CHAPTER 19

2.3K 85 23
                                    

Abala si Ate sa pag-oorganize ng invitation cards nang makapasok ako sa bahay

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Abala si Ate sa pag-oorganize ng invitation cards nang makapasok ako sa bahay. Kausap niya rin ata si Kuya Dendi sa phone kaya't hindi pa agad niya ako napansin.

"Had a lot of fun?" tanong niya nang umupo ako sa harapan niya.

Tumango lang ako.

"Good, then. Nakausap mo na ba si Sean? Will he make it or kailangan nating maghanap ng proxy? Kakatawag lang ng shop, puwede na raw isukat ang gowns and suits."

"Kakausapin ko palang siya para i-confirm pero siguro'y maghanap na tayo ng proxy. Just in case?"

"Okay. Just let me know. Tumayo ka na diyan at mag-ayos para makatulog ka." Pinalo ni Ate ang hita ko.

"Maliligo lang ako tapos bababa ako para tulungan ka," pumilit ko. She just smiled.

Ang bilis naman ng araw. Parang kailan lang nung kausapin ko si Sean sa Skype na ikakasal na si Ate. Ngayon, dalawang linggo nalang ang naiwan.

Bukod sa kasal nina Ate Ria at Kuya Dendi, excited rin ako sa pag-uwi ni Papa.

Pagkatapos kong mag-ayos ay bumaba na ako. Nanood kami ng Supernatural habang nag-lalagay ng invitations sa envelopes.

Nang dalawin ako ng antok ay umakyat na ako. Hihiga na sana ako nang magring ang phone ko.

'Sean calling...' ang lumabas sa display.

"H-hey," nauutal na sabi ko.

"It's been a while, Rache," aniya.

"It is. Sem break na namin. Kayo? Tapos na ba ang exams ninyo?" Humiga ako sa kama and tried to imagine Sean's face. I did miss his voice after all.

"Yeah. Listen, Rache. Hindi ako uuwi ngayong break. I can't make it to your sister's wedding as well. Sasabihan ko si JD baka puwedeng siya ang proxy ko," sagot niya.

"Okay... And?"

"And I want to break up with you," sabi niya rin sa wakas. Akala ko ay handa na ako kapag narinig ko ang mga salitang ito pero meron parin 'yung kirot e.

"And?" sabi ko ulit. I want him to explain because as far as I know, I tried really hard for our relationship to work.

"Ang hirap kasi nito e. You understand that, right? Nahihirapan ako lalo na sa kakaisip na wala ako sa tabi mo sa tuwing nahihirapan ka. Mas kailangan mo ng taong tatakbo agad papunta sa'yo sa oras na kailangan mo ng tulong, ng taong nakaalam na malungkot ka kahit na hindi mo sabihin. Right now, I'm not that guy," frustrated na sabi niya.

"Hindi ko naman hiningi ang mga 'yan e," I cried.

"I know but it's what I wanted to do. It's what I want you to have. Sorry for doing this over the phone and that it took me so long to call you back. Sobrang busy ako dito at alam ko na ikaw din. You understand, right?"

IMPONDERABLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon