Chapter 11

36.9K 623 38
                                    

Chapter 11

"NATHALIA!!!!" umagang umaga ay sumisigaw ang magaling kong asawa. Padabog kong ibinaba ang brush ko at tinungo ang adjascent door ng kwarto namin. Iisang kwarto lang pero hinati 'yon sa dalawa, isa ang bathroom namin at kailangan ko pang pumunta sa kwarto niya para makaligo. Tss.

"Bakit na naman?" tamad kong tanong sa kanya. Nanlaki ang mga mata ko ng makita na half naked lang siya at kitang kita ko ang kanyang matipunong katawan. Nabuhay ang dugo't laman ko sa nakita kong 'yon! My goodness! The yummy abs! Busangot ang mukha ni Nathaniel habang inis na inis niyang ginugulo ang kanyang wet hair. So tinawag lang ba niya ako para ipakita na may hot akong asawa?!!

"Yung white shirt ko bakit nagkaroon ng kulay pink na mantsa? Hinalo mo na naman siguro yung de color sa puting damit!" hindi ko akalain na nagger pala si Nate. Dinaig pa ko! Araw-araw ata kung reglahin.

"Ako na naman pinagbintangan mo. Pwede namang si manang may kasalanan niyan. Grr. Saka ang dami mong white shirt!" unang araw ko sa OJT pinapapangit niya ako. Bad vibes na tuloy ako! Paano naman ako matututo nito.

"Paniguradong ikaw lang naman gagawa nito. Tss. Sige na umalis ka na magbibihis ako." Arte! Nagmartsa na ako pabalik sa kwarto ko. Akala naman niya sisilipan ko siya! Hindi naman 'yon ang unang beses na nakita ko siyang half naked. Gosh! Umiinit ang pisngi at tainga ko. Hindi ko alam na nakakakilig pala makakita ng abs! Anim 'yon! Anim!

Naisahan ko si Nathaniel! Siguro'y may tinatago siya sa opisina kaya ayaw niya ako dun mag OJT! Kay daddy nga ako nag-apply! Huwag na huwag niya akong gagaguhin naku lagot talaga siya sa akin. Nauna na siyang pumasok sa opisina habang ako naman ay naghintay pa ng ilang minuto.

Grabe! Kapag naiisip ko na tatlong taon na kaming mag-asawa ni Nathaniel ay hindi pa rin ako makapaniwala. Akalain mo nakatagal ako sa kasungitan, katamaran, kaartehan at pagiging nagger ni Nathaniel. Kahit kaliit-liitan ay pinagtatalunan namin! Ang masama walang may gustong magpatalo sa amin. Mangangatwiran at mangangatwiran ang isa. Buti nalang may nalaman akong tactic! Hahaha. Nalaman ko na kahinaan ni Nathaniel ang babaeng umiiyak.

Last time kasi sa inis ko naiyak ako kaya sumuko siya agad. Pinagtatapon ba naman panties ko! Aniya para daw fiesta sa bathroon namin dahil doon ako nagsasampay. Inihanap niya tuloy ako ng panties! Ngayon kapag pagod na ko sa away ay magkukunwari nalang ako umiiyak at yuyuko nalang. Natatawa kasi ako kaya kailangan kong yumuko para maging kapani-kapaniwala ang acting ko. Hahaha.

"Natie! Akala ko late ka na! First day pa naman natin sa OJT!" salubong sa akin ng nag-aalala kong kaibigan na si Miel.

"Oo nga! Nagpahuli ako talaga." wala pang nakakaalam na may asawa na ako dahil Romualde pa din ang apelyido ko. Hindi ko ginagamit ang Cueva dahil baka mahirapan ako pag nag-file ako sa PRC kapag board exam na. So SINGLE pa din ang civil status na ginagamit ko. Ani mommy pwede naman daw 'yon.

"Kinakabahan ako Natie! Takot akong mapagalitan." naging kaibigan ko si Miel noong 3rd year college kami. Kaibigan ko siya pero hindi siya yung tipo ng confidant. Mas sasarilinin ko nalang ang mga sikreto ko.

"Ano ka ba! Okay lang 'yan! Ako din naman kinakabahan eh." ayoko ng special treatment mamaya kaya sana i-trato ako ng mga empleyado ng normal. Tiyak pahihirapan ako ni Nathaniel!

Masipag sa trabaho si Nathaniel kahit alam niyang sa kanya mapupunta ang kompanya namin. Hindi forte ni Kuya Arsane ang engineering at ang pagpapatakbo ng kompanya kaya kahit siya ang tunay na tagapagmana ay kay Nathaniel ito ibibigay.

The Virgin's First Night 7: It Takes Two To TangoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon