Chapter 5

43.5K 590 39
                                    

Chapter 5

Mas naging close kami ni Nathaniel, kami ang madalas magkasama lalo pa't hindi sila nagpapansinan ni Janine. Kahit na naiinis ako sa kanya ay hindi ko maiwasang mag-alala dahil madalas siyang namumutla at nahihilo hindi ko naman siya magawang tanungin. Anyway masaya ako dahil ipinapakita na sa akin ni Nate kung ano siya, hinayaan niyang malaman ko ang ilang parte ng pagkatao niya at wala na akong mahihiling pa roon.

Madalas akong pumunta sa kanila at mas sumasaya ako dahil nandoon ang kuya ko. Nalaman ko na si Tita Sheila mismo ang umampon sa kanya dahil sobrang devastated noon si Tito Luigi dahil hindi niya mabigyan ng anak ang asawa, mahal na mahal ni Tita Sheila si Tito Luigi. Hay.

Hindi ko naman masisisi si daddy kung may parte ng puso niya ang umiibig pa din kay Tita Sheila, sa pagkaka-alam ko ay first love nila ang isa't-isa at marami na rin silang napagdaanang dalawa. Kung may hihilingin man ako, kung hindi sila ngayon ay sana sa susunod na buhay ay magkatuluyan na sila. Itanggi ko man pero may spark sila na wala ang mga magulang ko. Alam kong may baga pa din na natutulog lang sa puso nila at naghihintay ng apoy upang muling lumiyab iyon.

"Napansin mo ba namumutla si Ja? May sakit kaya siya?" tanong ko kay Nate habang kumakain kami ng sabay dito sa canteen. Gusto ko lang din malaman kung nag-aalala pa rin siya para rito. Hindi naman mawawala ng ilang linggo lang nag nararamdaman niya para kay Ja pero sa sana naman sa ay natutunan na niyang lingunin ang taong nasa tabi niya. Ako.

"Baka puyat lang." malamig niyang sagot at hindi na ako kinausap pa. Bakit pakiramdam ko pinipilit lang niyang maging cold? Deep inside nag-aalala siya kay Janine. Tss. Padabog kong isinubo ang ang spaghetti ko umaasang mailabas ko roon ang ngitngit sa puso ko. Paano ba mawawala si Janine sa paningin ni Nate? Sawang sawa na ko na maging hangin, sawang sawa na ko na takbuhan lang ni Nathaniel sa tuwing inaayawan siya ni Janine.

Ang landi mo Janine! Salawahan ka! Ang gusto mo kapag nasaktan ka may safe zone kang uuwian at si Nathaniel iyon. Ang damot mo! Akala mo ba hindi ko alam na naiinis ka sa akin dahil malapit na ako sa bestfriend mo? Tss. Sa love ba kailangan ng reserba? Na kapag inayawan ka ng mahal mo kailangan may sasalo sayo para di ka masaktan? Sa pag-ibig masasaktan at masasaktan ka!

"Nate! Gusto mo mag mall? Tara!" napadaing na lamang ako ng walang awa niyang pinitik ang medyo malapad kong noo. Grabe siya ha! Kahilig mamitik ng noo!

"Ouch ha? Bakit mo naman ako pinitik Nate? Masakit yun ah." naka-pout pa ako para lang maging cute ngunit umirap lang siya. Mas mataray pa talaga sakin 'tong lalaki na 'to!

"Tss. Aral aral din pag may time Natie. Babagsak ka niyan sa Calculus. At anong Nate? Mas matanda ako sayo ng tatlong taon kaya tawagin mo kong Kuya Nate." this time ako naman ang nairap. Sus! Di naman kami magkamag-anak tapos tatawagin ko pa siyang Kuya. Kuya pa itatawag ko eh nilalandi ko naman. Hahaha.

"Nate! Nate! Nate! Blehhh!" nag make face na lamang ako habang siya naman ay humagalpak sa tawa. Tss. Siguro kaya lang niya gusto ng company ko kasi ginagawa niya akong clown. Napansin ko lang kada magkasama kami tawa siya ng tawa. Nakakainlove tuloy! Ang gwapo kaya niya lalo kapag nakatawa. Nawawala yung mga mata niya tapos kapag pinipigilan niya ngumingisi nalang siya na nakakalaglag panty! Gosh!

"Stubborn Natie!" nagpapasalamat ako kay mommy sa pangalang binigay niya sa akin. Perfect match in heaven lang kami diba? Sabi nga nila Nathaniel at Nathalia kambal ng tadhana. Soulmate kami! Nate and Natie pa nickname namin. Nakakakilig! Mas nakakatuwa siguro kapag Mrs. Nathalia Cueva na ako. Ayyyy!!

The Virgin's First Night 7: It Takes Two To TangoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon