called, I answered," itinuro niya ang phone ko na nasa tabi niya. Nagising ang buong diwa ko.

He answered?!

"B-bakit mo sinagot? Sana hinayaan mo nalang hanggang sa magising ako!" Kinuha ko ang phone pero hindi ko mabuksan dahil may password. Password? Saka ko lang narealize na hindi ito ang phone ko. We even have the same phone now?!

"Kung hindi ko sinagot ang tawag pagkatapos ng pang-apat na ring, sa tingin mo ba'y mapapanatag ang nanay mo?" tugon niya saka ihinagis sa sofa ang phone ko. Ibinalik ko naman sa table ang sakanya.

That was embarrassing. But did he really have to throw my phone?

"Anong sinabi ni Mama?" pahiyang sagot ko. May mga unread messages at missed calls ako mula kina Lexie, Sean at Mama.

"I disguised my f*cking voice! Sinabi ko ako si Lexie. Tsk. Kung ayaw mo dito, ihahatid na kita ngayon sa inyo." Tumayo siya't dinampot ang jacket at keys niya na parehong nakapatong sa isang divider.

"Ininom mo ba 'yung gamot kanina?" I asked. This is me attempting to ease up the tension.

"Yes, mom. Now, can we go? Gusto ko na ring matulog," pabalang na sagot niya.

"Okay, I'll stay here. Ang lakas pa rin ng ulan at mukhang may sakit ka. Delikado para sa ating dalawa. I'll just trust you to keep me safe."

"Hah! Sigurado ka bang hindi kita..." Hatchoo. "Hindi ba ako nakakatakot?" Hatchoo. "I'm more than capable of..." Hatchoo. Tumulo ang sipon niya sa pagpupumilit na tapusin ang kung ano mang sasabihin niya. Dinampot ko nalang ang tissue at inabot iyon sakanya.

Well, that was unattractive.

"Anong klaseng tao nga ba si JD? A) Isang gurang na takot sa kulog at kidlat. B) Uhuging gurang. C) All of the above?" natatawang sabi ko. Napangiwi tuloy siya.

"Who are you and what have you done to Rachel? Tsk."

"This is my alter ego." I grinned. Pareho kaming umupo sa sofa at nagbalot sa kanya-kanya naming kumot.

"Salamat sa pagsagot sa tawag. Sorry sa inasal ko. Magpapaalam lang pala ako ng husto."

Tumayo ako at tumungo sa CR para tawagan si Mama. Isusunod ko na sana sina Lexie at Sean pero nawalan ako ng load! Lumabas ako para sana maki-text kay JD. Iyon nga lang ay nasakto na nagpapalit siya. Wala siyang pang-itaas at naka-pajama lang.

My mouth formed a huge 'O'.

"Rachel, ang normal reaction ay A) Titili B) Lilingon C) Sisigaw ng 'pervert'."

IMPONDERABLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon