Chapter 21

39K 660 21
                                    

Chapter 21

"Hindi ko makuha ang punto if bakit ka insecure kay Janine. Magka-iba kayo Nathalia. Everyone has their own uniqueness so you better stop comparing yourself to her." umirap ako at humiga sa may sofa habang siya naman ay umiinom ng juice. Buti pa si Yvette matapang siya at parang walang iniindang problema. She was raped! Hindi ko kakayanin 'yon heto siya at parang walang nangyari.

Ayoko na siyang tanungin pa tungkol sa bagay na 'yon. Ayoko ng balikan pa niya ang ala-alang 'yon. That was really traumatic for her, noon ko lang nakitang hysterical at umiiyak si Yvette. Matayog ang pride niya at bilang kaibigan niya ay ayokong tapakan pa 'yon.

Minsan kung sino pa yung mga taong akala nating matapang ay siya rin yung taong mas matindi ang pinagdadaanan. Tinatago lang ni Yvette yung pain, alam kong gustong gusto na niyang umiyak pero napipilitan siyang lumaban dahil wala namang nagtangkang magtanong kung kaya pa ba niya.

"If you need a friend nandito naman ako. Bakit di ka umiyak if sobra na talaga?" matabang na ngumisi si Yvette at hindi ako pinansin.

"Para saan pa? Bakit pa ako iiyak? Sulitin mo na ang araw na ito Natie dahil ipapatapon na ako ng daddy ko sa Batangas."

Nalulungkot ako sa nangyari sa kanya. Siya lang kaibigan ko at siya ang nakakaalam sa kung totoong ako. Maybe she's right, wala nga akong dapat na ika-inggit kay Janine ngunit hindi ko maitatanggi na nagseselos pa rin ako sa kanya. Dapat nga ay makonsensya pa ako, hindi ako naging mabuting kaibigan sa kanya. 

Little do we know that everyone has their own demons. Takot akong mahusgahan ngunit ako naman 'tong judgmental. Ito siguro ang karma ko dahil sa inggit ko.

"Imbes na umaarte ka diyan ay magpaka-asawa ka nalang kay Nathaniel. Nakikita ko naman na mahal ka niya, don't doubt that. Paano nga naman kayo sasaya kung nega ka naman!" inismiran ko nalang siya. Kung makapagsalita akala mo nainlove na.

"Ang plastic mo teh. Nakakasira ka ng environment! Magpakatotoo ka naman for once. Alam mong nasusuka ko kapag nakikita kong nagbabait-baitan ka. I thought you knew that we were cut out from the same cloth." inaamin ko naman na yes talikod akong tumira. Hindi ko lang kaya ng harapan katulad ng ginagawa niya.

"Nainlove ka na ba?" bigla kong naitanong sa kanya. Patay malisya lang siyang nagkibit-balikat na para bang nagtanong lang ako kung kumain na siya o hindi.

"Once." mahina niyang bulong at naging tough na naman ang composure niya. Hindi ko talaga mabasa ang nasa isip niya. Kayang kaya niyang itago yung nararamdaman niya hindi katulad ko na transparent.

"Sasama na nga ako kay Nate sa party." pagmamaktol ko na ikinatawa lang ni Yvette. I never thought na makakasundo ko siya ng ganito, napailing na lang ako at niyakap ng mahigpit si Yvette bago siya umalis.

Excited akong umuwi ng bahay para sabihin kay Nathaniel na sasama na ako mamayang gabi sa party ngunit nabigo ako ng wala ng Nathaniel akong naabutan sa bahay. Damn! Ang sabi ni Manang ay kaka-alis lang daw nito. Don't tell me si Eula nga ang gagawin niyang partner?! Hindi maaari! Over my dead body!

Mabilis akong tumakbo sa silid namin, siguro naman ay kaya ko ang 30 minutes na pag-aayos, 10 miutes na ligo at yung natitira ay make-up! Dang! Sana'y kahapon ko pa naisipan kausapin si Yvette. Ipapakita ko na kung sino at ano ako. Magpapakatotoo na ako at hahayaan kong mahalin ako ni Nathaniel.

After less than 30 minutes ay nakaayos na ako. Nakasuot ako ng pulang evening gown at black stilettos. Pakakainin ko ng alikabok si Eula. Ano siya sinuswerte para maging partner ang asawa ko? Ganda ko kaya! Siguradong nganga siya. Wala na akong pakialam sa kung anong sasabihin ng mga tao, if possessive si Nathaniel ay mas ako. Akin na siya ngayon at hindi na ako gagawa ng paraan para mawala pa siya sa akin. Kinakalaban ko lang ang sarili ko. Ako lang ang nagbababa sa akin.

The Virgin's First Night 7: It Takes Two To TangoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon