Chapter 20

39.1K 624 21
                                    

Chapter 20

Naabutan kong nagbabasa ng magazine si Nathaniel habang prenteng nakaupo sa may sofa. Sus! Ang sungit naman! Ito naman yung nagustuhan ko sa kanya yung pagiging masungit niya. Haha. Saan ba pinaglihi 'to? Haha. Kahit na hindi niya ako pinansin ay agad akong umupo sa lap niya na ikinagulat naman niya.

"Huwag ka ng magtampo please?" malambing kong saad na ikinataas lang ng kilay niya. Grabe naman pala magtampo 'to!

"Hindi ako nagtatampo. Nagseselos ako! Upakan ko si Arive. Tss." tumawa na lang ako at tumango.

"Sampalin ko yung Nazar na 'yon eh!" nakita ko ang pag-angat ng mga labi ni Nathaniel at ngayon alam kong bati na kami. Haha.

"I like it when you are jealous." tumindig ang mga balahibo ko ng kinagat niya ang braso ko at ngumisi. Haha. I guess I'm forgiven.

"Wala ka naman dapat ikaselos dahil alam mo namangn ikaw lang ang mahal ko. Pwede naman pumunta sa party ng walang date diba?" nawala ang mga ngisi ni Nathaniel at inirapan ako. Haha. Ang cute niya kapag umiirap para siyang bata. I cupped his face.

"Gusto ko lang naman ipakita na akin ka. Natie sumama ka na sa akin sa party." ayoko talaga eh. Hay. Paano ba 'to? Gusto ko iyong ideya kaso hindi talaga maganada eh. Hindi naman kasi talaga ako sumasama sa mga ganoon at isa pa boring don.

"Sinabi ko na kay Arive na isasama ko ang asawa ko." bakas ang iritasyon sa boses ni Nathaniel kaya naman nagbuntong hininga na langa ko. Pinaalis niya ako sa lap niya at pinaupo sa kanyang tabi na para bang naiirita siyang naroon ko.

"Pwede mo namang bawiin diba? Huwag ka na makipag-tagisan ng ego sa kanya. Sayo naman ako eh. Hay." napasandal na lang ako ng tumayo si Nathaniel at naglakad patungo sa may hagdan.

"Either sasama ka o si Eula nalang?" I don't get it kung bakit kailangan may kasama pa siya sa party na. Anong mayroon sa party at hindi pwedeng mawalan ng partner? Ugh! Mag-aaway kami kung isasama niya ang babaeng 'yon. Ako nga pupuntang mag-isa eh. Tss.

Sa hapunan ay hindi kami nag-usap na dalawa. Shit! Hindi ako makatiis kahit gustong gusto ko siyang tiisin. Hindi ko alam na pag-aawayan naming dalawa ang bagay na 'to. Hindi ba pwedeng maglambingan nalang kaming dalawa at palagpasin na niya ang bagay na 'yon? Nakakainis! Sa tingin ko sa relasyon namin ni Nathaniel ay ako dapat ang mas mag-compromise, sabi nga ni mommy ang mga lalaki likas daw na immature ang mga 'yan. Katulad ng mga bata ay maramot raw ang mga ito at sumpungin kaya dapat patience lang ang katapat 'non.

Gusto ko lagi lang kaming masaya ni Nathaniel pero mahirap atang gawin 'yon. Baligtad ang ugali naming dalawa at madalas ay wala kaming mapagkasunduan. Kahit sabihin niya pang ako yung mahal niya ay hindi ko pa rin maiwasan na maikumpara yung pagsasama nila ni Janine. Bakit sila madalas magtawanan? One-sided lang naman yung sa kanila pero bakit masaya sila? Ugh! Heto na naman ako sa insecurities ko. Akala ko matatapos na 'to kapag minahal na ako ni Nate.

Pagpasok ko sa kwarto ko ay naabutan kong nakahiga na si Nathaniel. Mabuti at sa tabi ko siya matutulog kahit na may tampo siya sa akin. Kung hindi ko naman ibababa ang pride ko ay walang mangyayari. Napapagod din ako, tandaan mo yan Nathaniel. Ilang taon akong naghintay sayo pero sa huli ako pa rin ba ang iintindi? Tumabi ako sa kanya ngunit hindi man lang niya ako nilingon, uminit na ang mga mata ko at napaiyak. Why are you so cold?

Bakit feeling ko second choice lang ako? Dahil ba hindi ka minahal ni Janine ay ako nalang ang pinili mong mahalin kasi alam mong sasaluhin kita? Wala naman sa akin kung taga-salo ako eh! Tratuhin mo lang ako katulad ng ginawa mo sa kanya. Tatlong taon na nga akong naghintay, inip na inip na ako.

The Virgin's First Night 7: It Takes Two To TangoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon