Chapter 13

42.6K 778 110
                                    

Chapter 13

Feeling ko kaluluwa nalang akong naglalakad at ang katawan ko naman ay naiwan sa kama ko. Hindi ako nakatulog ng maayos! Sa tuwing naiisip ko yung nangyari kagabi ay gusto ko na lamang ihampas ang ulo ko sa pader. Nababaliw na nga ata talaga ako! Para ko na rin siyang inayang makipag-jerjer. Huhu. Hindi ako konserbatibo ngunit hindi rin naman ako liberated.

Kaninang almusal ay sinadya kong magpahuli at hindi na sumabay pa kay Nathaniel. Wala akong mukhang ihaharap! Nahihiya ang pwet ko! Yung kinikilig kong pwet ngayon ay nahihiya na. Huhu. Baliw ka Nathalia! Isa kalang malanding nilalang!

Isinabay kami sa sasakyan ni Nathaniel patungong Cainta, Rizal kung saan ang fieldwork niya. Professional sa trabaho si Nathaniel ngunit nahuhuli ko pa rin ang panaka-naka niyang pagtingin sa direksyon ko, itataas ko ang kilay ko at paglalaruan naman niya ang kanyang labi. He is driving me insane! Hindi ko na ata kayang labanan 'to!

The last time na nahalikan ang ko ang labi niya ay saglit lamang. Hindi ko naramdaman 'yon. Pagkababa namin sa site ay sinalubong na siya ng ilang trabahador at inabutan kami ng safety hats. Isinuot ko 'yon gayon din si Miel. Busy at seryosong nakikipag-usap si Nathaniel sa lalaking kaharap niya. Damn! Nakakainlove siya kapag ganitong seryoso siya.

"Mang Efren, magdagdag pa kayo ng bull dozer at kung kinakailangan mag three shifts kayo. Noong isang linggo pa 'yong pagtatambak ng lupa ah?" sabay kaming humagikgik ni Miel habang pinagmamasdan si Nathaniel. Damn! Ganito pala siya ka-hot kapag sa trabaho. He sounds so professional at mas nakakainlove iyon.

"Opo Engr. Cueva. Nagdagdag na po kami ng mga tao rito sa site." tugon ng matandang lalaki kay Nate.

"Iyong Stone Slinger at Tree Spade magdagdag din kayo ng mabilis ang trabaho. Tsk." nakapaywang si Nathaniel at oozing hot naman talaga dahil naka sunglasses pa siya. Damn! Asawa ko yan!

"Woah! Ang yaman naman ng Centerplan Construction. Afford nila ang Tree Spade!" ngumisi nalang ako sa namamanghang si Miel. Sa America pa binili ni dad ang karamihan sa equipments namin.

"Sumunod kayong dalawa sa akin at mag-iikot tayo." maawtoridad na utos sa amin ni Nathaniel at nauna na siya. Nagsisisi akong nag-heels ako rito sa site! Hindi ko naman alam na maraming bato rito. Haha.

"Ms. Romualde sa susunod 'yong komportableng sapatos naman ang suotin mo, sagutin pa kita kapag nasubsob yang maganda mong mukha sa may lupa." ngumisi ako ng inilalayan niya ako sa paglalakad. Nawala panandalian ang mga ngisi ko at napapikit ako ng mariin ng maramdaman ang kuryenteng kumiliti sa braso ko pababa sa may puson ko. Heto na naman! Isang araw ay papasukin ko na lamang si Nathaniel at maitatala na sa history ang kauna-unahang lalaking ginahasa.

Mabilis ang paghinga ko sabay sa rumaragasag pintig ng aking puso. Nakakahilo ang bilis niyon. Gusto kong hilahin si Nathaniel at halikan nalang siya. Ganito siguro ang nararamdaman ng mga babaeng tatlong taon ng kasal ay wala pa ring natatanggap kahit isang halik. Hindi ko alam kung paano nagagawa iyon ni Nathaniel, kahit hindi siya interesado ay babae pa rin ako. Kailangan ko bang magpakita ng motibo?! Ginawa ko naman kagabi diba? I need help! I'm fuckin' frustrated right now!

Sumunod ako kay Nathaniel at kay Miel na ngayon ay mukhang nasa gitna ng diskusyon. Hindi ako makapag-isip ng mabuti dahil nakatutok lamang ang mga mata ko sa matipuno at malapad na likod ni Nathaniel, hapit ang suot niyang itim na polo short at tama lang ang kupas niyang denim pants. Malamig ang simoy ng pang-umagang hangin ngunit naglalagablab naman ang bawat hibla ng laman ko.

"Ms. Romualde" natauhan ako ng tumabi sa akin si Sir Arive at dahil doon ay sumilay ang mga ngiti sa labi ko, bahagyang kumalma ang tibok ng puso ko.

The Virgin's First Night 7: It Takes Two To TangoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon